CHAPTER 11

335 11 0
                                    

Ilang araw, linggo at buwan ang lumipas nang makausap ko si Sky at sinabi ang tungkol sa leave ko pero hindi man lang siya nagpapakita sa office o sa bahay niya. Nang minsa'y matanong ko siya sa secretary ay sinabi niya nasa ibang bansa daw ito. Hindi man lang siya nagsabi.

Sobra na akong kinakabahan kay Clark dahil malapit na talagang mag-expire ang Visa niya. Iyak lang ako ng iyak at galit na galit ako kay Sky. Alam niya kung gaano ako umiyak sa kanya pero bakit hindi niya man lang inapprovan yung leave ko.

Nang hindi na ako makapaghintay ay nagpack ako ng kaunting gamit at inayos ang ticket ko para pumunta sa America. Aalis ako kahit pa magalit si Sky at mawalan ako ng trabaho.

Madali lang akong nakapabook at kinabukasan ay lumipad ako papuntang America. Sobra akong kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit nanghihina yung tuhod ko nang makababa ako ng airport. Hindi ako tumawag kahit man lang kay Ate Cheska para sabihin to.

Palabas na sana ako ng airport nang makitang tumatawag sakin si Sky. Sinagot ko parin yun kahit alam kong pagagalitan niya ko.

"Meeraya where are you?" Mariin at seryosong tanong niya sakin.

"I just arrived here in America Sky. I'm sorry. I've been waiting for your approval but I can't wait any longer. Its been how many months!" naiiritang sabi ko.

"Okay, Meeraya please stay at the airport or just wait for me at the hotel I'm coming to fetch you please just s---." hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at nagmadali na akong pinatay ang tawag. Galit na galit ako sa ginagawa niya sakin. Masyado na siyang nangingialam sa buhay ko.

I was about to enter the house when I saw Ate Francheska with a gown. Nagmadali akong nagtago sa likod ng kotseng nakapark sa katabing bahay. Pumasok siya ng kotse niya at nagmadaling umalis.

CHASEWhere stories live. Discover now