AYR 15: ULTIMATE MISSION

400 30 5
                                    

[PAULINE]

Bago pa lamang ako sa grupong ito ngunit hindi na bago sa akin ang ganitong mga tagpo.

Away. Rambol. Dugo.

Sanay na sanay na ako dito. Ngunit may kakaiba sa ginagawa naming ito. There's something that makes me excited for.

Kakarating ko lamang sa Quezon City ngunit kinailangan ko na kaaagad na makipaglaban. Wala lang naman iyon dahil mukhang madadali lang kalabanin ang mga nakasagupa namin kanina.

Nandito kami ngayon sa may pintuan ng isang malaking bahay. Sa tingin ko ay ito na ang sinasabi ni Tamara sa gc na isa pang bahay nila.

Nakita ni John kanina ang isang kahon na kalapag sa harap ng pintuan. Ngayon ay iniinspeksyon na ito ng lalaking sa tingin ko ay si Hale at dahan dahang hinihigit ang lasong nakatali rito.

Napaubo kaagad ako ng maamoy namin ang nakakasulasok na amoy na nanggagaling sa kahon.

"Ang baho!" reklamo ni John.

Punong puno ang kahon ng dugo habang nalutang dito ang napakaraming litrato.

Nakakabigla ang nasa litrato dahil kuha ito kay Amy Evangelista, 'yung paborito kong awtor habang nakaupo sa isang silya sa gitna ng isang madilim na silid. Ang ilaw lamang na makikita mo sa litrato ay ang ilaw na nagmumula sa ulunan ni Amy. Nakayuko siya ng kaunti na parang pagod na pagod na. May mga sugat at pasa sa katawan. May nakita rin akong parang sunog na bahagi ng binti niya. Ang damit niya ang may mga sira na at madumi na rin.

Paulit-ulit lamang ang nakakahindik na litratong iyon sa loob ng box.

"Iyan na ba ang reward?" pagtatanong ni John. "Baka gusto nilang magluto tayo ng dinuguan dito."

Agad na sinamaan ng tingin ni Tamara si John kaya't napatikom na lang ito ng bibig.

Bilib din ako rito kay John dahil nakukuha niya pang magbiro sa ganitong pagkakataon.

Atleast, medyo naibsan ang tensyong nararamdaman namin sa mga gantong panahon.

Kumuha ng isang litrato si Hale mula sa kahon at pinunasan ito ng panyo, nilagay niya rin ito sa ziplock bag pagkatapos. Tinapon niya na rin ang kahon na may mga dugo sa basurahan.

"Sa tingin ko ay ito na nga ang reward na sinasabi ng app." Nilingon kami ni Hale.

Nagtaka kami sa sinabi niya. "Paano naging reward 'yan?"

"Maaaring hindi ninyo maintindihan kung paano naging reward ito sa atin matapos ng ginawa nating misyon. Pero sa tingin ko ito na ang pinakamagandang reward na matatanggap natin sa ganitong panahon." pagpapaliwanag niya.

"Huh?" halos sabay sabay naming sabi.

Sumingit naman bigla si John. "So ibig sabihin magluluto nga tayo ng dinuguan?"

Sinuway siya ni Tamara. "Baliw ka!"

"Hindi John, hindi ganoon." natatawang sabi ni Hale. "Sa tingin ko ang mga makukuha nating reward ay mga clues. Alam niyo ba kung ano ang ultimate mission natin dito?"

Lalong kumunot ang mga noo namin.

Ultimate mission?

Ngayon ko lang narinig 'yun? Baka gawa-gawa lang ni Hale?

ARE YOU READY? | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon