“Tara, sakay ulit tayo!” ani Marson habang hawak pa rin nito ang kamay niya. Kabababa lang nila sa Space Shuttle pero hinihigit na naman siya ng lalaki pabalik sa pila.
Papataas pa lang ang Space Shuttle ay nalula na siya kaya kumapit na kaagad siya sa kamay ng lalaki. Paano ba nama’y sa pinakauna sila pumuwesto. Hinawakan din nito ang kamay niya at hanggang ngayon ay hindi pa binibitawan iyon. Na ipinagpapasalamat niya dahil pakiramdam niya ay hindi siya kakayanin ng mga paa.
“Sandali naman! Hindi pa nga halos ako nakakabawi ng lakas. Nanginginig pa ang tuhod ko. At saka tingnan mo ang buhok ko, gulo-gulo!” aniya na hindi nagpatinag sa pagkakatayo.
Binitawan ni Marson ang kamay niya at ito pa ang nag-ayos ng buhok niya, “Maganda ka pa rin kahit magulo ang buhok mo.”
Ipinagpasalamat niya na bahagya pang namumula ng mukha niya dahil sa katatapos na ride dahil kahit paano ay naitago noon ang muling pamumula niya dahil sa ginawa at sinabi ng binata.
“Wag mo na akong bolahin. Kahit anong sabihin mo, hindi na ulit ako sasakay diyan.” Aniya bago lumakad sa pinakamalapit na bangko at naupo. Totoong nanlalambot siya. Pero isiisip pa niya kung dahil ba sa nerbiyos o dahil sa lalaking kasama niya.
“Hindi kita binobola, Che,” maupo ito sa tabi niya. “Totoo naman na maganda ka.”
“Yeah, right.” Naiiling na sagot niya.
“Bakit ba ayaw mong maniwala? May salamin naman tiyak sa bahay niyo.”
Huminga siya ng malalim, “Grabe ka. Diyan mo talaga ako unang pinasakay. Hindi ko alam kung kakayanin kong sumakay sa ibang rides after niyan.” Paiwas na sagot niya.
“Actually may dahilan kaya diyan kita unang pinasakay. ‘Yan na ang pinaka extreme na ride dito. At dahil kinaya mo, lahat na ng rides dito, sisiw na sa iyo.”
Napailing si Cheryl Lei, “Talaga lang, ha? Pero tara na muna sa bilihan ng tubig. Nanuyo ang lalamunan ko sa kasisigaw.”
Tumayo kaagad si Marson, “Ako na. Dito ka na lang. Bumawi ka ng lakas at maghapon tayong sasakay sa mga rides.” Nakangiting sabi nito bago siya iniwan.
Napabuntong-hininga si Cheryl. Sinundan niya ng tingin ang lalaki at hindi niya napigilan ang pag guhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Kagabi ay halos hindi siya makatulog sa sobrang exitement. Ipagpaalam siya ni Marson sa nanay niya kahapon. Nangako ito na sa Enchanted Kingdom lang sila pupunta at ihahatid siya nito bago mag alas-otso ng gabi. At ipinagpasalamat niya na pumayag kaagad ang ina niya. Nakuha na talaga ng binata ang tiwala ng mga magulang niya.
Nang bumalik ito ay dalawang water bottle ang dala, binuksan muna ang isa bago iyon iniabot sa kanya.
“Ano? Okay ka na?” nakangiting tanong nito matapos niyang uminom. At sa kislap pa lang ng mga mata ng binata ay kinabahan na siya.
“Bakit gan’yan ang pagkakangiti mo? ” aniya, pero inabot naman niya ang nakalahad na kamay ni Marson.
“Anong meron sa ngiti ko? Naaakit ka?” tumaas ang isang sulok ng labi nito, nangingislap ang singkit na mga mata. And somehow, ang maghilom na sugat sa kanang kilay nito, na ngayon ay pilat na, ay mas nakadagdag sa angking karisma ng binata.
Napatawa siya, pero pinaikot niya ang mga mata. “Yung ngiti mo mukang may kalokohang itinatago.” Nagpauna na siyang lumakad, hinigit niya ang kamay pero hindi iyon binitawan ni Marson, bagkos ay hinigit siyang pabalik nito.
“Bakit hindi mo sinagot nang direkta yung tanong ko?”
“Hindi ano! Hindi ako naaakit sa iyo!” sagot niya bago ito inirapan.
BINABASA MO ANG
My Savory Love (COMPLETED)
RomanceLove Bites Trilogy - Book 2 "Kung wala kang problema, ako meron, at ikaw lang ang solusyon."