CHAPTER 2

489 14 0
                                    

“Clark aalis na ko ha. Kumain ka na pagbangon mo. May niluto akong agahan don sa lamesa. Iiwan ko nalang tong pera dito sa taas ng cabinet kung sakaling may bibilhin ka. I love you!” Sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa labi. He’s still half asleep dahil ginising ko lang siya saglit.

Okay na kami dahil tulad ng inexpect ko pagkabigay ko ng strawberry cake niya ay gumanda na ang mood niya. Well, masaya ako basta huwag ko lang maalala yung nangyari paglabas ko sa bakeshop.

Nasa harap na ko ng kompanya nang makita ko ang bestfriend ko. Parehas kasi kami ng pinasukang kompanya at kaklase ko din siya nung nag-aaral pa kami ng college.

“Kamusta na girl? Kaloka nasa iisang building tayo di man lang tayo magkita.” sabi niya at natawa pa. Hindi sa pagiging oa pero totoo yun. Bihira kaming magkita dahil magkaiba kami ng department pero pag nakikita nya ko parang walang araw na di kami nagkikita dahil walang nagbabago.

“Okay lang. Jusmiyo Bakit ganyan ang suot mo? Sino nanamang inaakit mo ?!” sabi ko. Kabisadong- kabisado ko na tong tokwang to. Kapag ganyang nag-iiba ang suot niya may pinagpapapansinan siya.

“Kung makapagsabi ka naman diyan ng inaakit kala mo naman kung sino-sino nilalapitan ko. Hoy babaeng bundat hindi ako nang-aakit. Kasalanan ko ba kung maganda ang bi ef ef mo?!” tanggi pa niya eh halata naman.

“Okay, okay. Who’s the lucky guy?” tanong ko habang natatawa.

“Secret! Saka ko na sasabihin baka mapurnada” tatawa-tawang saad niya.

“ Lianne, sinasabi ko sa’yo huwag ka masyadong maa-attach sa mga boylet dito. Pinapaalala ko lang sa’yo ilang buwan na lang aalis ka na.” malumanay na sabi ko sakanya. Tulad ko kasi aalis na rin si Lianne para pumunta ng ibang bansa. Halos lahat ng pamilya niya nasa US na, siya nalang ang nandito.

“Yes ma’am hindi ko po nakakalimutan. Kamusta naman kayo ng ampon mo?” tanong niya. Hindi kasi pabor si Lianne kay Clark masyado daw itong nakaasa sakin.

“Grabe ka naman. Okay lang kami at boyfriend ko siya hindi ampon.” sagot ko. “Hay naku. Ewan ko sa’yo ang tanga tanga nga naman ng tao kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Sige na nga babush na!” palokong sabi niya bago kami maghiwalay ng pupuntahan.

Naalala ko pa nung unang beses kaming mag-away ni Lianne dahil kay Clark. Nakipag-inuman kasi ito sa mga barkada niya at kasama ko si Lianne nang tumawag to sakin.

“Babe! How are you? Andito kami sa bar. Hahaha! Let’s have fun!” Napalingon sakin ang kasama ko at nakakunot noo nanaman ito. Alam kong lasing na si Clark dahil sa boses niya.

“ Ang kapal talaga ng mukha ng ampon mo. Nagawa pang magbar eh samantalang ikaw nga ang nagbibigay ng pera niya.” Galit na sabi niya pero di ko nalang pinansin.

“Pupuntahan kita ngayon umuwi na tayo.” Sabi ko at pinatay ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako.

“ Ewan ko ba sayo Chase. Matalino ka pero ambobo mo pagdating diyan sa ampon mo. Napakawalang kwenta.” Naiinis na sabi niya.

“Huwag mo naman pagsalitaan ng ganyan si Clark. Alam kong ayaw mo sa kanya pero hindi naman tamang ganyan yung sabihin mo sa kanya. Boyfriend ko pa rin yun at mahal ko yun,”

“Tang inang pagmamahal yan, Chase! Parang hindi ka naman niya girlfriend. Nanay na ata turing niya sa’yo grabe makahingi ng pera di na nahiya tas pababy pa! “ Naiinis na ko sa mga pinagsasabi niya pero ayaw kong mag-away kami.

“Ano bang nakita mo dun at di mo pa maiwan-iwan. Napakaraming lalaki diyan, Chase. Di ka mauubusan!” Tumayo na ko dahil napapansin kong lumalakas na ang boses niya.

“Aalis nako.” simpleng saad ko at umalis na. Dalawang linggo akong hindi pinansin ni Lianne noon. Pero nagkaayos din kami kasi di ko matiis na di niya ko pinapansin sa school.

-------------------------------------

Sabado ngayon at pauwi na kami. Nag-aayos ako ng desk ko dahil wala kaming pasok kapag linggo. Naglalakad na ko palabas ng kompanya nang makita kong wala yung cellphone ko. Halungkat ako ng halungkat sa bag habang naglalakad.

“Nasaan na ba kasi yun?!” naiinis na sabi ko sa sarili at nagulat ako nang may humatak sa kamay ko.

“Fuck! Look at where you’re going!” Pasigaw na sabi nung humila sa braso ko. Tumingin ako kung bakit at malapit na pala ako sa gitna ng kalsada. Gosh! Di ko man lang napansin.

“Ahm.. I-I’m sorry.” nakayukong sabi ko sakanya.

“Is that all you can say whenever we see each other huh woman?!” Naiinis pa rin na sabi niya at di pa rin binibitawan ang braso ko. Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yun at laking gulat ko nang siya yun. Siya nga YUN! Sht ! Bigla akong napayuko at namula dahil naalala ko siya. Siya yung naglandingan ng puwet ko imbes na yung pinto ng bakeshop!

CHASEWhere stories live. Discover now