GREY'S POV
Tapos na siyang mag-ayos nang magising ako. She's really really ready na kung pupwede ay mauna siya sa Tourist Spot na pupuntahan namin, now na. Bakit ba ang excited niya ngayon?
"Anong meron?" tanong ko sakanya habang papasok ng CR. Nginitian niya lang ako at sinenyasan ako na magmadali.
---
Hila-hila niya ako papasok sa elevator. Pinindot niya agad ang 2nd Floor kung saan ang Dining Area at parang natatae na siya sa sobrang excited niya. Kulang nalang ay magtatalon siya.
"Bilisan mo, Aboi! OMG, makikita ko ulit siya!" napa-irap ako ng marinig ang dahilan kung bakit siya naging ganito. Hinila niya ako palapit sa counter at patalon-talon niyang kinausap ang babaeng nasa cashier.
"Haieee! Ahm, Can I ask if the chef, the handsome one, is here?" natawa naman sa kanya ang babae kaharap dahil sa inasta niya. Napa-irap naman ako. Akala ko ba tanggap na niyang bakla iyon.
Umalis sandali ang babae at lumabas kasama na ang chef. Paglabas na paglabas palang ng chef ay tumili ng mahina ang katabi ko bago ako kinurot. Napalayo naman ako sakanya at baka mapatay pa ako nito sa kilig.
Pero agad nawala ang saya niyanang hindi man lang siya sinulyapan ng desired man niya kaya napatawa ako. Sakin nakatingin, eh.
"Hi." Napa-ayos naman ako ng tayo ng binati ako ng chef. Di hamak na mas gwapo nga ako dito at ewan ko sa babaeng 'to kung bakit crush na crush niya ito.
"Hello." Bati ko rin sakanya. "I'm Grey and you are?" pagpapakilala ko. Nakipagkamay naman sa akin ang chef.
"Hi Grey. I am Jack. I'm the head chef of this hotel. Nice to meet you." Nginitian ko lang siya at plano sanang tapusin ang pakikipag-kamay pero ayaw niyang bitawan ito. Ang taong ito, nagpapansin talaga.
Napatingin naman ako sa katabi ko at nakataas ang kilay niyang nakatingin sa aming mga kamay. Nang mapatingin siya sa akin ay sinenyasan ko siya at humingi ng tulong. Napabitaw naman si Jack sa kamay ko nang biglang hinablot ng katabi ko ang kamay ko.
"Well?" napadikit naman ako sa katabi ko at baka may gawing masama ulit ang chef sa akin. Huy, harassment iyon.
"Ipakilala mo ako, gago. Bilis!" mariin niyang bulong sa akin. Napa-ubo naman ako at napalingon ulit sa chef na ngayon ay ngiting-ngiting nakatinin sa akin. Bumalandara ang plastic na ngiti sa mukha ko at lumapit ng konti sa desk.
"Ahm...Jack. This is Aleiji, my ahmmm, my..." ano ko ba to? Friend? Acquintance?
Bigla akong napa-usog nang tinulak ako papalayo ng babaita. Napa-irap naman sa kaniyang inasta at siya na ang kusang lumapit ang nagpakilala.
"Hi Jack. I'm Aleiji Castronn, a not so close friend of him. Hope we'll be friends or more than that, ehe. You can call me, I'll give you my number." Dahil na rin sa gulat ko sa pinagsasabi niya ay agad ko siyang hinila at tinago sa likuran ko.
I gave an apologetic smile sa chef. "I'm very sorry for the way she acted. She's some kind of ill so please bare with her. I'm sorry for the inconvenience." Nagbow ulit ako at hinila ang babae sa pinakadulong table ng Dining Hall.
Pagkaupong-pagkaupo namin ay napahawak ako sa panga ko nang bigla niya akong sinuntok. Tangina, ang sakit nun!
"Gago ka ba? Anong 'ill' pinagsasabi mong tangina ka, ha? Ba't mo ko sinisiraan sa love of my life ko!" at tinadyakan niya ako sa kaya nataas ko ang paa ko at nabungo naman ang tuhod ko sa mesa. Napangiwi ako. Double kill!
"Karma mong tangina ka." Sabi niya bago tumayo at nag-order. Bumalik naman siya at may kasunod na lalaking dala-dala na ang pagkain namin. Umupo naman siya sa harapan ko na parang wala lang at nakuha pang ngumiti sa akin.