"HI CHERYL," bati ng lalaking lumapit sa kanya. Pamilyar ito. Ang lalaking nabangga niya sa fastfood restaurant noong isang linggo. Tatanungin sana niya kung paano nito nalaman ang pangalan niya nang maalaala ang ID na suot. Nakasulat nga pala ang pangalan niya doon.
"Hi, Sir. Good morning," nakangiting bati niya.
"Binati mo ba ako dahil tanda mo ako, o, binati mo lang ako bilang ordinaryong kliyente n'yo?" nakangiti pa ring tanong nito.
“I’m sorry dun sa nangyari noong isang linggo. I hope I made it up to you in some ways,” nakangiti pa ring sagot niya.
“Hindi mo naman kailangang palitan yung order ko. Pero salamat na rin.” Iniabot nito sa kanya ang deposit slip at cash na dala.
“Apology ko iyon kaya hindi mo kailangang magthank you.”
“Sa ating dalawa ako ang kailangang magsorry talaga. Pero mukhang hindi mo ako naaalala. Hindi mo na ba ako tanda, Cheryl?”
Napakunot-noo si Cheryl at napatingin muli sa lalaki. "Nagkita na ba tayo dati?" tanong niya na naging alanganin na ang ngiti.
"Oo. Hindi lang basta nagkita. Mas malala pa doon, actually," ngumiti itong muli. "Macky. Macky Ritual."
"Macky?" napatingin siyang mabuti sa binata, "Hindi kita nakilala!" Malaki ang ipinagbago nito. Hindi niya ma-pinpoint, pero merong nag-iba. Maaaring dahil sa pag-asta, sa awra, pati sa pananalita, o dahil lahat doon. Basta nag-iba ang dating ng lalaki.
"I get that a lot. Simula nang bumalik ako sa village two weeks ago," nakangiting sagot nito. "We probably should catch-up sometimes."
Ngumiti lang siya. "Sige ba. Basta ba matino ka na ngayon. Kung hindi, ipapadampot na talaga kita," biro niya.
Tumawa si Macky, "Hindi na. Good boy na ako. Ikaw ang huling trouble ko."
"So, ako pa pala talaga ang trouble, ano?" ani Cheryl na napatawa rin.
Muling tumawa si Macky. "Mamaya na kaya ako bumawi sa iyo? Anong oras ba ang labas mo?"
"I will be out by six. Pero sa ibang pagkakataon na lang. May lakad kami ng mga kaibigan ko." Hindi niya ugaling basta na lang sumama kung kani-kanino. Kahit na ba sabihing naging parte ng kabataan niya si Macky.
Well, technically, they are not friends before. At totoo namang nang huli silang nagkita ay humingi pa ito ng sorry sa pambabastos sa kanya. Imbis na balikan ang nakaraan ay nagfocus na lang siya sa ginawaga. Iniabot niya rito ang validated deposit slip.
Nagsulat ito deposit slip na hawak at ibinalik sa kanya pagkatapos sulatan. "Number ko, tawagan mo ako, ha."
Ngumiti lang siya at hindi sumagot. God! Isang buhos ng alaala ang dumating sa buhay niya sa loob lang ng ilang linggo!
"Ingatan mo 'yang deposit slip ko. Kukunin ko 'yan kapag nagkita na tayo," anito bago umalis.
“Bukod kay Marson, may ibang past ka pa?” ani Aileen na may nanunudyong ngiti sa mga labi.
Imbes na sagutin ay binalewala niya ang kaibigan.“Macky Ritual. Hmmm, maitanong mga kay Kuya Marson kung kilala n’ya ‘yon,” ani Shaine.
"Sshhhh. Magtrabaho na kayo," saway niya sa dalawa.
***************
“ANO BA KASING MERON? Anong gagawin natin dito?” Kunot-noong tanong ni Cheryl nang tumigil sa Aileen sa covered court.
Sabado ngayon kaya nasa bahay lang siya. Nabawasan na muli ang pag-uwi ni Shaine sa kanila, lalo na ngayong officially ay sinagot na nito si Euan. Nang dumating si Aileen sa bahay nila kanina at sinabi na tumawag si Shaine dahil may emergency daw at kailangan nilang magkita-kita, ang naisip kaagad niya ay baka may LQ ang dalawa.
BINABASA MO ANG
My Savory Love (COMPLETED)
RomanceLove Bites Trilogy - Book 2 "Kung wala kang problema, ako meron, at ikaw lang ang solusyon."