Chapter 12

1.1K 87 8
                                    


“PASASAAN BA’T MAKUKUHA KO RIN ang kiliti ng Kuya Sherwin mo,” ani Aileen habang nagpupunas ng labi.

Nasa fastfood chain sila sa labas lang ng village nila. Twenty four hours ang operation noon kaya kahit alas-nwebe na ng gabi ay bukas pa rin. Katulad ng nakagawian nila nitong mga nakaraang araw ay nililibang nila si Shaine habang wala si Euan. Halos tuwing weekend ay kasama ni Shaine sa Sariaya si Aileen. Sabagay ay hindi naman na bago sa kanila ang pagiging lakwatsera ni Aileen. Sa tuwing may long holiday ay lagi itong nagbabakasyon kung saan-saan, kahit na nga ba mag-isa lang.

“Paano mong makukuha e sa tuwing after ninyo mag-usap laging salubong ang kilay  ni Kuya,” natatawang sagot naman ni Shaine. Tinulungan niya itong ipatas ang pinagkainan nila. Nakasanayan na nilang gawin iyon sa tuwing kakain sa mga fastfood chain.

“Pakipot lang ‘yung kuya mo. Pero pasasan ba’t mabibighani rin siya sa alindog ko,” anito habang taas-baba ang kilay.

Napailing na lang si Cheryl habang si Shaine naman ay napatawa. “Tara. Dun sa coffee shop naman tayo.”

“Kape sa gabi? O baka naman dessert ang habol mo?” ani Shaine.

“Malamang dessert. Gutom ka pa? Binge eating? Weh? Wag mong sabihing nabroken ka talaga kay Mike?” nakangiwing sagot naman ni Aileen.

“Kape ang oorderin ko, pero hindi para sa akin. Para sa iyo,” aniya kay Aileen.

“Alam mong hindi naman ako daily nagkakape. At lalong hindi ako nainom noon kapag gabi.”

“Kaya nga paiinumin kita para tubuan ka naman ng nerbiyos diyan sa pinag gagagawa mo. Nakakaloka ka.” Nailing na sagot ni Cheryl. “Alam kong masayahin at malakas ang loob mo, pero girl, sumobra. Magkape ka, para nerbiyosin ka naman nang bahagya.”

Napatawa si Shaine pero si Aileen ay iningusan pa siya, “Bitter ka lang! O baka naman inggit ka kasi hindi mo kayang mag-all out ng emotions kaya hanggang ngayon nakikipagtaguan ka pa rin kay Marson?”

Umiling siya, “Hindi ako bitter. Naka move-on na ako.”

“Ibig sabihin inggit ka. Sus naman, girl! Umamin ka na lang kasi. Si Marson pa rin talaga, di ba?”

Pinaikot niya ang mga tama. “Hindi rin. Walang kahit ano sa pagitan namin.”

“May past kaya kayo ni Kuya. At saka di ba last weekend lang...”

Hindi na niya inantay matapos ang sasabihin ni Shaine. Tumayo na kaagad siya. “Tara na nga!”

Pagpihit niya ay siya namang pagtama ng katawan niya sa tray na dala ng isang customer. Natapon ang soda sa tray. Buti na lang at sa loob ng tray lang iyon natumba kaya hindi tumapon sa sahig. Yung nga lang, ultimo fries na nasa tray ay nagswimming na rin sa soda. “Sorry. Papalitan ko na lang.”

“It’s okay. No need,” nakangiting sagot naman ng lalaking may dala ng tray.

Ngumiti siya at sinulyapan ang number na nakapatong sa tray na dala nito, “Excuse me.” aniya bago tumalikod.

“Pasensya ka na sa kaibigan namin. Maganda lang ‘yon, pero may pagkaclumsy,” narining pa niyang komento ni Aileen na sinuklian ng lalaki ng tawa.

Hindi niya mapigilang mapangiti at mapailing pero dumiretso na rin siya sa counter. Dahil gabi na ay kakaunti na ang customer kaya nakaorder kaagad siya. “Burger meal, large coke and fries na. Pakiserve sa customer number eight. Thank you.”

************

HINDI PA NAG-UUMPISA ang misa pero marami ng tao sa simbahan nang dumating doon si Cheryl. Humanap siya nang maluwag na bangko at saka naupo. Pero hindi pa halos siya nagtatagal sa pagkakaupo nang may pumuwesto na kaagad sa tabi niya. At hidi niya kailangang lumingon para malaman kung sino iyon.

“Hi, Che.”

Sinulyapan lang niya ito at binigyan ng pilit na ngiti bago siya muling tumingin sa altar. Pasimple siyang umisod palayo sa binata. Kinagat niya ang loob ng labi at huminga siya ng malalim. Kinastigo niya ang puso na biglang nagwala nang masulyapan ang binata. 

Ngunit sa wari ay nananadya rin ito dahil umusod din palapit sa kanya at bahagyang ihinilig ang katawan palapit saka bumulong, “Pwede ba kitang mayayang kumain ulit sa labas pagkatapos ng misa?”

“May lakad ako,” pabulong na sagot din niya. Pakiramdam ni Cheryl ay nanayo ang balahibo niya sa batok at may init na gumapang sa tenga niya pababa nang tumama ang mainit na hininga ni Marson doon. Gustuhin man niyang umusod pa ay wala nang espasyo dahil nasa dulo na siya ng bangko.

“Sasamahan na lang kita. Wala sina Shaine at Aileen. Nasa Sariaya ulit sila kaya sigurado ako na wala kang kasama.”

“Pupunta ako at ang kapatid ko sa stall ni nanay sa Balibago, magbabayad ako ng bill ng mobile phone at pagkatapos ay mag gogrocery ako. Surely hindi mo nanaising sumama sa gano’ng mga klaseng lakad.”

“Try me.”

Napalingon siya kay Marson. His chinky eyes convey that he is indeed serious. Pero ang saglit na pagsulyap sa mga mata ng lalaki ay sapat na para lalong magrigudon ang puso niya.

“I have no intention of trying, Marson.”

“I have all the intension of not just trying, Che. I will do it.”

Ibinaling si Cheryl ang paningin sa altar, Hindi na lang siya nagsalita at itinuon ang paningin sa unahan.

“Nasa restaurant pa lang tayo, naramdaman ko na kaagad ang pagdistansya mo. Nagselos ka ba kay Bianca?” May kalakip na panunudyo ang boses ng binata.

“Hindi. At pwede bang wag kang maingay? Nasa simbahan tayo.” Aniya na ni hindi man lang nilingon ang binata.

Ngayon higit kailanman siya naiinis sa kabagalang kumilos ni Charmaine. Ayaw niyang nahuhuli sa misa kaya madalas na iniiwan niya ito sa bahay. Pero napasama yata ang maagang pagdating niya sa simbahan.

Totoong nasa restaurant pa sila ni Marson ay naglagay na siya ng distansya sa pagitan nila, lalo na’t sa totoo lang ay magmukha siyang third wheel dahil hindi na umalis sa lamesa si Bianca. Para hindi masyadong awkward ay nagpakafocus na lang siya sa cellphone. Ilang beses siyang nag-excuse sa lamesa para kunwari’y sumagot ng tawag kahit wala naman talaga.

At lalo niyang naisip na dapat talaga niyang iwasan si Marson dahil matapos makauwi ay pinapuntahan niya sa boyfriend ni Charmaine ang kotse para matingan kung ano ang sira noon. Only to found out na nadischarge lang pala ang battery. A simple jump start could have solved the problem. 

Nang malaman nina Aileen at Shaine ang nangyari ay katakot-takot na panunukso ang inabot niya. Wala naman siyang planong magkwento sa dalawa, pero nalaman ni Shaine mula sa Tiya Millie nito na sinamahan siya ni Marson sa Divisoria. At hindi pala totoong sa Sta. Cruz, Maynila ang punta nito dahil sa Calamba lang pala talaga. May kakausapin itong tao tungkol sa panibagong branch ng water refilling station na bubuksan doon. At dahil sinamahan siya ng binata, ang ama nito ang kinailangang pumunta sa Calamba para doon.

Hindi niya alam ang gustong palabasin ni Marson sa ginawa nito. Gusto siyang ligawan pero inumpisahan sa panlilinlang?
Kaya iniwasan na muna niya ang binata. Nangyari na noon, pwede ulit mangyari ngayon. Nasaktan na siya noon, at hindi malayong masaktan ulit siya ngayon.

************************

Author's Note:

Please watch out sa kasunod na kwento ng story na ito. Trilogy po ito.

Ang kasunod na kwento ay:

SPICY SIZZLING LOVE (Book 3) - Sherwin and Aileen

Posted at completed na po ang Book 1 - My Sweet Surrender

You can also follow me on my Facebook Page:

DEANDRA PAIGE

My Savory Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon