“Ano ba naman yan, Chase! Bumangon ka na nga diyan? Nanggigigil na ko sayo ha!” dinig kong sigaw sakin ni Ate Cheska.
“Francheska naman eh! Mamaya na antok na antok pa ko!” inis na saad ko sa kanya.
“Ah ganun ah.” narinig kong saad niya at maya-maya lang ay kinurot niya ako ng pino sa hita.
“PUTANG INA!” napabalikwas ako ng bangon at hinimas-himas ang hita ko. Sobrang pino ng pagkakakurot niya kaya sobrang sakit din ng nararamdaman ko.
“Ayan! Nagising ka rin! Bilisan mo at malelate ka na sa flight mo. Grabe tong gagang to. Di ka naman dating ganyan kung matulog. Haayyyss.” sabi niya at lumabas na ng pinto.
Okay na kami nila Ate Cheska, Lianne at Clark. Totoo ngang oras lang ang makakapagsabi kung kailan ka maghihilom. Nang umalis kasi ako noon sa bahay ni Luis ay dumiretso ako sa Hongkong para dun magtago. Ayokong umuwi kila mommy dahil alam kong mahahanap ako ni Luis doon. Well, alam ko namang kahit saan ako pumunta mahahanap at mahahanap ako ni Luis.
So yun nga, nagtago ako sa Hongkong ng mahigit dalawang taon. Siguro’y nandon pa ako hanggang ngayon kung hindi lang ako pinuntahan nila Mommy at Daddy. Inexplain nila sa akin lahat ng nangyari nung araw na kinidnap ako. Iyak ako ng iyak non at hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Hindi ko man lang inalam ang totoo. Nagpadala ako sa galit ko.
Ilang araw pag-alis nila Daddy noon si Ate Cheska naman ang nagpakita sakin.
Kabibihis ko lang nang may kumatok sa pinto. Pagbukas na pagbukas ko’y si Ate Cheska ang bumungad sa harap ko. Isasara ko na sana ang pinto nang bigla na lang niya itong tinulak at pumasok ng dire-diretso sa loob.
“Ang kapal din naman talaga ng mukha mo noh Francheska?” inis na saad ko sa kanya. Kahit wala na akong nararamdaman para kay Clark ay hindi pa rin mawawala sa isip at puso ko ang ginawa niya, nila sakin.
“Well, say whatever you wanna say pero hindi ako aalis hanggat di ko nasasabi ang side ko. It’s been years, Chase. Tama na sigurong time yun na ibinigay ko sa’yo.” mariing sabi niya sakin.
“Wala tayong pag-uusapan.” tatalikod na sana ako ng maramdaman ko ang pambabatok niya sakin which is lagi niyang ginagawa noon kapag binabastos ko siya o pinagtritripan.
“What the Fuck?!” malakas na sigaw ko habang matalim na nakatingin sa kanya.
“Huwag mo akong mamura mura diyan at hala sige ipagtimpla mo ako ng Juice napagod ako sa biyahe kaimbyerna ka.” relax na saad niya na para bang wala siyang kasalanan sa akin.
“Huwag mo kong mautos-utusan diyan at baka malason kita.” Inis na saad ko. Pumunta na ko sa kwarto ko pero sumunod siya at sinarado ang pinto habang naharang siya don.
“sa ayaw at sa gusto mo’y makikinig ka sa akin, Chase.” Pinal na sabi niya at kinwento ang nangyari.
Two days before daw ng kasal ay may pumunta daw sa bahay at hinahanap si Clark regarding sa papers niya. Masyado na daw kasi siyang nagtatagal. Eksakto namang dumating si Clark habang akay-akay ni Lianne dahil lasing nanaman daw ito. Ilang buwan na rin daw ang lumipas noon na si Lianne ang laging naghahatid kay Clark dahil madalas daw ito sa bar at ganon din si Lianne.
Nang maipasok ni Lianne si Clark sa kwarto ay wala na daw siyang ibang nasabi non kundi Fiance daw ni Clark si Lianne at malapit na silang ikasal kaya hindi pa naisipang umuwi ni Clark sa Pinas. Muntik pa daw siyang sakalin ni Lianne noon pero wala daw itong nagawa kundi makisabay na lang.
Sa ngayon ay may anak na sila Clark at Lianne. Isang cute na cute na babae. Katulad ni Lianne ay napakaarte din nito. Hindi daw nila inaasahang may mangyayari sa kanila dahil hindi naman daw nila balak na maging mag-asawa. Mga lasinggero’t lasinggera kasi kaya ayan.
Nang makita nila ako noo’y halos di magkandaugaga si Lianne sa pagsosorry sakin at umiiyak pa. Pati si Clark ay walang ibang ginawa kundi magsorry ng magsorry. Sumama kasi ako noon kay ate Cheska sa America. Isang taon na rin ako dito at uuwi na ako ng Pilipinas ngayon.
------------------------------
“ It’s good to be back!” I whispered to myself after arriving at the airport. Its been 3 years and everything still feels the same na para bang umalis lang ako ng dalawang araw. Nandito na naman tong nararamdaman ko. Ay mali. Nandito pa rin tong nararamdaman ko. Wala pa ring nagbago.I thought everything will change kapag umalis ako. Pero wala, ganon siguro talaga.
I sighed and naglakad palabas ng airport. Komportable akong naglalakad para pumara ng taxi. Alam kong walang nakakaalam ng pagbabalik ko at sinadya ko talaga yun.
I was about to get in the taxi nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa boses na yun. Boses na matagal ko nang gustong marinig pero pinipigilan ko. Boses na pagmamay-ari ng taong isa sa mga dahilan kung bakit ako umalis.
“ Welcome home, Baby. How’s your trip?” malamig na sabi niya.
Yea, it really feels like home, I said to myself pero hindi ko siya nilingon. Hindi dahil sa ayoko siyang makita pero dahil ayokong makita niya na wala pa rin akong pinagbago. Na siya pa rin hanggang ngayon. Ayokong humarap sa kanya dahil baka di ko mapigilan ang sarili ko at mayakap ko siya.
“ Salamat. Okay lang.” Sabi ko ng walang lingon at hinakbang ang paa ko papasok ng taxi.
“ Go on. Run away from me, but always remember that I am a Fontanilla. No one gets away from a Sky Luis Fontanilla.” He said but I still get inside the taxi at umalis palayo sa kinaroroonan niya.
“ I know, Sky. I know.” I said to myself at di ko na napigilang lumuha habang tinatahak ang daan pauwi.
Di pa rin siya nagbabago. Tulad ng nararamdaman ko di pa rin nagbabago. Alam ko na sa loob ng tatlong taon ay alam niya kung anong nangyayari sa buhay ko. Alam kong siya ang nagsabi kila Daddy at kay Ate Cheska kung nasaan ako. Alam ko yun dahil hindi ako tanga para isiping pinahanap ako ni Dad. Nag-iwan ako ng message kay mom noon na magbabakasyon ako at hindi ko sinabi kung saan. Nagalit siya pero hindi ako pinagbawalan basta ba’y ina-update ko siya. She could have just asked me kung nasaan ako pero hindi at nagulat na lang ako na nanjan na sila sa harap ng pintuan ko eh hindi ko nga sinabi kahit bansa man lang.
You really are something, Fontanilla.
YOU ARE READING
CHASE
RomanceShe was hurt by the first man she ever loved. She gave everything that she can offer but was betrayed by her own family and friend. He found her when she was broken. She found hope when she met him, but she never knew that she will experience the wo...