"KUMUSTA ANG DATE?" ani Aileen.
Siya ang pinakahuling dumating sa meeting place nila. Ang mga kaibigan ay nakaupo na sa swing sa playground ng village park. "Okay naman."
"Ano bang uring sagot 'yan? Walang kaenergy-energy," ani Aileen. "Wala ba s'yang gana kausap?"
"Hindi naman. He is nice, thoughtful, with a good sense of humor, a perfect gentleman."
"But...." ani Shaine.
"But nothing," ani Cheryl, nilakasan niya ang pagduyan.
"Spill it," ani Aileen na hinawaka ang kadena ng swing na inuupuan niya. "Liligawan ka? Tiyak humirit ng next date."
Nagkibit-balikat si Cheryl, "Sinabi kong hindi pa ako handa sa panibagong relasyon. Good thing nauunawaan naman daw niya."
"Sus! Sinabi lang no'n na nauunawaan niya. Pustahan, tiyak nasaktan 'yon."
Natawa si Cheryl, "I don't think so. Friends lang talaga kami."
"Hmmm. Kausapin ko kaya s'ya? Baka mabigyan niya ako ng tip kung paano maging kaibigan na lang ang taong gusto mong jowain talaga. Kung papaano magkunwaring hindi nasasaktan kapag maiisip mong hindi ikaw ang makakapagpasaya sa kanya," ani Aileen sa seryosong boses.
Nagsalubong ang mga kilay ni Cheryl nang lingunin ang kaibigan, at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita nilang malungkot si Aileen. "Bakit? May nangyari ba?"
"Wala!" ani Aileen na kuntodo iling pa. Tiningnan niya ito nang may pagdududa. Nagmake face muna ito bago pinaikot ang mga mata, "Wala nga 'te! Bakit ba ayaw mong maniwala?"
"May nangyari ba sa inyo ni Kuya kaya magmadali kang umuwi last week?" ani Shaine.
"Wala nga. Bakit ba kakulit niyo?" Salubong na ang kilay na sagot ni Aileen.
"Anong wala? Meron yata eh. Ayaw mo lang sabihin," nakakunot-noong sagot naman ni Shaine.
"Wala. Nada. Nill. Zero," anito, na ibinuka pa ang dalawang palad saka umismid at bumuntong-hininga.
"Give up ka na?" ani Cheryl. Kilala niyang malakas ang loob nito. Go getter. Pero ngayon ay mababakas sa mga mata ng kaibigan ang kabiguan. Nasa mukha ni Aileen na sumuko na ito.
Hindi sumagot si Aileen, sa halip ay lumabi at itinaas ang dalawang balikat.
"Spill it, all of it!" aniya sa tonong madalas gawin ni Aileen kapag gusto silang paaminin. Pero dinilaan lang siya nito. Gone is the loneliness and hurt in Aileen's eyes. Her happy disposition on full display again. Napaisip si Cheryl. Hindi yata't merong inililihim sa kanila ang kaibigan. Mukhang façade lang nito ang pagiging masaya, pero mukhang may pinagdadaanan ito na hindi sinasabi sa kanila.
"Bakit kapag kami, hindi kami pwedeng hindi magkuwento?" ani Shaine.
"Dahil wala naman akong ikukuwento," ani Aileen. "Ito munang si Cheryl ang magkukuwento."
Hindi niya pipilitin ang kaibigan ngayon, pero sisiguraduhin niyang kapag sila na lang dalawa ay kukulitin niya ito. Maaaring kaya ayaw nitong magsabi ay dahil kasama nila si Shaine. Pagbibigyan niya ang kaibigan, pero ipinarating niya sa tingin na hindi pa sila tapos. "Wala namang intersadong nangyari kagabi. Kumain lang kami. Nagkwento siya tungkol sa mangyari sa kanya nitong mga nakaraang taon. Yun lang."
"Weh? Hindi ka dinigahan man lang? Hinawakan sa kamay o kaya'y sinubukang halikan?" ani Aileen sa nanunudyong boses.
Napatawa si Cheryl, "Hindi, 'no! He's a perfect gentleman."
"Boring ng date niyo. Kung ako ang kasama mo, tiyak kukulangin ang isang araw sa pagkukuwento mo ng nangyari habang magkasama tayo," anang boses na nagsalita sa likod niya. Hindi naglipat sandali ay nasa harapan na niya si Marson, nakangiti sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Savory Love (COMPLETED)
RomantiekLove Bites Trilogy - Book 2 "Kung wala kang problema, ako meron, at ikaw lang ang solusyon."