I didn’t know how long I was sleeping. Maybe a day or more. I’m already here in the Philippines. Sa bahay ni Sky. Naalala ko nanaman lahat lahat. Yung pag-alis ko na walang pasabi. Yung pagdating ko sa America na may mabigat na loob. Yung pagsunod ko nang palihim kay Ate Cheska. Yung natagpuan kong scenario na ikinakasal si Clark at Lianne. Para akong binabangungot. Nakakatang ina!
Hindi ko napansin na umiiyak nanaman ako habang nakaupo at nakasubsob ang ulo na nakayakap sa tuhod ko. Ganoon lang ang itsura ko nang may pumasok sa kwarto. Di ko kailangang tumingin pa dahil alam ko namang si Sky lang yan. Kami lang namang dalawa ang nandito.
“Meeraya come on let’s eat.” mahinahong sabi nya pero alam mo pa ring seryoso siya. Kahit walang gana’y tumayo ako. Masyado na akong nagiging pabigat kay Sky. Hindi dapat ako nandito lalo pa’t boss ko siya.
Nakita ko ang gulat sa mata niya nang naglakad ako palabas ng pinto. Akala siguro niya ay magpapabebe pa ako bago kumain.
Habang kumakain kami’y kinausap ko si Sky.
“Sky s-salamat sa pagtulong sakin ah? Sorry naabala pa kita. Tapos di na ko nakakapagtrabaho ng maayos.” nahihiyang saad ko sa kanya.
“It’s okay. Just give yourself a break. I already approved your leave. Use it to heal.” seryosong sabi niya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
“S-sky” mahinang sambit ko at tinignan niya lang ako. “Ahmm.. a-aalis na ko m-mamaya.” nahihirapang sabi ko.
“No.” madiin na sagot niya pero hindi ako nagpatalo. Masyado nang nakakahiya. “Sky uuwi na ko sa unit ko.” tinapangan ko ang boses ko pero nagulat ako nang bigla lang siyang nagdadabog na tumayo.
“No one’s going to leave this fucking house Meeraya.” Pinal na saad niya at dumiretso na sa kwarto niya. Hindi niya ko mapipigilan. Uuwi ako sa ayaw at sa gusto niya.
Nang malinis ko na lahat ng kalat sa kusina at sa kwarto ay nag-umpisa na akong mag-ayos ng gamit. Isinalansan ko lahat ng damit ko sa maletang bitbit ko. Ito pa rin yung maleta ko noong galing akong America. Nung.. nung akala ko okay pa. Nung nangako sakin si Cheska na siya ang bahala kay Clark
Nanggigilid nanaman ang luha sa mata ko pero pinigilan ko iyon at nangmadaling kunin lahat ng gamit ko. Palabas na ko ng kwarto nang mapansing di ko mabuksan yon. Sht! Did he just locked the door from outside?!
Kinalabog ko yung pinto. “ Sky please open the door!” sigaw ko para marinig niya pero wala akong nakuhang response. Hindi ako tumigil sa pagkalabog sa pinto hanggang sa mapagod ako pero hindi niya ko pinapansin. Damn that Fontanilla!
Bakit ba ganito ang kinahinatnan ng buhay ko?! Ano bang nagawa kong kasalanan at kahit kailan ay hindi man lang ako nagiging masaya? Ano na lang ang totoo sa buhay ko? Pucha!
Naiiiyak nanaman ako. Lagi na lang! Natigil ang pagdadrama ko nang pumasok si Sky sa kwartong to nakatingin siya sa maletang nakahanda sa gilid ng kama at seryosong inilipat ang tingin sakin.
“Sky please. Let me go.” mahinang sambit ko sa kanya.
“ No Meeraya. Cry all you want curse and throw the things that you first saw in this house. Make a mess. Turn this house upside down but I will never let you go. Not anymore.” Pinal na sabi niya na nag-iwan ng katanungan sa isip ko.
YOU ARE READING
CHASE
RomanceShe was hurt by the first man she ever loved. She gave everything that she can offer but was betrayed by her own family and friend. He found her when she was broken. She found hope when she met him, but she never knew that she will experience the wo...