Chapter Seven

5 0 0
                                    

GREY'S POV

Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Bukas na ang diwa ko pero wala pa akong planong bumangon kasi trip ko lang.

Napatingin ako sa CR nang biglang may lumabas. Napa-iwas naman agad ako ng makita kong ang babae pala na kakatapos lang maligo ang lumabas. Nakatuwalya pa ito at basang basa pa ang buhok nito. Nang makita niya ang pag-iwas ng tingin ko ang natawa siya.

"Napagkasunduan natin na sa paglabas ng CR ay nakabihis na, babae." Na-iinis kong sabi sa kanya.

"Uy, di ko naman alam na maaga ka palang magigising. Tulog mantika ka kahapon eh" pagtatanggol niya.

Napasabunot ako sa ulo at marahas na tumingin sa kanya. Handang-handa na akong inisin siya pero napatigil ako at napalunok. Tumutulo ang basa ng buhok sa balikat niya and showing her white glowing skin habang kinukuha niya ang kaniyang mga gamit na naiwan sa kama niya.

Napa-iwas ulit ako ng tingin nang tumingin siya sa akin at ngumisi. "Aba, naninilip ang bakla." ani niya. Dahil sa sinabi niya ay lumingon ako sakanya. Papagalitan ko na sana siya ng nasa harapan ko na pala siya at naka-crossarms.

"Putang-" hindi ko tinapos ang sasabihin ko at nagtakip agad ng mukha. Rinig na rinig sa room ang malakas niyang tawa. Nai-inis kong sinabunutan ang buhok ko at sinuntok ang binti ko.

"Tigilan mo ako, babae." Nagtitimpi lang ako pero na-iinis talaga ako. Hindi sakanya kundi sa sarili ko. Putang-ina, may nabubuhay kasi.

Tumigil siya sa pagtawa. "Ano? Sa CR pa ba ako magbibihis?" saad niya. Hindi ko siya pinansin at padabog na tumayo. Pinabayaan kong magulo ang kama ko at kinuha ang tuwalya at mga damit ko at dumiretso ng CR.

"May araw ka rin sakin." Ani ko bago sinara ang pinto.

--

"Mga bata. Welcome to Nagoya Castle!" nagagalak na sabi ni Kuya Darwin. Tiningnan niya kaming dalawa sa rear view mirror at ngumiti. "Pasensya na, ah. Hindi ulit ako makakasama ngayon. Nasa ospital kasi bunso ko, walang magbabantay. Magtetext lang ako mamaya. Mag-iingat kayo." Dagdag pa niya.

"Ok lang po, kuya. Alis na po kami." Sabi ko at lumabas ng sasakyan. Nagpaalam din ang kasama ko habang inaayos ang suot niyang green na flowercrown.

Paglabas niya, parang wala pa siyang gana pero nung makita niya ang building, parang nacharge agad siya. Nahyper bigla na halos matisod ako ng bigla niya akong hinila.

"Aboi! Aboi! Picturan kita bilissss! Tayo ka dun bilis!" di na ako nakaprotesta ng tinulak niya na ako. "Smile ka bakla!" sigaw ulit niya at napatawa ako sa kaniya kasi parang nagmamadali siya. Isang click lang ang narinig ko at nakontento naman siya bago niya akong hinayaan na kunan ng litrato ang site.

Katulad ng kahapon. Sa hapon pa kami sa loob mag-iikot kaya ngayon, iikutin muna naming ang labas. Hinanap ko pa ang babae at baka bigla iyong mawala.

"Aboi! Tingnan mooo! Ang ganda ng tree!" turo niya sa cherry blossoms. Mukhang bata siyang nakatingala kaya kinunan ko siya ng litrato bago lumapit.

"Gusto mo mag-uwi ng ganyan?" sabi ko. Napatingin naman siya sa akin na nakakunot ang noo.

"Eh hindi ako marunong mag-alaga ng plants." Maaarte niyang sabi. Tinawanan ko naman siya.

"Ang yaman yaman mo, di ka maka-afford ng gardener?" sabi ko sa kanya. Inukutan niya naman ako ng mata at tumingin ulit sa taas.

"Tigil tigilan mo ako ah." Aniya. Napatingin rin naman ako sa taas. Ilang minute pa kaming nagtagal doon bago niya ako inayang kumain.

LOST (our hearts) IN JAPANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon