[FELIZE]
Naglakad na lang ako papunta sa hideout house namin na pagmamay-ari nila Tamara dahil malapit lang naman ito sa pinagbabaan ko. Hindi pa gaano mainit ang sikat ng araw dahil kakasikat pa lamang nito. Sa tingin ko, nasa alas siyete pa lang ng madaling-araw.
Pinilit kong bilisan ang lakad ko dahil sa naaalala ko ang nangyaring tagpo sa bus kanina. Iwinaksi ko iyon sa isipan ko at sinubukang mag-isip na lamang tungkol sa ibang bagay. Kailangan kong makapagfocus sa misyon na binigay sa akin dahil isang pagkakamali ko lamang ay maaaring gumuho ang lahat. Isang pagpalpak ko lamang dito ay magugulo na ang lahat ng sinimulan namin. At ayokong mangyari iyon.
Sinubukan kong buksan ang phone ko para macontact ako nina Krissha pero hindi pa rin ito bumubukas. Nalimutan kong dalhin ang powerbank ko na nasa lamesa. Siguradong nag-aalala na sila niyan sa akin. Baka kung anong gawin nila or worst sundan nila ako dahil nasabi ko kung saan ako papunta kaya kailangan ko talagang mas bilisan. Kung nagkataon ay mauudlot ang misyon ko at may kakaharapin kaming kapalit.
Dinoble ko ang bilis ng paghakbang ko kaya hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng malaking mansion na ito. Tinahak ko na ang daan papasok.
Saan ko nga ba hahanapin ang librong iyon sa napakalaking lugar na ito. Grabe naman! Akala ko magiging madali lang itong gagawin ko kaso hindi ko nga pala alam kung saan tinago nila Tamara ang omnibus.
Base sa natatandaan ko, kailangan ko lang namang kunin ang libro dito 'di ba? 'Yun lang naman ang gagawin ko, kailangan ko lang itong hanapin.
Ang alam ko, si Tamara at Krissha ang huling may hawak noon kaya siguro nasa gamit lang nila mahahanap ang librong hinahanap ko.
Bago maghanap ay chinarge ko muna ang cellphone ko sa kuwarto upang kahit papaano ay magkaroon ng baterya ito pagkatapos
Sinimulan ko sa mga cabinet sa kuwarto naming mga babae. Hinalughog ko iyon saka binalik ng maayos. Sinunod ko ang mga gamit nila na nakatabi sa gilid, pero hindi ko pa rin makita. Sinilip ko ang ilalim ng kama pero wala pa rin. Dumating na sa punto na pati gamit ko at ni Pauline ay tiningnan ko na pero hindi ko pa rin makita. Pawis na pawis na ako pagkatapos.
Wala akong nakitang libro sa kuwarto namin, ibig sabihin lamang noon na maaaring nasa kuwarto ng mga lalaki ang naturang libro. Kinuha ko na sa pagkakacharge ang phone ko dahil baka may notification dito na biglang dumating.
Lumabas na ako ng kuwarto at pumunta sa tapat ng pintuan ng kuwarto ng mga lalaki.
Hindi naman siguro panloloob o trespassing ito 'di ba? Hindi naman siguro nila ako kakasuhan 'no?
Ano kayang itsurang kuwarto nila? Base sa mga nakikita kong kuwarto ng lalaki ay hindi ko na hinihiling na pumasok sa isa pa. Pero kailangan kong gawin 'to. Felize, tiis tiis muna, saglit lang. Pagkatapos nito, matatapos na ang mission mo.
Pinikit ko muna ang mga mata ko at unti-unting pinihit ang doorknob. Taliwas sa inaasahan ko, wala akong naamoy na masansang na amoy kaya minabuti ko nang buksan ang mga mata ko. Woah!
Nagulat ako dahil malinis ang kuwarto nila! Hindi man sobrang linis pero maayos ito. Ang mga damit ay nakasalansan ng maayos. Ang mga gamit ay nakalagay sa mga puwesto kung saan sila nararapat. At higit sa lahat, walang mga damit na gamit na nakakakalat dito.
BINABASA MO ANG
ARE YOU READY? | completed
Mystery / ThrillerA famous author. A blogger. A poet. But one day, her works got strange and it's up for her readers to solve the mystery. Are you ready to be her reader?