CHAPTER 17

349 11 0
                                    

Nagtagal lang kami ni Sky doon ng isa’t kalahating oras. Nakayakap lang siya sakin habang nilalaro ang mga petals at pinapatakan ng tubig ang katawan ko. Wala pang ibang nakayakap sakin ng ganun kundi si Clark lang pero hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko lang siya.

Nagpalit din kami at umuwi na pagkatapos. Kinaumagahan ay nagising ako sa masarap na amoy ng sinangag. Lumabas ako at nakita ko si Sky na nagluluto. Seryosong seryoso siya sa ginagawa niya kaya napangiti na lang ako habang tinititigan siya.

Lumapit ako sa kanya at nakitang wala pang kape kaya magtitimpla ako. Yun na lang ang gagawin ko. Kukunin ko sana yung baso pero nakaharang siya. “Sky yung baso” turo ko sa tasa na pagtitimplahan ko ng kape pero hindi niya ko pinansin. Nakaharang lang siya kaya naman pilit kong inabot yung baso. Ang lapit-lapit niya sakin at napansin kong mas lalo niya pang nilapit ang katawan niya. Konting konti na lang makukuha ko na.

Nagulat ako nang biglang humarap si Sky sakin. Di ako magalaw. Konting lapit na lang magdidikit na ang ilong namin. Tinignan niya lang ako at maya-maya’y nakapikit na umiwas siya sa akin. Bakit ganun yung reaksyon niya? Para siyang nagpipigil? Balak niya ba kong halikan kanina pero pinipigilan niya lang?

Di ko na lang pinansin ang kagagahang naiisip ko dahil alam kong pinapaasa ko lang ang sarili ko. Mabait na tao si Sky at alam kong gusto niya lang akong tulungang makalimutan ang sakit na dinulot nila sakin.

Kumain kami ng tahimik at hindi ko alam kung bakit anong oras na’y hindi pa rin pumapasok ang CEO namin.

“Sky, wala ka bang pasok?” tanong ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin.

“Sky!” tawag ko sa kanya at tinignan niya lang ako.

“Tssss. Bumalik nanaman sa pagiging masungit.” pabulong na sabi ko sa sarili ko at hinayaan na lang siya pero maya-maya’y sinagot niya rin ang tanong ko.

“ I won’t go there now. I canceled all the meetings and will just do some paper works here at home.” simpleng sabi niya at kumain na lang kami ng tahimik.

Habang naghuhugas ako ng pinggan ay nakita kong may inilabas siyang mga papel at inilagay sa office niya dito sa bahay. Hinayaan ko lang siya doon at pumunta na ng kwarto ko para maligo.

Inabot din ako ng ilang minuto at lumabas nang nakatwalya. Nagulat na lang ako nang makita ko si Sky na nakaboxers lang habang basa rin ang buhok na nakaupo sa kama ko.

Kinabahan ako ng todo. Bakit siya nandito? “Ahm.. S-sky ano. Anong ginagawa mo dito?” balu-baluktot na tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita na lalong nagpakaba sakin.

“S-sky ano kasi ahm.. magbibihis kasi a-ako.” uutal-utal na sabi ko sa kanya pero nakatingin lang siya sakin ng seryoso. Mas lalo akong kinabahan nang makita ko siyang tumayo at unti-unting lumapit sakin.

“S-sky anong ginagawa mo?” tanong ko at kinakabahan na talaga ako sa kanya. Bakit nakaboxers lang siya tas pumasok siya dito eh alam niyang maliligo ako.

“Let me ask you one thing Meeraya. DO you still love him?” seryosong tanong niya habang naglalakad palapit sakin. Feeling ko aatakihin na ko sa nangyayaring to.

“Meeraya answer me. Do you still love him?” mariin na sabi niya at inulit ang tanong kanina.

Hindi ako makapag-isip ng maayos sa kaba ko. “S-sino?” nahihirapang tanong ko.

Nang tuluyan na siyang makalapit ay isinandal niya ko sa pader. Hinawakan kong maigi ang twalyang nakapulupot sa akin. Sobrang lapit niya. Amoy na amoy ko siya. “That jerk. In America.” seryosong sabi niya habang nakatingin lang sa mata ko na parang may hinahanap siyang kung anuman dito.

Napalunok ako ng dalawang beses bago sumagot. “n-no. Not anymore, I -I guess” nahihirapang sagot ko which is true. Hindi ko rin alam kung bakit. Nalulungkot ako kapag naiisip ko sila pero hindi na ganun kasakit kapag iniisip ko yung dating kami ni Clark.

“Good” tanging sambit niya bago ako hinawakan sa pisngi at sinakop ang labi ko.

CHASEWhere stories live. Discover now