[PAULINE]
Naputol ang koneksyon namin kay Felize. Paulit-ulit na nagtipa muli si Krissha sa kanyang cellphone at dinial ang numero ni Felize. Pabalik balik niya itong ginagawa, itinatapat ang cellphone sa tainga saka magpipindot uli.
"Argh!" she grunted out of frustration. Alam kong siya ang pinakanag-aalala at ayaw niya lang iyong ipakita dahil sa ego niya. Mataas pa rin talaga ang pride niya hanggang ngayon.
Alam kong dala dala niya sa konsensiya niya kung may mangyari mang hindi maganda kay Felize dahil siya ang nakakita ritong umalis.
"Tama na, Krissha." sabi ka kanya ni Tamara habang hinawakan pa ang mga kamay nito para patigilin siya sa pagtipa.
Tumigil naman si Krissha saka napatungo sa may tabletop. Tinabihan naman siya ni Seb para pakalmahin. Mukhang wala ito sa tamang pag-iisip ngayon dahil sa nangyari.
Hinarap ko sila. "Anong gagawin natin?"
Halata ang pag-aalangan sa mga mukha nila sa pagsagot ng tanong ko. Kahit ako naman ay hindi ko alam kung ano ang dapat naming gawin sa pagkakataong ito. Napabuga na lamang ako ng hangin dahil doon.
"Guys," tawag sa amin ni John. Napalingon naman kami sa kanya kasama na rin si Krissha "'Di ba sabi ni Felize na nasa bus siya at papunta sa hideout?"
Nabigla ako dahil naintindihan niya ang sinabi ni Felize. Medyo malabo ang pagkakaintindi ko dito dahil naging choppy ang linya bigla bago naputol. Well, 'di ko na siya tatanungin kung paano niya nalaman iyon, mister tech genius. Napatawa ako sa isip ko dahil sa tinawag ko sa kanya.
"Why don't we follow her?" suhestiyon ni Seb sa amin.
Napatigil naman kami saglit saka tumango sa sinabi niya. Sunod-sunod kaming pumunta sa mga kuwarto namin at naghanda ng mga dadalhin. Hindi pa ako nakakapag-ayos pero sa tingin ko mahalaga ang oras sa panahong ito kaya naghilamos na lang ako at nagpalit ng damit. Nagsuklay na rin ako ng buhok dahil gulo-gulo ito.
Bago kami lumabas ay nagpaalam muna kami kina Ginang Amelia na may pupuntahan lamang. Nasa kanila pa rin ang mga gamit namin kaya kailangan talaga naming balikan iyon.
Habang nasa sasakyan kami ay walang nagtangkang magsalita sa amin. Mukhang ang lahat ay kinakabahan para sa pinakabatang miyembro ng grupo namin. Nilakasan ko ang aircon dahil kanina pa ako pinapawisan dahil sa kaba.
Mabilis naming narating ang Quezon City ngunit na-stuck kami sa traffic kung kailan malapit na kami.
Lahat kami ay napapahalumukos na lamang sa sariling mukha dahil sa frustrasyon na nadarama. Natatanaw ko na ang kanto kung saan kami liliko ngunit mukhang wala ata talagang balak na umusad ang mga sasakyan na nasa harapan namin.
Hinawakan ko ang pintuan ng sasakyan at nagtangkang lumabas.
"Saan ka pupunta?" pagpigil sa akin ni John.
Nilingon ko siya habang nakahawak pa rin ako sa pintuan ng sasakyan. "Tatakbuhin ko na ang daan papunta sa hideout, dahil malapit naman na."
Seryoso ko itong sinabi sa kanya ngunit wala itong naging epekto sa kanya marahil ay dahil alam niya na kung gaano ka-impulsive ng mga desisyon ko. Hindi nagbago ang ekspresiyon ng mukha niya. Alam niya na kung ano ang gusto kong gawin, gagawin ko.
Ako ang pinakamalakas sa kanila pagdating sa pakikipaglaban kaya sa tingin ko ay kargo de konsensiya ko rin kung may mangyayaring masama sa kanila at hindi ko sila nailigtas. Lalo pang sumeryoso ang sitwasyon nang madamay na dito si Felize, na pinakabata sa amin. Kailangan ko siyang iligtas sa lalong madaling panahon. Kahit na hindi namin alam kung may plano nga ba ang Omnibus sa kanya, hindi namin kailangang sumugal. Kahit hindi ako sigurado, kailangan ko siyang puntahan.
BINABASA MO ANG
ARE YOU READY? | completed
Misteri / ThrillerA famous author. A blogger. A poet. But one day, her works got strange and it's up for her readers to solve the mystery. Are you ready to be her reader?