[FELIZE]
"Amy Evangelista. Anak ko siya. Siya ang pinakamatanda sa kanilang tatlong magkakapatid."
"Napakabait niya sa mga kapatid niya. Kaya nga paborito ko siya at ng lahat ng tao. Napakamagiliw niya. Hindi mo siya kakikitaan ng masamang ugali."
"Napakaresponsable rin niya. Noong nalubog ako sa utang noon, dahil sa paglalaro ng mahjong. Siya ang kumayod para sa amin. Siya na nga ang tumayong ilaw ng tahanan dito eh, haha. Parang hindi na ako."
"Noon pa man ay paborito niya na ang pagsusulat. Tanda ko pa ng noong six years old siya ay nagsulat siya sa pader namin ng mga salita. Napalo ko siya noon. Nagsisisi akong napagbuhatan ko siya ng kamay kase nang basahin ko ang mga sinulat niya ay nakabuo ito ng maikling kuwento. Hindi lamang kuwento, bawat detalye ay specific."
"Napakabata niya rin kase nang matutunan niya ang ABC. Hindi pa nga ata siya nakakalakad ay kabisado niya na kaagad ito. Sadyang napakatalinong bata. Nag-aalangan nga ako dati kase baka may mali sa kanya. Baka special siya, ganun."
"Sobrang masiyahin niya talaga noon. Yung tipong nangiti siya sa lahat ng taong madaraanan niya. Tinutulungan niya lahat at napakapilya niya ring bata."
"K-kaso... Walang hiya 'yung leche niyang tatay! Pati a-anak niya... p-pati.. I'm s-sorry.."
"It's okay, Amelia. Breathe. Here, drink this water."
"T-thank you.."
"Mhmm.."
"B-binastos siya ng tatay niya. Sa murang edad niya na labing apat na taong gulang, p-pinagsamantalahan siya ng t-tatay niya."
"Pati yung nakababata niyang kapatid na babae, si Amber, d-dinamay. Magsasampu pa lamang siya noon."
"Magmula noon ay nagbago na si Amy. Naging malayo na ang loob niya sa amin. Lagi na siyang mapagisa. Lagi na siyang tahimik. A-at sinasaktan niya na yung sarili niya."
"Feeling ko napakawalang kuwenta ko noon kase hindi ko man lang sila napagtanggol. Wala ako noong mga oras na iyon kase puro na lang ako trabaho noon. Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang mga anak ko. N-nagsisisi talaga ako."
"Kaya tuwang-tuwa talaga ako nang marinig kong pinursue niya 'yung kagustuhan niya sa pagsusulat. Nakakaproud. Kaso kung anong pinapakita niya sa mga reader niya ay kabaligtaran iyon ng totoong nararamdaman niya."
"Nung nalaman kong nawawala siya kamakailan lang, hindi ako nabahala sa umpisa. Dati pa kasi siya naalis nang walang paalam at babalik na lang bigla, 'yun kasi ang pinagkukunan niya ng inspirasyon."
"P-pero may dumating na litrato sa akin kahapon. Nasa larawan... Siya... Si Amy na maraming pasa at sugat. Hindi ko alam ang gagawin ko no'n."
"Nagdesisyon akong sarilihin na muna at huwag ipagsabi sa iba kong kasamahan dito sa bahay. Kase sa tingin ko, hindi nila maiintindihan. Hindi nila makakaya. Lalo na s-siya.. Hindi makakaya ni Amber."
"Nakipag-usap ako sa pulisya nang ako lang ang mag-isa ngunit hanggang ngayon wala pa ring update. Hindi ko na alam ang gagawin ko."
Tinigil ko na ang pagkuha sa camera nang humagulgol sa si Ginang Amelia. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nadarama niya ngayon. Bawat salitang sinasabi niya ay parang tumutusok sa akin puso. Nakakadagdag sakit pa ang boses niya. Halatang mahal na mahal niya ang anak niya.
Nilapitan ko siya at binigyan ng tubig.
"Okay lang po yan, Mrs. Evangelista. Mahahanap din siya."
Mahahanap namin siya. Mailiigtas namin siya laban sa taong hindi namin kilala. Gagawin ko ang lahat upang mahanap siya.
"Salamat iha, sana nga..."
Sunod namin inanyayahang interviewhin si Amber ngunit hindi namin ito mahagilap. Mukhang nagkukulong ito sa kuwarto niya ngayon.
Dumaan sa harapan namin si Anthony kaya siya na lang ang inimbita namin para sa interview. Kaagad naman siyang pumayag.
"So, uhm, hi everyone? Haha."
"Ako nga pala si Anthony Evangelista, kapatid ng sikat na awtor na si Amy. Isa akong secretary ng isang psychologist."
"'Yung kapatid ko si Amy? Napakabait no'n. Kaya sobrang protective ako dun. Love na love ko yun, haha."
"Siya yung nakakasama ko palagi. Siya yung kasama ko paglaki. Siya yung kalaro ko, kasama ko tuwing sobrang down ako, kapartner ko sa kakulitan. Andyan siya palagi para sa akin."
"Kaya nung may nangyari sa kanya? N-nakwento na ata ni mama 'yun. 'Di talaga ako umalis sa tabi niya nun. Sinigurado kong ako naman yung nasa tabi niya. Sinigurado kong hindi niya mafifeel na mag-isa lang siya."
"A-ang hirap hirap nun. Ang sakit sakit na makita mo 'yung kapatid mo na magkakaganoon. Parang kalaban niya ang sarili niya noong mga panahon na iyon."
"T-tuwing sinasaktan niya sarili niya? Wala akong magawa. Niyayakap ko na lang siya para hindi na siya makagalaw. Nakaka...ano kase talaga na ako 'yung lalaki pero wala akong nagawa para protektahan siya."
"Simula nung araw na 'yun pinangako ko na poprotektahan ko siya. Kaya pumasok ako bilang secretary ng isang psychologist para mapagaralan ko na rin kung anong nangyayari sa kanya. Kung paano magamot iyon."
"She was diagnosed with Post Traumatic Stress Disorder. Dahil sa nangyari sa kanya sa past niya, natrigger ang ganoong pangyayari sa utak niya."
"Si Amber din natrauma dahil doon. Pero buti na lang hindi siya nagka-PTSD. Kaya pinoprotektahan ko siya lalo ngayon. Because she's vulnerable."
"Mabuti na lamang ay nagamot si Amy. Naging okay na uli siya at bumalik na siya sa paggawa ng mga bagay na ikinasasaya niya, tulad na lang ng pagsusulat. Paboritong paborito niya kase talaga gawin iyon noon pa man."
"Ngayon, hindi ko alam kung nasaan siya, pero sana nasa maayos siyang kundisyon-"
"Aaaaaaaaaaaaah!"
Naputol ang pag-iinterview namin nang may narinig kaming sumigaw. Ano yun?
BINABASA MO ANG
ARE YOU READY? | completed
Mystery / ThrillerA famous author. A blogger. A poet. But one day, her works got strange and it's up for her readers to solve the mystery. Are you ready to be her reader?