AYR 37: FOURTH MISSION-TRAVEL

248 19 0
                                    

[TAMARA]

Nag-eempake na ako ng mga gamit ko at nilalagay ko na uli sa maleta ko ang mga ito dahil alam kong matatagalan kami sa misyon namin ngayon.

Ayon sa nakalagay sa misyon, tatagal ito ng pitong araw kaya dapat ay marami-ramin na ang bibitbitin namin

Nagdala ako ng nga pitong pares ng mga damit at mga bathroom essentials ko.

Malapit lang naman ang Bulacan sa may Quezon City at magtatagal ang biyahe namin dito ng mga nasa isang oras, kung papalarin.

Pero nang tingnan namin ang lokasyon ng lugar na sinasabi sa misyon sa google, eh mukhang mas matatagalan kami. Nasa may liblib na parte pala ang subdivision na iyon at maraming mga punong-kahoy sa parteng ito. Bagaman maraming puno't halaman ang nakatanim dito, halata pa rin nang urbanisado ito dahil sa mga modernong disenyo ng mga bahay.

Lumabas na kami nina Krissha at Pauline dala dala ang mga bagahe namin. Nakita na rin namin na nasa sala na sila Felize, John, Hale at Seb habang hinihintay kami.

May dala nang camera si Felize habang si John naman ay mga recorder at ilaw. Mukhang papangatawanan talaga nila ang pagiging parte namin ng media huh?

"Tara na?" tanong sa amin ni Hale.

Tumango naman kaming lahat.

Lumabas na kami ng pintuan at kailangan pa naming maglakad papunta sa labas ng gate dahil nandun na nakaparada ang sasakyan.

Andami ko palang nadala! Hindi ko napansin na ang bigat na ng mga dalahin ko. May backpack akong nakasabit sa likuran at maliit na maleta. Ano bang pinaglalalagay ko rito.

Nahihirapan na ako sa pagbitbit ng bag ko kaya medyo nahuhuli na ako. Binibilisan ko na lang ang lakad ko para makahabol sa kanila.

Nagulat ako nang biglang may humila ng maleta ko mula sa aking kamay at binitbit iyon. Pagtingin ko rito ay nakita ko si Hale.

Seryosong seryoso siya ngayon at nakatingin lang sa daraanan. May dala siyang isang katamtamang laking backpack at isang duffle bag habang hawak niya pa sa kabilang kamay niya ang maleta ko. Ang dami niyang dala. Nakakakonsensiya tuloy.

"Ako na," sabi ko habang akmang kukunin ang maleta ko sa pagkakahawak niya ngunit pinigilan niya ako.

"No. Just focus on your way."

Mabuti na lamang ay sinabi niya iyon kung hindi ay natapilok na sana ako sa may kalakihan bato sa harapan ko. Hindi ko man lang napansin na may nakaharang na pala sa daraanan ko habang dahil sa tutok ako sa pakikipag-usap. Edi kung hindi ko pa iyon napansin edi sana may bangas na mukha ko?

Nakarating na kami sa may gate at talaga namang pagod na kaagad ako dahil sa tindi ng sikat ng araw. Mag-aalas tres na pala, kaya ganito kasakit sa balat ang araw.

Pumasok na kami sa sasakyan at gaya ng nakasanayan ay nasa likod ako at katabi ko rito si Hale.

Nasa highway na kami ngunit halos hindi nausad ang sasakyan namin dahil umano sa aksidente sa may unahan. Mukhang matatagalan pa ito.

Nagpatugtog na lang si John sa stereo at dahil dito lalo akong nakaramdam ng antok.

Nagdesisyon na lang akong matulog dahil alam kong medyo matatagalan pa kami.

-------

Nagising ako nang mabilis na ang andar namin. Nakabukas na rin ang mga bintana at damang-dama ang malakas na simoy ng hangin.

Napasarap ang tulog ko dahil nasa komportableng posisyon ako ngunit nagulat ako nang makita kong nakaunan na ako sa balikat ni Hale.

Umayos ako ng upo at inayos din ang sarili ko.

Tinignan ko si Hale. Nakapikit ang mata niya ngunit hindi ko malaman kung tulog ba siya o hindi.

Tulog siya diba? Hindi niya sana nakita iyon. Hindi niya sana naramdaman na nakasandal na pala ako sa kanya.

Napatagal yata ang pagtingin ko sa kanya dahil nang magmulat siya ng mata ay nagtagpo ang paningin niya.

Nataranta ako. Tumingin kaagad ako sa harapan at iniwas ang tingin sa kanya.

"Okay ka lang?" tanong niya nang may pagkalito. Mukhang nahalata niya ang pagkabalisa ko. Bakit naman kase bigla-bigla siyang namulat ng mata!

Tumango na lang ako bilang pagsagot sa kanya.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Nakikita ko na ang kulay kahel sa langit na hudyat na papagabi na. Sumulyap ako sa orasan at napagtanto na mag-aalasais na pala. Tiningnan ko na rin ang natitirang oras na mayroon kami.

Time Remaining: 163 hrs: 02 mins: 57 secs

Nakatingin lang ako sa labas at may mga nadadaanan na kaming mga bahay. Mukhang nakapasok na kami sa subdivision nang hindi ko namamalayan. Marami ngang tanim na puno dito kaya malamig ang simoy ng hangin. Ibang iba rin ang hangin dito kumpara sa Quezon City dahil hindi ito masakit sa ilong tuwing nahinga ka.

Tuluyan na kaming tumigil sa harap ng isang malaking bahay na gawa sa kahoy. Di hamak na mas malaki ito sa tinutuluyan namin sa Quezon City kaso maliit lamang ang harapan nito.

"Eto na ba iyon?" tanong ko kay John.

Tumango siya habang tinatanggal ang seatbelt na nakapulupot sa katawan niya.

Sabay sabay na kaming bumaba habang dala-dala nina Felize ang mga gamit nila tulad ng camera.

Dumeretsona kamk sa may gate at pinindot ko ang doorbell.

Pagkatapos ng ilang segundo ay may lumabas na may katandaan nang babae ngunit malakas pa naman. Ito na siguro ang nanay ni Amy.

"Sino sila?" malumanah na tanong niya habang papapit sa amin. Kitang-kita ko na ngayon ang pamumugto ng mga mata niya at halatang kagagaling lang sa pag-iyak.

"Kami po ay taga media."

ARE YOU READY? | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon