GREY'S POV
Alas Dos nang umaga kami nagising, 'yon rin kasi ang napagplanuhan. 3 am kami susundoin ng aming magiging Tour Guide which is may car rin. Siya ang magiging Tour Guide namin sa Tatlong Lugar while kami na ang mag-eexplore sa dalawa pa.
"Magdadala pa ba tayo ng pillows?" tanong niya habang nakatingin sa maraming gamit na dadalhin niya.
"and Why?" nababagot kong tanong din sa kanya. Eh kanina pa siya eh. May planong dalhin yung rice cooker, yung mga unnecessary things na ewan ko kung bakit niya dadalhin tas ngayon magdadala siya ng naglalakihang unan, apat pa.
"In case of emergency?" sabi niya ulit. Magsasalita na sana ako ng may kumatok. Nagkatinginan pa kami bago ko napagpasyahan na buksan ang pinto.
Nilakihan ko ang bukas ng pinto nang makita ko kung sino ang nasa labas. "Goodmorning po." Aniya ko. "Tuloy po kayo."
"Magandang umaga din iho." Bati niya sa akin. Nginitian niya ako. "Hindi ako magtatagal. Naparito lang ako para malaman niyong handa na ako sa biyahe. Mauuna na ako sa baba, hihintayin ko kayo. Take your time kids." Tinapik niya pa ako bago nagsimulang umalis.
Nang makit kong nakaliko na siya ay sinarado ko na ang pinto. Laking gulat ko pa nang nasa likuran ko na pala ang babae at kita sa mukha niya ang excitement.
"Siya ba iyong driver?" tanong niya sa akin habang sinusundan ako sa kusina.
"Hindi ba halata?" Uminom ako ng malamig na tubig at sinalinan ulit ito. Walang pahintulot niyang kinuha ang baso at uminom din dito. Iniwan ko siya sa kusina at hindanda na ang mga gamit. Sumunod din siya at kinuha na ang mga gamit niya.
"OMG! THIS IS IT!" tili niya. Inayos niya muna ang flowercrown na suot suot niya at nagmamadaling kinuha ang kaniya mga gamit. Tuwang-tuwa siya lumabas at nailing kong kinuha ang mga kagamitan ko. Isang buwan pa bago ako makakabalik ditto kaya hindi ko nalang ni lock kasi paniguradong may titira ditto sa loob ng ilang araw.
Naabutan ko siyang nakasakay sa backseat at nagseselfie. Kinuha naman agad ni Kuya Darwin ang mga kagamitan ko at nilagay sa likuran. Bubuksan ko na sana ang front seat ng magsalita si Kuya Darwin.
"Ay iho, pasensiya na. Sira ang upuan sa harapan. Kung maaari ay sa likod ka maupo. Paumanhin." Pagpipigil sa akin ni Kuya Darwin. Sinulyapan ko naman ang babae sa likod at inikutan niya lang ako ng mata pero umurong rin naman siya.
"Ok po." Sabi ko nalang at dumiretso ng upo sa likod.
"Kuya, ang old style mo naman magsalita. Sinaunang tao much ka po." Biglang sabi ng katabi ko. 'Di makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Seriously?
Patawang pinaandar ni Kuya Darwin ang sasakyan at nagsimula nang mag drive. "Lumaki ako sa probinsiya kung saan napapaligiran ng mga sinaunang tao, iha." Napatawa ulit siya. "Hindi kasi ako sanay mag-ingles. Pagpasensiyahan mo na ako sa aking pananalita. "
"Naku kuya, 'wag mo nang pansinin itong babaeng 'to. Sorry po." Sabi ko sakanya. Tiningnan naman ako ng katabi ko at sinamaan ng tingin. Inirapan niya pa ako bago tumingin sa harap.
"Eh totoo naman eh, at first time kong makarinig nang ganyan." Hindi ko siya pinansin at kumuha nalang ng pagkain at kumain. Inalok ko si kuya at alam kong tatanggi siya, kasi nga nagdadrive.
"Hindi mo ba ako aalukin?" nakangisi niyang sabi sa akin. Binaliwala ko siya kasi pinagloloko niya lang ako, kumakain rin siya eh. Alangan naman kung aalukin ko pa siya.
"Sino ka ba para alukin ko?" ganti ko sa kanya. It's her turn to get mad.
"Si kuya lang ba ang tao dito bukod sa'yo?" inis niyang sabi. Nagcross-arms siya at pagalit na humarap sa akin.
"Tao ka ba?" at humarap sa kaniya. "Akala ko kasi..." Dyosa.
"Akala mo ano?!" pasigaw niyang tanong. Nagulat pa ako kasi di ko ina-asahang pagsigaw niya. Ewan ko sa babaeng 'to. Minsan may sayad.
"Akala ko...ano...akala ko... Kuya malayo pa ba tayo?" pag-iiba ko sa usapan. Narinig ko pa ang pagsabi pa niya ng "bwisit" bago sumiksik sa pinto. Palihim akong napangisi nang makita kong nabitin siya at na-iinis.
"Apat na oras pa ang byahe natin, iho. Kung maaari ay matulog nalang muna kayo para hindi kayo mababagot." Sabi niya. Dahil rin masunuring bata ako ay kinuha ko ang aking headphones at nagsimulang matulog.
----
"Iho, iha. Gising na, andito na tayo sa hotel niyo."
Napahikab ako. Uupo sana ako ng matuwid nang may maramdaman akong mabigat sa aking legs. Sarap na sarap ang tulog ng babae at ginawa niya pa akong unan. Magrereklamo n asana ako nang nauna rumeklamo ang tiyan ko.
"Hoy babae, gising." Tinalon talon ko pa ang aking mga paa bago siya tuluyang nagising. Akala ko ok na pero kinurot niya pa ako ng malakas na malakas kaya napahiyaw pa ako.
"Putangina ka. Ang sakit ng ulo ko ha." Sabi niya sa akin. Inayos niya ang kaniyang flowercrown na suot suot at lumabas na ng sasakyan. Nakangiwi akong lumabas ng sasakyan at dumiretso sa lobby.
Andito kami ngayon sa Nagoya Marriott Associa Hotel. Masyadong mahal ang isang room kaya yung room na may 2 bedrooms nalang ang kinuha ko for P8,550, sa isang araw pa 'yan.
Si Kuya Darwin ay libre na lahat lahat sa hotel na ito kasi driver siya at Tour Guide na rin. Parang nasa guidlines or whatever talaga every hotel na may ganyan.
"Limang araw tayo dito sa Nagoya diba? Ba't di ka nalang pumili ng mas mura dito eh matutulog lang naman tayo dito." Ngawa niya. Di ko siya pinansin at inasikaso ko ang papeles ng reservation ko at kinuha ang susi ng room namin.
Nakasunod lang siya sa akin na para bang hindi mayaman kung maka mangha sa paligid. Akon g alking probinsiya ay sanay na sa ganito, siya pa kaya na kulang nalang ay isubo sa kaniya ang milyones. Tsk, tsk. Pambihira.
"This is a 5-star hotel, Aleyji. Malamang eto ang pipiliin kong hotel lalong-lalo na kung may kasama akong maingay. Medyo sound-proof ang rooms ditto kasi dito rin nagche-check-in ang mga recording artists, producers, composer and etc. Bagay sayo dito." Medyo nabaguhan pa nga ako nung tinawag ko siya sa kaniyang pangalan. Hindi ko rin naman kasi siya tinatawag gamit ang kaniyang pangalan.
"Kanina ka pa, ah. Ano suntukan nalang?" hamon niya sakin. Sinulyapan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Gaya nga nang sabi ko sayo noon, hindi ako pumapatol ng bata." agad akong tumakbo matapos sabihin yon at inaasahan ko na talaga siyang hahabulin niya ako. Dahil na rin malalaki ang biyas ko ay nauna ako sa kanya at agad pumasok sa room namin.
Nalagay ko na ang aking mga gamit bago pa siya dumating. Akala ko nga susugurin niya ako pero dire-diretso lang siya sa kaniyang higaan.
"Hindi pumapatol ng bata." Napalingon ako sa kaniya ng sabihin niya ito. Ninlingon niya ako at ngumisi, "Ang sabihin mo, hindi ka pumapatol ng babae." At sumunod no'n ay isang malutong na tawa.
Napakunot naman ako ng noo at sinuri ko siyang mabuti. "Sinasabi mo bang, bakla ako?" tanong ko sa kanya.
Tumawa ulit siya. "Wala akong sinasabing ganon. Ikaw nagsabi, ah!" at tumawa siya ulit. Napangisi naman ako dahil sa pinagsasabi niya.
"At aasahan mong may gagawin ako sa iyo to prove that I'm not a gay?" segunda ko sakanya. Agad naman siya tumahimik at nandidiring napatingin sa akin.
"Ewww. Hindi tayo talo, tol!" nakikita sa mukha niya ang pandidiri at nawala lang din naman iyon. "Don't worry. Tanggap kita...beshy." Dagdag pa niya na ikinapikit ko. Dinig na dinig ko ang malakas niyang tawa na akala mo'y kinikiliti.
Ngumiti ako sa kanya. "Well, try me." Ani ko at lumabas ng room para kumain sa baba. Apat na oras ang nagging biyahe naming at hindi kami nakapagstop-over sa mga restaurants kasi medyo nagmamadali rin kami. Bukas kami magsisimulang mag-ikot dito sa Nagoya at limang araw kami dito. Matapos dito, dadan muna kami sa Kyoto bago mag-Osaka.
Habang pasakay nang elevator, nakita ko siyang sumunod din sa akin pero malayo pa. Kakain rin siguro.
Pagkasara ng elevator ay napangisi ako.
Bakla pala, ah.