[TAMARA]
Akay-akay ko ngayon si Krissha habang nakatigil lang kami sa sixth floor ng ospital na ito.
Halata pa rin sa mga mukha ng bawat isa sa amin ang gulat. Paano ba naman kase sinong hindi magugulat kung ang nakapagpatumba sa mahigit kumulang tatlumpung mga kalalakihan ay isang babaeng walang gamit na armas kung hindi ang mga kamay at paa lamang nito? 'Ni wala akong makitang pagod sa mukha nito at parang na-enjoy niya pa ang nangyaring engkuwentro kanina.
Wala halos nakurap sa amin maliban na lamang kay Pauline na natatawa na sa kaniyang puwesto.
Naramdaman kong bumibigat si Krissha hanggang mawalan na nga ito ng malay habang nakaalalay ako. Dahil dito, tila bumalik ang ulirat ng mga lalaki sa nangyari at dali-daling kinuha sa akin si Krissha upang buhatin palabas ng ospital.
Tumakbo kami upang hindi kami mahuli o mamukhaan ng mga tao. Mahirap na baka mahuli at makulong pa kami ng pulisya.
Pumasok kami agad sa van na dala dala namin noong papunta kami rito. Pumwesto na rin si John sa driver's seat habang si Seb naman ay nakaalalay pa rin kay Krissha na walang malay.
Hindi kaagad sumunod sa amin si Pauline kaya nagtaka ako kung saan ito nagpunta. May kinuha ito sa may halamanan at ito pala ang kaniyang mga bagahe.
Sumakay na siya agad sa tabi ko at sumandal upang mamahinga. Mukhang pagod siya mula sa biyahe marahil ay kakarating niya lamang.
Tinignan ko siya ng mabuti. Mahaba ang itim na itim na buhok niya. Bilugan ang mga mata, matambok ang mga pisngi. Nakasuot siya ngayon ng yellow sweater at lavander na palda partnered with white sneakers.
Naramdaman niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya minulat niya ang mata niya at gumawi sa direksyon ko. Nginitian niya ko.
"Uhm, hi?" she awkwardly said. "Pauline nga pala."
"Hello!" nakangiti kong bati pabalik. "The name's Tamara at 'yung nasa driver's seat ay si John, the one wearing blue is Hale, and the two over there ay sina Seb at Krissha. Welcome to the club?"
Mahina akong tumawa dahil sa sinabi ko sa huli.
Habang nabiyahe kami pauwi ay nagkuwentuhan kami. Dati pala siyang martial arts champion kaya maalam talaga siya pagdating sa combat fighting. Ang trabaho raw ng pamilya nila sa Davao ay isang fitness gym, mahilig daw kasi silang mag-ehersisyo.
Nagbiro pa nga si John sa kaniya na kung maaari ay turuan sila nito. Agad namang pumayag si Pauline. Natawa ako nang napalunok na lang si John.
Nasa kalahating oras ang normal na biyahe kaso dahil sa mabigat na traffic, inabot kami ng isang oras dito. Maggagabi na ng makarating kami sa bahay.
Pagkapasok namin sa gate ay sabay sabay na tumunog ang mga cellphone namin.
Nagkatinginan muna kami bago namin sabay sabay pindutin ang mga ito.
••••
1 notification received
••••
Open Notification?
Yes | No
••••
MISSION: Save the wounded girl
STATUS: COMPLETEDCONGRATULATIONS ON COMPLETING THIS MISSION!
Please wait for a while for the reward
••••
"Woah!" manghang-sabi ni John. "May reward ano naman kaya 'yun? chocolates? beer?"
Itinukod pa ni John ang kanang kamay niya sa kaliwang braso niya at animo'y nag-iisip.
Ano nga kaya 'yung reward na 'yun?
Naglakad na kami papasok sa bahay at nakita kong nakakalakad na rin nang maayos si Krissha. Siguro nga ay dahil lamang 'yun sa gamot na pinainom sa kaniya. Nakaalalay pa rin si Seb dahil mahina pa rin ang katawan ni Krissha para kumilos dahil sa mga sugat na nasa katawan niya pa rin.
Nauuna si John maglakad na parang excited na excited nang mamahinga. Nasa ilang metro ang layo niya mula sa amin. Mabagal ang grupo namin dahil hindi pa kaya ni Krissha na maglakad nang mabilis.
Nasipol sipol pa si John habang naglalakad ngunit bigla na lang siyang tumigil sa kaniyang dinadaanan nang makarating na siya sa tapat ng pintuan.
Nagtaka kami kung bakit siya biglaang tumigil. Ang pagtigil niya ay nasundan ng biglaang pagsigaw at pagtakbo palapit sa may pintuan. Naalarma kami dahil doon.
Anong nangyari?
Pumunta agad kami kung nasaan si John. Nakasquat siya sa may tapat ng pintuan habang may hawak hawak na isang itim na box na may pulang ribbon sa itaas.
"Guys!" pagtawag ng nakasalaming lalaki sa amin. "Itona ata 'yung sinasabin ng omnibus na reward. Ano kayang laman nito?"
Sabi na sabik si John na buksan ang kahon ngunit iba ang pakiramdam ko rito. Nararamdaman kong hindi maganda ang nakatago sa loob nito.
I was about to stop John from opening the box nang bigla itong agawin ni Hale sa kanya.
"Hindi maganda ang kutob ko sa box na 'to." saad ni Hale habang sinusuot ang gloves sa kanang kamay.
Parehas pala kami ng iniisip ni Hale.
Nawala ang ngiti si mukha ni John. "Pero hindi ba't ayan na 'yung reward na sinasabi ng app kanina?"
Tumingin sa kanya si Hale. "Yes, this might be it but remember that it came from that shitty app. Hindi dapat natin iyon pagkatiwalaan."
Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi ni Hale. Napabuntong-hininga na lamang si John.
Pagkatapos magsuot ni Hale ng gloves ay hinawakan niya ang box at dahan dahang inalis ang ribbon na nakapulupot dito.
Pagkatapos ng ilang segundo ay naalis na niya ang pulang tali. Pagkataas niya pa lang ng takip ng kahon ay tumambad na agad samin ang napakasangsang na amoy.
"Ang baho!" reklamo ni John.
Hindi ako makatingin dahil napakatapang pa rin ng malansang amoy na nanggagaling sa loob ng kahon.
What was that?
May nilabas si Hale na litrato mula sa kahon. Punong puno ito ng mga bahid ng dugo.
Naglalaman pala ng mga litrato ang kahon habang nakahalo sa pulang pulang dugo.
Ngunit mas nakakagulat ang nakita namin sa litrato.
Larawan ito ni ate Amy, ang author na nawawala habang nakaupo sa upuan at punong-puno ng sugat ang katawan.
BINABASA MO ANG
ARE YOU READY? | completed
Mystery / ThrillerA famous author. A blogger. A poet. But one day, her works got strange and it's up for her readers to solve the mystery. Are you ready to be her reader?