Nang may makita akong taxi ay agad ko yung pinara ngunit bago pa yun makarating sa harapan ko ay mabilis akong hinatak ng sira-ulong to.
Bigla akong inatake ng kaba ng pinasok niya ko sa sasakyan niya. Agad kong naamoy ang nakakaadik na lalaking pabango. Hayysstt! I really love the smell of their perfume. Kung hindi lang nila iisipin na nanggaling ako sa lalaki ay sisiguraduhin kong panglalaki ang gagamitin kong pabango.
Habang busy ako sa pagsinghot singhot ng pabango sa kotse niya’y napansin ko na lamang na nasa driver’s seat na siya.
“Teka! S-san mo ko d-dalhin?” bulol-bulol na tanong ko sa kanya.
“Are you seriously going to ride a taxi at this hour woman?” Seryosong tanong niya sa akin na kinagulat ko. Napansin ko lagi na lang siyang ‘are you seriously like this like that’ sa akin!
“Eh saan ako sasakay kung hindi sa taxi? Malamang yun lang naman ang available na sasakyan sa gantong oras!” pasigaw na sagot ko sa kanya.
“Where’s your car?” takang tanong niya habang nakaharap sakin.
“Wala akong sasakyan!” sagot ko na may halong inis.
“You’re willing to pay me with your money but you don’t even have a car for yourself? What the hell?” Sabi nanaman niya. Ano bang problema niya sa walang sasakyan? May taxi naman ah! Aanuhin ko naman ang sasakyan kung iiwan ko din naman dito.
“Ano bang pinuputok ng butsi mo? Bababa na ako. Kailangan ko na matulog!” Pasigaw na sabi ko sa kanya pero inilock niya na yung kotse at mabilis na pinaandar.
“Saan mo ba ako dadalhin ha? Uuwi na ako!” Pasigaw na sabi ko sa kanya pero di niya ko pinansin.
“Fasten your seatbelt woman!” Matigas na saad niya pero di ko siya sinunod. Humalukipkip lang ako habang nakatingin sa bintana.
Nagulat na lang ako nang ipinark niya sa gilid ng kalsada yung kotse at biglang lumapit sakin. Nanlaki ang mata ko nung palapit siya ng palapit hanggang sa napapikit nalang ako. Hindi ako makahinga dahil sa sobrang lapit niya. Mas lalo ko pang naamoy yung pabango niya at nagulat na ako nang may narinig akong nagclick.
“What?!” malamig na tanong niya nung tinitigan ko siya. Buwisit na lalaki to! Akala ko hahalikan niya ko! Teka bakit ako naiinis! Sht! Did I seriously think na hahalikan niya talaga akooooo? NOOOOOOOOO!
Buong biyahe na hindi ako nagsalita nakayuko lang ako dahil sobrang namumula yung mukha ko sa iniisip kong kagagahan kanina. Napansin kong huminto yung kotse kaya napalingon ako sa labas at nagulat ako nang makita ko yung unit ko.
Hindi ko naman sinabi yun sa…
“Are you living alone in this condo?” tanong niya sakin habang nakatingin sa labas.
“No. I’m living with my boyfriend” sagot ko at nakita kong umiba ang aura niya.
“You have a boyfriend but he didn’t even think of fetching you at this late hour?” Naiinis na tanong niya sakin. Nasaktan ako sa tanong niya at napansin kong nagseryoso siya.
Bababa na sana ako sa sasakyan niya pero nagulat ako nung yakapin niya ako. Kahit kailan ay hindi pa ako nayakap ng ibang lalaki bukod kay Clark, kay kuya and dad.
“W-wait..” magsasalita pa lang sana ako nang hindi niya na ko pinatapos.
“I can’t believe that jerk just treat you like you’re nothing.” Sabi niya at kumalas na. Lutang akong pumasok sa unit at di ko alam kung dahil ba yun sa yakap niya o sa katotohanang sinampal niya sa akin na parang wala ngang pake sa akin si Clark.
Pag pasok ko sa loob ng unit ay nagsiunahang pumatak ang luha ko dahil ang bumungad sa akin ay ang makalat na bote ng beer at chips. Sinilip ko si Clark sa kwarto at nandun siya malakas ang hilik na natutulog.
Pinulot ko yung mga bote at nagwalis ng kalat. I know na hindi lang siya ang uminom nito dahil sobrang dami ng boteng nakakalat. Alam kong nandito yung mga kaibigan niya kanina. Siguro nga tama si Lianne. Napakabobo ko nga pagdating sa kanya. Kasi kahat alam kong nasasaktan nako hindi ko pa rin siya kayang bitawan.
YOU ARE READING
CHASE
RomantizmShe was hurt by the first man she ever loved. She gave everything that she can offer but was betrayed by her own family and friend. He found her when she was broken. She found hope when she met him, but she never knew that she will experience the wo...