Chapter 18

1.4K 94 45
                                    

"Grabe ang view. Nakapaganda," ani Cheryl habang nakatingin sa tanawin sa harapan niya.

Kahapon bago lumabas ng bangko ay niyaya sila ni Shaine sa Tagaytay dahil bibisitahin daw ng mga ito ang bahay na ipinapatayo ni Euan. Hindi pa siya nakakapunta roon kaya sumama siya. Si Aileen naman ay nagbeg off at may nauna na raw natanguang lakad.

Hindi na nila pinilit ang kaibigan. Parehas nilang alam ni Shaine na may pinagdadaanan nga ito kaya naging lagalag na naman. Ilang linggo na itong ganoon. Kung saan-saan nagsusuot basta walang pasok sa bangko.

"Di ba? Noong una akong dinala ni Euan dito, na inlove na rin ako sa tanawin na 'yan. At looking forward ako na iyan ang magigisnan ko araw-araw kapag dito na kami nakatira." Ani Shaine na nakatingin din sa tanawing pinagmamasdan nila.

"Kahit naman ako, magiging looking forward din kung gan'to lagi ang makikita ko," pinuno ni Cheryl ng malamig na hangin ang kanyang baga.

"Pwede kayong bumisita dito. Kahit weekly pa," ani Euan na yumapos kay Shaine mula sa likuran. Sumandal naman si Shaine sa dibdib ng fiance.

"Magmeryenda na muna tayo," ani Marson na lumapit sa kanya. Marahil ay tapos nang ipamigay ng dalawa ang meryendang dala nila sa mga tauhan nina Euan.

Ang akala ni Cheryl ay sina Euan at Shaine ang susundo sa kanya kaya nagulat siya na pagbaba ng bahay ay si Marson ang kausap ng mga magulang. Pero makalipas ang inisyal na pagkabigla ay napailing na lang siya. In a way ay dapat inasahan na niya na si Marson ang susundo sa kanya.

Sa nakalipas na mga araw ay talagang tinotoo ni Marson ang muling pakikipaglapit sa kanya. Napapadalas ang pagpasyal nito sa kanila. Noong una ay sinusubukan pa niya itong iwasan. Childish na kung childish, pero sinasadya niya ang pag-aako nang paghuhugas ng pinggan at kung ano-anong gawain sa kusina basta matagalan lang siyang lumabas para harapin ang binata. Napansin iyon ng mga magulang niya kaya sinabihan siya ng ina na taong pumunta sa bahay nila ang binata kaya pakiharapan daw niya nang maayos.

Pero naturally charming talaga ang binata dahil hindi lang mga magulang niya ang nakasundo nito, pati ang mga kapatid niya ay kapalagayang loob na rin nito. Lalo na sina Calvin at Carlos na hilig din ang basketball. Sa tuwing napunta tuloy doon si Marson ay akala mo'y sila na dahil sa paraan ng pagtrato rito ng pamilya niya. Sinabihan na niya ang mga ito na wag masyadong magfeeling close dahil hindi naman niya boyfriend ang binata, pero binalewala lang iyon ng mga magulang at kapatid niya. At feel na feel naman ni Marson kapag tinatawag itong "Kuya" ng mga kapatid niya.

Pagpasok nila sa kubo ay nakahain na doon ang meryendang binili nila. Dumampot si Cheryl ng pizza saka naupo sa bangkong nakaharap pa rin sa magandang tanawin.

"Gawin kaya nating tradisyon ang pagpunta sa bahay ng bawat isa at least once a month?" ani Marson na naupo sa tabi niya. Ang braso ay ipinatong nito sa ibabaw ng bangkong sinasandalan niya.

"Good idea. Bahay namin ni Shaine ngayon, so ibig sabihin sa bahay niyo naman tayo next month?" Pabirong tanong ni Euan. Inabutan nito ng pizza si Shaine.

Tumawa si Shaine pero pinaikot ni Cheryl ang mga mata, si Marson naman ay pumihit paharap sa kanya.

"Che, solong lalaki ako, bunso pa. May kasulatan na rin kami na yung bahay namin ngayon, later on, sa akin mapupunta. Okay lang ba sa iyo kung sakali na doon tayo tumira?"

Muntik nang mahirinan si Cheryl. Si Shaine at Euan naman ay sabay na tumawa. Nilunok muna niya ang kinakain bago iningusan ang lalaki. "Okay ka lang? Pinagsasasabi mo d'yan?"

"Don't worry. Sabi naman ni Ate kapag nag-asawa na ako, dun na daw titira sa kanya sina Nanay. Actually, matagal na nga niyang gustong kunin sina nanay at tatay. Sina nanay naman ayaw makisama sa bahay nina ate. Pero sabi naman ni Tatay na kapag nagpakasal na raw tayo, lilipat sila ni Nanay sa isa sa mga apartment units namin. Sabi ni ate yung unit na pinakamalapit sa bahay niya lilipat sina Nanay."

Pinangahasang hawakan ni Marson ang baba ni Cheryl kaya mapatingin siya sa lalaki. Ngumiti si Marson bago pinunasan ng tissue ang gilid ng labi niya. Nang lumapat ang daliri nito sa kanya ay waring may kung anong kuryente ang naglakbay sa katawan ni Cheryl.

Kung hindi pa sa hagikhik ni Shaine ay hindi maaalala ni Cheryl kung nasaan siya. Iniiwas niya ang mukha sa lalaki. Ibinaba na lang niyang muli ang pizzang hawak at uminom ng juice para alisin ang bikig sa kanyang lalamunan.

"Teka lang! Nadito tayo para tingnan ang ipinapatayong bahay nina Euan, di ba? Bakit napunta sa bahay niyo? At bakit nadamay ako?"

"Syempre damay ka talaga dahil ikaw ang ibabahay ko," ngiting-ngiting sagot ni Marson.

Kinagat ni Cheryl ang dila para pigilin ang ngiti, "Sinong may sabing papayag ako, aber?" aniya bago ito inirapan.

"Sino naman ang nagsabi sa'yong hahayaan kong hindi ka pumayag?" Umisod pa ito palapit sa kanya, inipit sa tainga niya ang buhok na nakaharang sa kanyang pisngi. "Sa tuwing iniisip ko ang magiging furute ko, ikaw ang nakikita ko, Che. Ikaw at ang mga magiging anak natin."

Napakurap si Cheryl, ramdam niya ang pag-init ng pisngi, ang biglang pagbilis ng tibok ng puso, at ipinagpapasalamat niyang nakaupo sila dahil hindi niya alam kung kakayanin niya ang deklarasyon ng binata.

Ngumiti ito, hinawakan ang kamay niya at hinalikan, "Hindi masaya ang walang kapatid na lalaki, Che. Kaya gagawa tayo ng basketball team."

Sa kabila ng pagdagundong ng kanyang puso at panlalambot ng tuhod ay nanlaki ang mga mata ni Cheryl, "What? Ano ka, sinusuwerte? At anong palagay mo sa akin? Basketball team talaga?! Hoy, Marson, mahirap kayang manganak! At saka may lahi pa naman kaming kambal. Kung basketbal team ang gusto mo, magawa ka mag-isa mo."

Lumapad ang pagkakangiti ng binata, pero lalong naningkit ang mga mata, "Sige, kahit hindi na basketball team. At para hindi ka mahirapan, ipapa-CS kita."

"CS ka diyan! Medyo matagal ang recovery noon. At mas gusto ko pa rin na normal delivery hangga't kaya ko."

Tumango-tango ito, "Normal nanganak si Ate. Pero narinig ko na painless daw. Itatanong ko kung paano yun kapag nagkita kami. Gano'n din ang gagawin natin."

"Teka. Kayong dalawa na ba, Kuya? May hindi ba kayo sinasabi sa amin, Cheryl?" natatawang tanong ni Shaine.

"Bahay lang ang pinag-uusapan natin, sa procreation na kaagad kayo," nanunudyong dagdag naman ni Euan.

Umawang ang mga labi ni Cheryl pero hindi siya nakapagsalita. Lalo niyang naramdaman ang pag-iinit ng mukha.

"May bahay na nga kasi kami. Yung titira na lang ang pag-uusapan," ani Marson saka siya kinindatan.

************************

Author's Note:

Please watch out sa kasunod na kwento ng story na ito. Trilogy po ito.

Ang kasunod na kwento ay:

SPICY SIZZLING LOVE (Book 3) - Sherwin and Aileen

Posted at completed na po ang Book 1 - My Sweet Surrender

You can also follow me on my Facebook Page:

DEANDRA PAIGE

My Savory Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon