[FELIZE]
H-hindi....
Anong sinasabi ni John? Si Ate Amy?
Imposible...
Ayoko maniwala sa sinasabi niya.
Buong buhay akong naniwala sa kanya. Inidolo ko siya. Siya ang tinitingala ko sa lahat ng bagay. Sa bawat araw ng buhay ko, feeling ko hindi ito makukumpleto hangga't hindi ako nakababasa ng kahit isa sa mga gawa niya.
Nandoon ako nung unang beses siyang nagpost ng poem. Nahihiya pa nga raw siya nun kase ang panget. Pero sa totoo sobrang ganda na nun.
Nandun ako nung una siyang nagpublish ng story. Kitang-kita ko yung saya sa mga mata niya at tuwa nang makita niya kami. Nasa singkuwenta pa nga lang ata kaming mga naniniwala sa kanya nun.
Nandoon ako nung unang booksigning niya. Magdamag pa akong hindi natulog nun dahil sa sobrang excited kong mapapirmahan ang librong hawak ko. Nakatulog ako nun, kaya na-late pa ako. Buti na lang nakahabol ako nun. Sobrang saya ko non, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.
Nandoon ako nung ang isang librong napublish niya, naging dalawa, tatlo, hanggang sa hindi na mabilang sa mga daliri. Nandoon ako nung ang singkuwenta niyang mga mambabasa, dumoble, nagtriple at dumami.
Nandoon ako nakasuporta sa kanya. Nagcocomment sa lahat ng pinupublish niya online. Pumupunta sa lahat ng booksigning at meetups niya. Nagkokolekta ng lahat ng gawa niya.
Nandoon ako. Nandoon rin siya 'di ba?
Nandoon siya, oo.
Siya ang naging inspirasyon ko sa lahat ng bagay. Siya ang naging idolo ko. Naging role model ko. Siya ang pinakatinitingala kong tao. Mas higit pa nga ata sa parents ko eh, haha.
Ang mga gawa niya ang naging pahinga ko. Tipong akala ko ako ang bida sa bawat kuwentong isinusulat niya. Naging escape ko sa mundo ang pagbabasa ng mga gawa niya. Tuwing nadadapa ang bida, feeling ko nasusugatan din ako. Kapag umiiyak ang karakter, nadudurog din ang puso ko. Kapag in-love ito, pakiramdam ko ako ang nasa posisyon niya.
Sa kanya at sa mga kuwento niya halos umikot ang buong buhay ko.
Kaya sabihin niyo, paano ako maniniwala sa sinasabi ni kuya John? Paano ko matatanggap na ang idolo ko ang may pakana ng lahat ng ito? Paano ko maipapaliwanag sa sarili ko na ang taong pinakapaborito ko ay pinaglalaruan lang pala kami nung una pa lang?
Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako at naglulupasay sa sahig kung hindi pa ako inalo ni ate Tamara.
"Shhhh, Felize." aniya. "It's okay."
Sinabi niya ang lahat ng iyon habang hinahagod ang likod ko. Ramdam ko ang awa na ipinupukol nila sa akin sa pagkakataong ito. Pero anong magagawa ng awa nila gayong hindi ko na alam ang gagawin?
Tumingala ako at hinarap muli si kuya John.
"T-totoo ba yan? Nagsisinungaling ka d-diba? Nagsisinungaling ka!" sigaw ko sa harapan niya.
Naramdaman kong bigla akong niyakap ni ate Tamara.
Wala nagagawa ang yakap niya sa akin. Hindi pa rin ako kumakalma. Pinipigil lamang ako nito sa pagwawala.
BINABASA MO ANG
ARE YOU READY? | completed
Mystery / ThrillerA famous author. A blogger. A poet. But one day, her works got strange and it's up for her readers to solve the mystery. Are you ready to be her reader?