Nasa harap kami ng kainan at walang humpay ang tawanan ng apat na lalaking kasama ko. Hindi ko alam pero parang matagal na panahon ko na silang nakasama. Napag-alaman ko rin na si Jake yung pinakamatangkad, si Travis yung lalaking sumigaw ng pangalan ko kanina at si Joash naman yung isa.
“Why don’t you say something Meeraya. You haven’t changed at all.” natatawang saad ni Joash. Nahihiwagaan ako sa kanila parang matagal na nila akong kilala kung makaasta sila.
“Huh? Teka nga bakit parang matagal nyo na akong kilala eh ngayon ko lang kayo nameet ah?” nagtatakang tanong ko. Bigla silang natigilan at sabay-sabay na tumingin sakin yung tatlo bago ilipat ang tingin nila kay Sky.
“ What the fuck, Luis? Don’t tell me she doesn’t remem--.” hindi na siya pinatapos magsalita ni Sky at ibinagsak ang kutsarang hawak niya na dahilan ng pagtunog nito dahil tumama sa babasaging pinggan.
“Shut up your fucking mouth now Vergara. One more word and I’ll make sure you can’t talk anymore.” galit na baling ni Sky kay Joash. Bigla na lang napalitan ng tensyon ang masayang kainan namin kanina. Walang ni isa man lang ang nagsalita kaya tumikhim na ako.
“Ahmm..Okay, you can just go to the living room. Ako na bahalang magligpit dito.” malambing na sabi ko kay Sky at sumunod naman siya sakin. Sabay-sabay silang pumunta sa sala pero napansin kong hinila ni Jake si Sky papuntang mini office niya dito sa bahay at sumunod naman ang dalawa. Hindi ko na lang sila pinansin at nagligpit na ng pinagkainan.
Natapos na ako sa paghuhugas ng pinggan at pagpunas ng lamesa nang mapansin kong hindi pa rin sila lumalabas sa office ni Sky. Pupunta na sana ako sa kwarto ko nang marinig ko ang sigaw ni Sky kaya unti-unti akong lumapit sa kinaroroonan nila.
“You can’t fucking tell her Travis! You know how much painful it is for me when she was away and doesn’t remember anything! I waited so long and now that she’s mine I’ll make sure that she will not go away anymore!” Malakas na sigaw ni Sky.
Pipihitin ko na sana ang door knob nang mapatigil ako sa sinabi ni Jake. Di ko alam ang gagawin ko. At katulad na lamang ng ginawa ko nitong mga nakaraang araw, naiyak na lang ako habang mariing nakahawak sa dibdib ko.
“You can’t hide the truth Luis! You can’t deprive her of knowing her past with you! With us! You can’t hide the truth that you raped her 8 years ago!”
YOU ARE READING
CHASE
RomanceShe was hurt by the first man she ever loved. She gave everything that she can offer but was betrayed by her own family and friend. He found her when she was broken. She found hope when she met him, but she never knew that she will experience the wo...