AYR 23: SORRY

320 28 4
                                    

"H-hale, sorry hale..."

"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Tamara."

"Pero ako kasi 'yung nandun eh, p-pero wala akong n-nagawa..."

"Hindi niya gugustuhing makita kang umiiyak."

"Malakas siya. Kakayanin niya. Kaya tumahan ka na."

"Ano yun? Bakit parang bumibilis?"

"H-huh?"

"Doc? Doc!"

"What happened?'

"H-hindi po namin alam..."

"The patient is suffering from a mild cardiac arrest. CPR now!"

"Hale!"

"Tamara!"

[HALE]

Nagising ako nang masakit ang ulo ko at ang ilang parte ng katawan ko. Siinubukan kong tumayo ngunit hinang hina ang katawan ko sa dami ng sugat na natamo ko.

Nasaan ako?

Nilibot ko ang paningin ko at tumambad sa akin ang puting kisame at puting mga dingding. May babae ding nakaupo sa upuan sa may paanan ng kamang ito habang natutulog.

May mga nakatusok din saking mga karayom at kung anu-ano na nakakairita sa balat.

Nasa ospital ba ako? Anong nangyari?

Pinilit kong alalahanin kung bakit ako napadpad dito.

00:00:15

Labinlimang segundo na lang ang natitira sa timer, ngunit hindi ko pa rin malaman kung anong wire ang dapat putulin.

Nararamdaman ko na na namumuo na ang pawis sa noo ko dahil sa sobrang kabang nadarama.

Kailangan kong madiffuse ang bombang ito kung hindi ay sasabog ang library na ito.

Nakailang beses na akong nagputol ng mga wire sa bombang ito ngunit wala pa ring epekto.

Pinauna ko na sina Tamara dahil marami pa ring mga tao nasa paligid ng library na kailangan nilang maabisuhan.

Maraming madadamay sa pagsabog kung hindi nila ito masasabihan.

Nanginginig na ang mga kamay ko habang hawak hawak ang binigay sa aking kutsilyo ni Pauline

00:00:10

Sampung segundo na lamang ang natitira ngunit wala pa ring nangyayari. Masiyadong kumplikado ang pagkakagawa ng isang ito.

Kaya ko namang magdiffuse ng ganitong klaseng bomba ngunit kailangang ng mahaba-habang panahon para rito.

ARE YOU READY? | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon