Pag labas ko’y di makapaniwalang tinignan ako ni Sky. Nakasuot kasi ako ngayon ng longsleeve turtleneck at pants tas rubber shoes. Kung gaano ako kahubad kanina sobrang balot ko naman ngayon. Bago ko pa makita ang mukha niya’y tumalikod siya agad at nauna nang lumabas ng bahay.
Ewan ko sa’yo Fontanilla! Naiimbyerna ako sa’yo.
Dinala ako ni Sky sa mall. Nagulat nga ako dahil dito ko talaga balak pumunta.
“Anong gagawin natin dito Fontanilla?” nakairap na tanong ko kay Sky.
“Let’s go to the grocery store first.” simpleng saad niya. Hindi ko alam kung siya ba talaga ang naggro-grocery sa sarili niya. Wala pa kasi akong nakikitang katulong o body guard man lang niya. Napakayaman kaya nang isang to kaya pala ganon na lang kagalit nung naglabas ako ng cheke hahaha!
Pagkatapos naming maggrocery ay iniwan muna namin yun para makapaglibot-libot. Nagulat ako nang hatakin niya ko sa salon.
“ Do a make over. I will go back after two hours.” hindi na ko nagsalita pa nung sabihin yun ni Sky. Matagal na rin kasi nung huli kong ginawa to dahil mas nakukuha ng trabaho at pag-aalaga kay Clark ang oras ko. Si Lianne pa yata ang kasama ko nung huling pa-make over ko pinilit niya lang ako noon.
Napabuntong hininga na lang ako at di maiwasang di malungkot. Di ko napansing nakatulog ako. Pagkatapos kasi nilang gupitan at I-brazillian treatment ang buhok ko’y footspa, manicure at pedicure naman ang sunod. Nagising na lang ako nang kalabitin ako ni Sky.
“Meeraya you’re drooling.” sabi niya sa akin at mabilis pa sa alas kwatro na pinunasan ko ang gilid ng labi ko. Wala naman eh! Narinig ko ang munting tawanan ng mga babae at beki dito sa salon. Bwisit tong Fontanilla na to.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at nauna nang lumabas ng salon. Pero bago magsara ang glass door nila’y narinig ko pa ang sinabi niya.
“Sorry, my wife is having a PMS today.” at nagawa niya pang ngumiti sa kanila na ikinatili ng mga beki.
Inis na hinintay ko siya hanggang sa makalabas. “Hoy Fontanilla itigil-tigil mo ang pagngiti-ngiti mo dyan ha. Naiinis na ko.” hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis. Pero mas nabubuwisit ako dahil nakatingin yung mga babaeng dumadaan sa kanya.
Mas lalo niya lang akong inasar at tumawa pa siya. Sa inis ko’y tinakpan ko yung mukha niya gamit ang palad ko.
Ibang-iba si Sky ngayon. Napaka jolly niya. Ibang-iba sa Sky na nakilala ko noon.
Kung saan-saan kami pumunta. Kumain, naglaro sa arcade, bumili ng kung anu-anong makita niya. Pero nagulat ako nung hatakin niya ko palabas ng mall. Gabi na rin at wala nang liwanag. Nagulat ako ng pumunta kami sa isang spa. May sinabi si Sky sa isang babae at pagkatapos ay dinala kami sa isang maliit na kwarto. In-instruct nila kami na magbihis.
Pero ang kinagugulantang ko eh bakit iisang kwarto ang pagpapalitan namin ng damit ni Fontanilla?!
YOU ARE READING
CHASE
RomanceShe was hurt by the first man she ever loved. She gave everything that she can offer but was betrayed by her own family and friend. He found her when she was broken. She found hope when she met him, but she never knew that she will experience the wo...