Chapter 5

1.5K 94 6
                                    

"Naman! Please, makisama ka!" ani Cheryl. Nakayuko siya sa manibela.
Tumigil siyang saglit sa village store para bumili ng snacks. Wala siyang makakakwentuhan kaya para malibang sa may kahabaang biyahe papuntang Divisoria ay bumili siya ng makakain. Pero pagbalik niya sa kotse ay ayaw nang mabuhay ng makina noon. Kanina pa niya naramdaman na parang may mali sa sasakyan. Nahirapan siyang mag-start ng makina. Pero nabuhay pa naman iyon kaya nakaalis pa siya ng bahay. Kaya magtataka siya kung bakit ayaw na nitong mabuhay ngayon.

Maaga pa lang ay nakagayak na siya papunta sa Divisoria. Kukunin niya ang mga damit at iba pang items na order sa nanay niya na for pick-up at delivery na sa mga costumer nito. Bukod sa RTW store ay nag-uupload na rin on-line ang nanay niya ng items na ibinebenta nito. Madalas ay kasama niya ang ina tuwing pipick-up ng items pero dahil may sakit ang tatay niya, inako na niya ang pagpunta at pagkuha ng mga paninda, tutal naman, kabisado na niya ang transactions nito.

Pero sa kamasaang palad, ngayon pa nagloko ang sasakyan. Bukod sa pagmamaneho, wala na siyang alam tungkol sa kotse. Hindi niya maaasahan ang ama dahil may sakit ito. Ang kapatid na si Charmaine ay wala ring alam sa sasakyan. At ang kambal na sina Carlos at Calvin ay wala sa bahay. Kahapon pa umalis ang dalawa at sumama sa isang trip papuntang Sagada.

"Aileen, bakit ngayon ka pa nagliwaliw," aniya habang nakatungo pa rin sa manibela.

Handy girl ang kaibigan. Solong anak ito, pero taliwas sa karaniwang solong anak, at kahit babae pa, maaasahan sa mga gawain si Aileen. Kahit sa makina ng sasakyan at sa pagpapalit ng gulong. Nataon lang na wala ito ngayon dahil sumasama ito kay Shaine sa pag-uwi sa Sariaya, Quezon. Every weekend nauwi ang kaibigan dahil gusto nitong payapain ang ama. Sinamantala nito ang panahon na wala rin si Euan, dalawang linggo ng nasa Palawan ang lalaki.

Nagulat siya sa mga katok sa bintana ng kotse, gulat na nauwi sa biglang paglakas ng pintig ng puso nang makita kung sino ang nakatayo sa labas noon.

Si Marson.

Deja vu.

Nasiraan ng sasakyan, at ito na naman ang binata. A familiar scene.  Maging ang emosyong bigla niyang naramdaman ay katulad din dati.

Ito mismo ang iniiwasan niya. Ang makita ang binata. Ang maramdaman ang emosyong ibinibigay nito ngayon sa kanya. Nangako na siya sa sarili na ipapahinga muna ang puso, pero tadhana yata ang gumagawa ng paraan para sila laging magtagpo.

Hindi heavily tinted ang kotse kaya alam niyang kita siya nito sa loob. Nakatayo ang binata sa tapat niya, halatang inaantay siyang bumaba. Mukhang may lakad din ito. Nakapolo shirt at pantalon ang binata. Huminga muna siya ng malalim bago binuksan ang pinto ng kotse at bumaba.

"Bakit? Anong nangyari?" halata sa boses ng binata ang pag-aalala.

"Hindi ko rin alam. Ayaw magstart," sagot ni Cheryl na sinabayan ng kibit-balikat.

"Tingnan ko muna kung ano ang sira," anito na lumakad papunta sa unahan ng kotse.

Bago pa makatanggi si Cheryl ay nakalapit na ito sa unahan ng sasakyan at inangat na ang hood. Nanatili lang siya sa kinatatayuan. Ayaw niyang lumapit sa binata. Sapat na ang pagkakalapit nila kanina pagbaba niya ng sasakyan para maglabo-labo ang nararamdaman niya.

“Saan ba ang punta mo?” Ibinaba nito ang hood. “Tingin ko'y kailangan itong dalhin sa talyer.”

"Sa Divisoria," bumagsak ang magkabilang-balikat ni Cheryl. “Talyer talaga? Gano’n kalala ang sira? Pero umandar pa ‘yan kanina.”

“Professional na mekaniko ang kailangan nitong vintage na kotse mo, Che,” anito bago tinapik ang hood.

Hindi niya mapasubalian ang sinabi nito dahil ilang taon na nga rin naman ang kotse nila. Pero ang alam niya ay maayos pa naman ang makina noon dahil maalaga sa sasakyan ang ama. Siguro nga ay kahit anong alaga mo, kung talagang luma na ang sasakyan, sirain na talaga.

Nanlulumo si Cheryl. Mahirap magcommute nang maraming dala. Pero hindi niya pwedeng hindi makuha ang mga paninda ng ina. Nakakompromiso ito sa mga costumers. Wala siyang magagawa kung hindi ang mag bus. Tumingin si Cheryl sa relo sa braso. Maaga pa naman, alas-sais pa lang.

Kinuha niya ang bag na nasa passenger seat at isinarado ang kotse. Ligtas naman iyon kahit iwanan niya dahil nasa loob ng subdivision. Ibibilin na lang din niya sa village store ang sasakyan para sigurado.

"Sa Sta. Cruz ang punta ko. Malapit na roon. Sumabay ka na sa akin," anito sumabay sa kanya papunta sa village store.

"Hindi na. Magcocommute na lang ako," aniya na mas binilisan ang paghakbang.

Matapos maibilin ang sasakyan ay muli siyang lumabas. Naroon pa rin si Marson. Inaantay siya sa may pintuan. Ito pa ang nagbukas noon para sa kanya.

"I insist. Bakit magcocommute ka pa kung may sasabayan ka naman?"

"Hindi ko ugaling mang-abala ng ibang tao. Kaya ko naman. Salamat pa rin sa alok mo," nagsimula nang lumakad palayo rito.

Hinawakan siya nito sa braso. Nahigit ni Cheryl ang hininga dahil sa pagdulay ng init sa balat niya. "Che, hindi ako ibang tao. Kaibigan ka ng pinsan ko at kilala mo rin naman ako. Hindi ka makakaabala dahil doon din naman talaga ang punta ko.”

Napatingin siya sa mga mata ng binata, at isa iyong malaking pagkakamali dahil nahipnotismo siya ng mga iyon.

"Mas convinient na sumabay ka na sa akin kaysa magbiyahe ka pa. Ano, tara na?"

Kahit gusto niyang tumanggi, nasumpungan niya ang sariling tumango. Ngumiti si Marson. His eyes glistening, as if telling her he won something. Inakay siya nito sa sasakyan, ipinagbukas siya nito ng pintuan at matapos niyang makaupo nang maayos ay ito na rin ang nagsara noon.

Imbes na makalma dahil sa mabangong amoy sa loob ng kotse ay lalong nagulo ang sistema niya. Masculine scent. Parang sinasabing kasukol siya at nakulong sa isang man cave. Pagpasok at pag-upo ni Marson sa driver's seat ay lalong lumakas ang tibok ng puso ni Cheryl. The owner of the man cave. The manly smell of the car and his dominating presence made her realize how feminine she is. Pumikit siya nang mariin. Ngayon pa lang ay pinagsisisihan na niya ang pagpayag sa paanyaya ng binata.

"Che?" anito, ang pag-aalala ay nasa boses. "Okay ka lang?"

Bigla siyang napamulat. "Ha? A, okay naman. Alis na tayo?" tanong niya. Mas mabilis silang makakarating sa pupuntahan, mas mabilis siyang makakalayo rito. Mas mabuti iyon para sa kanyang puso.

Imbes na tumingin dito ay niyuko na lang niya ang seatbealt. Her hands are shaking. His presence creates havoc inside her. Hinawakan ni Marson ang kamay niya, ang init na nagmula roon ay halos pumaso sa kanya. His touch sends a hot glow inside her soul, but a deep, calming effect in her being. Narinig niya ang pagtunog ng seatbealt, tanda na naikabit na iyon nang maayos, pero nanatiling hawak ni Marson ang kamay niya.

She cleared her throat. "Tara na?"

A corner of his lip twitched, his chinky eyes have a different glow in them. "Tara na," anito, binitawan na ang kamay niya at pinatakbo na ang kotse palabas ng village.

************************

Author's Note:

Please watch out sa kasunod na kwento ng story na ito. Trilogy po ito.

Ang kasunod na kwento ay:

SPICY SIZZLING LOVE (Book 3) - Sherwin and Aileen

Posted at completed na po ang Book 1 - My Sweet Surrender

You can also follow me on my Facebook Page:

DEANDRA PAIGE

My Savory Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon