[PAULINE]
Ramdam ko ang malakas na simoy ng hangin na natama sa balat ko. Tumatama rin ito sa sugat ko sa pisngi kaya kumikirot ito ng kaunti ngunit hindi ko naman maaaring itigil ang pagmamaneho ng motorsiklong ito.
May pagkamabagal ang motorsiklong sinasaktan ko ngunit tama lamang ito upang hindi matunugan ni Veronica na sinusundan ko siya.
Kitang kitang iniinda niya ngayon ang sakit sa may likurang bahagi ng katawan niya kaya napangisi ako.
Hindi mo ako kaya, Veronica.
Nakakainis lang kase sa tuwing maglalabanan kami ay bigla bigla na lamang siya tumatakas sa akin. Someone's probably telling her to back out and that's what I want to know.
I want to know kung sino iyon. Kung sino pa ang mga taong nasa likod nito at kung sino ang utak ng lahat ng ito.
Patuloy ko pa rin siyang sinusundan until she turned left sa isang eskinita. Tinigil ko na ang motor sa tabi at pinili na lamang maglakad para sundan siya.
Bumaba siya sa sinasakyang motor at napatingin sa direksyon ko kaya naman bigla na lamang akong napatago sa likod ng isang malaking puno.
Makikita ko na ba ang mga tao sa likod nito? Nasa hideout na ba nila ako?
Pinagmasdan ko ang paligid. Nakapaligid dito ang napakaraming puno at masasabi kong napakastrategic ng lugar na ito sa mga taong gustong magtago. May isang malaking bahay na matatanaw sa hindi kalayuan ngunit may kalumaan na ito dahil sa kondisyon ng mga kahoy nito at mga kalawang na nasa mga bakal na bahagi nito.
Tahimik ang paligid at walang kalapit na mga bahay at establisiyimento. Wala rin akong makitang kahit na sinong tao maliban sa dalawang lalaking may mga tattoo sa katawan na nakabantay sa may bungad na gate ng bahay.
Pumasok si Veronica sa gate at tinanguan naman siya ng dalawang ito. Kilala nga siya ng mga ito. Ito na nga marahil ang hideout nila.
Pero hindi ko pa rin masabi na siya nga ang may pakana ng lahat ng ito. There's someone higher than her. Someone whom I think is the mastermind.
Kung iisipin kase, kung siya ang may pinakamataas na posisyon dito, the guards would have greeted her with more respect. But instead, tinanguan lang siya ng mga ito. Not the likes of the leader, right?
Tuluyan ng nawala sa paningin ko si Veronica nang pumasok na siya sa pintuan ng bahay. Wait, hindi ito ordinaryong bahay. It looks like a warehouse.
I walked confidently towards the two guards ng walang dalang kahit anong weapon. Alam kong kakayanin ko ang dalawang ito kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon at sumugod na.
With just some punches and kicks, napatumba ko na kaagad ang dalawang guwardiyang ito nang walang kahirap hirap.
Pumasok na ako ng dahan dahan sa bakuran ng warehouse na ito. Thankfully, matataas ang damo sa paligid kaya hindi ako kaagad na mapapansin kung lalakad ako sa gitna ng mga ito.
Makati ang matataas na damong ito ngunit kailangan kong tiisin para makapasok sa loob ng warehouse. Nilaktawan ko ang pasukan sa unahan, at sa halip ay dumeretso ako sa likurang bahagi nito. May nakita akong maliit na bintana sa likuran kaya pumasok na ako dito.
Dahan-dahan kong nilusot ang katawan ko papasok para hindi makagawa ng ingay. Kinakabahan man ay pumasok na ako ng tuluyan dito.
Nasa madilim na parte ako ng warehouse kung saan natatakluban ang ilaw ng malalaking mga metal container ban.
Pumunta ako sa likod ng mga iyon at nagtago saglit. Pinlano ko kung anong gagawin ko rito. Kailangan ko lang manmanan at pakinggan ang paligid upang makakuha ako ng impormasyong maaaring makatulong sa amin para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito.
Lumipat ako ng puwesto sa may mas malapit na lugar sa gitna kung saan natatanaw ko ang napakaraming nga tao na halos lahat ay nakasuot ng itim o madilim na kulay ng mga damit.
Natanaw ko rin si Veronica na nakaluhod sa kung sino man ngunit hindi ko makita kung sino ang kanyang niluluhuran.
Maaaring dito rin nila tinatago si Amy kaya kailangan kong magmatyag ng maigi, ngunit mukhang malabo ito dahil wala aking makitang kahit anong kuwarto rito maliban na lamang sa mga container ban.
Pinakinggan ko ng mabuti ang usapan nila at itinapat pa ang tainga sa direksyon kung nasaan sila.
"I'm sorry, milady. We failed at the mission. Hindi namin nakuha ang omnibus book na iyon mula sa batang babae." sabi ni Veronica habang nakatungo pa rin at nakaluhod.
So ang libro pala ang pakay nila huh? Para saan naman iyon? Kaya ba pinakuha pa nila ito sa amin sa loob ng library dahil may kailangan sila rito?
Nakita kong kumumpas ng kamay ang kung sino mang taong itong hindi ko maaninag at sinenyasan si Veronica na tumayo.
Sumunod naman si Veronica saka maayos na tumindig sa pagkakatayo.
Napasinghap ako ng dumapo sa pisngi ni Veronica ang kamay nito. Nagdulot ito ng napakalakas na tunog. Nanatili namang nakapaling sa kaliwa ang ulo niya dahil sa malakas na pagkakasampal.
"Inutil!" sigaw ng sumampal kay Veronica. Umaliwangwang ang malakas niyang boses sa loob ng saradong lugar na sa tingin mo ay nagdulot ng kaunting kaba sa mga taong naririto. Boses babae ito kaya alam ko na kaagad na babae talaga ang nasa likod ng lahat ng ito.
"'Diba sabi ko naman sa'yo na gawin mo ng maayos ang trabahong iniatas ko sayo? Noong nakaraan palpak ka at napigilan ka ng isang babae lamang hanggang ngayon ba naman palpak ka pa rin? Akala ko ba babawi ka?"
Yumuko muli sa kanya si Veronica saka nagpaulit ulit na humingi ng tawad.
"I'm sorry, milady. Babawi ako, pangako."
Lumapit kay Veronica ang babaeng kausap nito kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ang tindig ng pangagatawan nito. Payat ito ngunit matangkad at halatang bata pa. Parang pamilyar ang katawan niya. Parang nakita ko na siya kung saan.
She cupped Veronica's face at pinilit niya itong humarap sa kanya. "Siguraduhin mo lang dahil kung hindi, alam mo na ang mangyayari sa pamilya mo."
Tumango lamang sa kanya si Veronica kaya binitawan niya na kaagad ito. Tumalikod siya at hindi sinasadyang nakita ko ang mukha niya.
"Oh," sabi niya habang nakatingin sa direksyon ko. Nakita niya na siguro ako. "Looks like we got a visitor here, huh?"
Hindi maaari...
Siya ang mastermind?
Bakit siya pa?
BINABASA MO ANG
ARE YOU READY? | completed
Misteri / ThrillerA famous author. A blogger. A poet. But one day, her works got strange and it's up for her readers to solve the mystery. Are you ready to be her reader?