ISWAFR; 32 [Narration]

103 22 2
                                    

Nagkita ang apat sa sinasabing Mall ni Ryan. Hindi na nagulat sina Ryan at Xandra sa naging reaksyon ng dalawa.

Hindi naman inakala ni Griffin na may katagpo pala sila sa kanilang destinasyon. At hindi rin inakala ni Gwendolyn na kasama pala nila si Griffin.

"Who's this beautiful woman in front of me?" Tanong ni Griffin sa babaeng nakita sa harapan niya na nakasuot ng malaking Pink Jacket na hanggang tuhod lang, na halos ginawa ng Dress ng dalaga.

Mabilis na hinila ni Gwendolyn ang kaibigan na si Xandra. "A-ah,mamaya na kayo magdaldalan okay? Manuod muna tayo ng sine." Pag-aaya ng dalaga sabay hila sa kaibigan.

Lumapit naman si Griffin kay Ryan para magtanong,pero kaagad siyang tinawanan ng kaibigan. "Makikilala mo rin ang babaeng yon mamaya,pre. At baka kapag nalaman mo ay magulat ka."

Naglakad ang apat papuntang sine. Pumili sila ng magandang mapapanuod, saka pumasok sa loob ng sinehan.

Nahuling pumasok si Xandra dahil bumili pa siya ng sariling popcorn at maiinom.

Hindi pa siya nakakapasok sa sinehan nang makita niyang pumasok sa sinehan si Gwyneth. Anong ginagawa ng babaeng yan sa lugar na ito gayong abala ito sa pag-aaral? At ang mas nakakagulat pa ay may kasama siyang lalaki. Nakapulupot ang mga kamay niya sa braso ng binata na para ba silang magjowang dalawa.

'Paano na si Griffin?'

Dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng sinehan para hindi mapansin ni Gwyneth.

Sinilip niya muna kung saan nakaupo ang dalawa at laking pasasalamat niya nang sa kabilang mga upuan ito upo,kaya malayo ito mula sa upuan nila.

"Oh? Bakit ang tagal mo naman ata bumili?" Tanong ni Gwendolyn sa kaibigan.

Umupo ito sa tabi ng dalaga saka pabulong na sinagot ang tanong nito. "Nakita ko kasi si Gwyneth na pumasok dito sa sinehan at may kasamang iba."

Hindi naniwala si Gwendolyn sa sinabi ng kaibigan, dahil alam niya kung gaano nito kaayaw na magka-girlfriend si Griffin at baka gumagawa lang ito ng mga kwento.

"Ayaw mo maniwala? Edi wag!" Nagtatampong sabi ni Xandra saka humarap sa malaking screen at nanuod sabay kain ng popcorn.

ALAS TRES na nang matapos silang gumawa ng mga masasayang bagay at kasalukuyan silang nasa Mang Inasal at kumakain.

"Who are you?" Tanong na naman ni Griffin. Ilang ulit na niya itong tinatanong sa dalaga pero hindi siya nito magawang sagutin.

Mataman na tiningnan ni Xandra ang binata sa mga mata. "I'm Xandra."

Hindi makapaniwala ang binata sa narinig niyang sagot mula sa binata,pero nabalik lang ito sa reyalidad nang tumunog ang phone nito.

It's Started With A Friend Request [Chat Serye]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon