[PAULINE]
Tumakbo na papalayo ang babaeng nagpakilalang si Veronica.
Napaupo na lang ako sa sahig dahil sa sakit ng katawan ko. Malakas talaga ang isang iyon.
Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin saka tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha nina John at Felize.
"A-ayos ka lang?" natatarantang tanong ni John sa akin. Sinuklian ko lang siya ng matamis na ngiti.
"Sh*t!" pagmumura ni John saka ako tinulungang makatayo. Lumapit din si Felize sa kabilang gilid ko at tinulungan din akong makatayo.
"Sorry Pauline, kung wala akong nagawa." Hindi makatingin ng diretso si John sa'kin. "Bakit ba kase ang hina-hina ko?"
Hindi nakatakas sa akin ang mahinang bulong na iyon ni John. Hinawakan ko agad siya sa kamay niya kaya't napalingon siya sa akin.
"You're not, John." sabi ko sa kanya saka sila iniwan ni Felize doon.
Agad din naman silang sumunod sa akin.
"Hey!" may narinig kaming boses sa unahan.
Nakasalubong namin sina Hale at Tamara na nagmula sa kabilang bahagi ng ikalawang palapag. May hagdanan din pala doon mula sa baba.
"Anong nangyari sa inyo? May narinig kaming mga kalabog mula don sa baba ah?" nag-aalalang tanong ni Hale saka dumapo ang tingin niya sa sugat sa may kamao ko. Mamula-mula pa ito, halatang kakasuntok lang.
"Napano ka?" dagdag niyang tanong.
Tinignan ko muna siya sa mukha saka sinagot. "Wala, may nakasalubong lang kaming tauhan."
"Tara na, at baka mahuli pa tayo ngayon. Kailangan nating mahanap kung nasaan si Amy."
Tumango naman silang lahat sa tinuran ko saka sumunod sa akin sa pagkilos.
Sobrang lawak ng ikalawang palapag at sobrang dami din nitong mga kuwarto. Iniisa-isa namin ito ngunit wala kaming makitang mga tao sa loob.
Saan naman kaya nila posible tinago si Amy?
Dadalawang palapag lang ang inn na ito at kanina habang nasa 1st floor kami ay sigurado ako sa mga narinig ko. Nanggagaling sa itaas ang narinig kong mga pagsigaw. Hindi ako maaaring magkamali.
Tsaka dito lang rin sa ikalawang palapag mayroong bantay at nanggaling si Veronica. San naman kaya siya dumeretso pagkatapos tumakas sa akin?
Hindi ko ito nakitang tumakas dahil ininda ko ang lakas ng pagkakasipa niya sa akin, sa pagkakataong iyon.
Naglibot-libot pa kami at halos nahalughog na namin ang buong palapag ngunit wala pa rin kaming makitang kuwarto na posibleng pagtaguan.
Tiningnan ko muli ang orasan ko. Naka dalawang oras at 40 minutes kami kaya nasa isang oras at 20 minuto na lang ang natitira sa amin.
Tiyak kong nararamdaman na rin ng lahat ang pagod at gutom ngunit hindi kami maaaring tumigil ngayon.
Susuko na sana ako ng makakita ako ng kahoy na nakausli mula sa kisame. Ininspeksyon ko itong maigi hanggang sa may makitang uwang rito. May naririnig rin akong mahihinang boses na mukhang nanggagaling sa itaas.
Attic? Hindi imposible.
Baka dito nga ang taguan nila.
"Guys!" tawag ko sa kanilang lahat at unti-unti naman silang naglapitan sa direksyon ko.
"May nakita akong parisukat na nakausling kahoy sa kisama. Attic? Sa tingin niyo?"
Maiging tinignan ito ni Hale habang ang kamay ay nasa baba pa. Kumuha siya mula sa gilid ng mahabang tabla ng kahoy.
BINABASA MO ANG
ARE YOU READY? | completed
Mystery / ThrillerA famous author. A blogger. A poet. But one day, her works got strange and it's up for her readers to solve the mystery. Are you ready to be her reader?