Chapter 15

1.3K 81 5
                                    

"O, E DI DAPAT talaga pinag-uusapan, di ba? Kinokompronta! Hinaharap ang problema!" ani Aileen.

Nasa kubo sila sa likod bahay nila Shaine. Kasama niya roon ang ang dalawang kaibigan. Nagkaayos na sina Euan at Shaine. Nagkapaliwanagan na wala palang alam ni Euan tungkol sa pustahan ng mga kaibigan nito. Seryoso talaga ang binata kay Shaine. May suot na ngang engagement ring ang kaibigan nila.

"Eh, bakit sinuportahan mo nang magsabi na magtatago sa probinsiya?" aniya kay Aileen.

"Paniniwala ko 'yong face your fears. Hindi ko naman pwedeng i-impose sa inyo 'yon. Kung ano ang desisyon n'yo, support lang ako," anito na magkibit-balikat pa. "Sinabi ko lang ngayon kasi nga, ayan! Pinapakita ko lang na tama ang paninindigan ko! Push your limits! Confront the problem. Gan'yan! E di tapos kaagad."

"Alam ko na. Wag mo nang sabihin," nakatawang sabi ni Shaine. "Yan din mismo ang sabi sa akin ni Euan. Sana daw kinausap ko muna siya bago ako nagdesisyon. Nag-compromise na kami. Walang taguan. Napagkasunduan na naming pag-usapan muna lahat ng bagay na maaaring makaapekto sa relasyon namin bago kami mag-jump sa conclusion at desicion."

"Mabuti naman. Gan'on naman talaga dapat." Nakangiting sagot ni Cheryl. Masaya siya para sa kaibigan.

"Luto na kaya ang pagkain? Gutom na ako. Isa pa gusto ko na ring malaman kung kailan ba ang kasal n'yo."

Naikwento ni Aileen kanina na matapos makapagpaliwanag si Euan sa mga magulang at kapatid ni Shaine ay sinamahan na ito ni Sherwin kung nasaan si Shaine para ang dalawa naman ang makapag-usap. Pero bago umalis ay nagsabi si Euan sa mga magulang ni Shaine na papakasalan nito ang kaibigan nila. At kaya kasama na nito ang mga magulang ay para maumpisahan na ang pag-uusap tungkol sa kasal nilang dalawa. Gano'on daw ito kaseryoso sa kaibigan nila.

May pagkain na sa hapag na pwedeng pagsaluhan dahil may dala ang mga magulang ni Euan pero nagluto pa rin si Nanay Celia. At dahil gulay ang niluluto nito, iyon ang inaantay ni Aileen dahil iyon ang paborito ng kaibigan nila.

"Excited umabay?" ani Cheryl.

"Hindi rin masyado," sagot nito.

"Talaga? Eh bakit gusto mong malaman kung kailan kami ikakasal ng sweetheart ko?" ani Euan. Pumasok din ito sa kubo at naupo sa tabi ni Shaine, hinawakan nito ang kamay ng kaibigan nila at dinala sa mga labi.

"Kainis kayo! Maglayo nga kayo saglit. Naiinggit ako!" ani Aileen. Hindi naman naglayo ang dalawa, sa halip ay tinawanan lang ang kaibigan niya.

"Alam kong kahit anong mangyari, kukunin akong abay n'yang fiancee mo. Ang gusto kong malaman kailan ko ba dapat iplano ang kasal namin ni Sherwin ko. Bawal ang sukob, di ba?"

"Sinong may sabing ikakasal ako?" ani Sherwin na nakatayo sa may pinto ng kubo, katabi nito si Marson.

"Ako! Ikakasal ka sa akin, sabi ko!" proud na sagot ni Aileen.

Napatawa ni Shaine kaya tiningnan ito nang masama ni Aileen. "Wag mo akong tawanan. Magiging ate mo ako!"

"Hindi ikaw ang tinatawanan ko, believe me," tumatawang sabi ng kaibigan nila, "May naalala lang akong eksena. Gan'yan na gan'yan din. Nag-assume kaagad na kasalan na," anito na nilingon si Euan.

"Tama naman ang assumption ko, di ba? Next year pakakasalan na kita." kitang-kita ang pagmamahalan sa pagitan ng dalawa.

Masaya si Cheryl para sa kaibigan. Masaya siyang maswete ito, na ang lalaking unang minahal ay minahal din ito nang tapat. Hindi na dinanas ng kaibigan ang disappointment at heartaches na naranasan niya.

Napabuntong-hininga siya. Kung biro ang pagkakasabi ni Aileen na naiinggit ito sa dalawa, sa kanya ay totoo iyon. Masyado na siyang nadala para magtiwala muli. Matatagalan pa bago niya subukang pumasok sa isang relasyon. Nakapagdesisyon na siyang kilalanin munang mabuti ang kasunod na lalaking bibigyan niya ng puwang sa buhay. Pero bago ito magka-access sa puso niya, sisiguraduhin niyang napag-isipan na niyang mabuti ang lahat.

My Savory Love (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon