Sa susunod na araw na ang punta namin ni Clark sa America. Sobrang excited siya na kahit matagal pa kami aalis ay nakaempake na ang mga damit na dadalhin namin. Masaya akong makita siyang ganon.
Nasa trabaho ako ngayon at tinatapos ang mga urgent paper works na kakailanganin para mas mabawasan ang mga kailangan kong gawin. Kailangan kong tapusin to ngayong araw kaya’t nagpaalam ako kay Clark na mag o-overtime ako. Hindi na kasi ako papasok bukas para mas makapag-handa sa pag-alis namin at makapagpahinga naman kahit papano.
Habang busy ako sa pag-encode ay tinawag kaming lahat para sa meeting. Nang makapasok na ang lahat ng empleyado sa meeting room ay nagpasya nang magsalita ang Head ng department namin.
“Sa susunod na araw ay pupunta ang CEO dito para sa meeting. We will be having a welcome party for the new CEO of our company.” Nakinig ako ng maayos at hindi na nagsalita. Hindi din naman kasi ako makakaattend dahil sa susunod na araw din ang flight namin ni Clark. Napuno din ng bulong-bulongan ang paligid.
“The next CEO will be the only son of Mr. Fontanilla.” nang sabihin yun ng Head namin ay nagtilian ang mga kababaihan at mas naging maingay ang paligid. Okeeyyy! What’s happpening?
-----------------------------
Patapos na ko sa pag-eencode at kailangan ko na lang iprint ang ibang documents na natapos ko. Ang sakit na ng likod ko dahil kanina pa ko dito. Di ko napansin na mag aala-una na ng madaling-araw. Tinignan ko yung phone ko pero nanlumo lang ako dahil wala man lang text si Clark. Isinawalang bahala ko nalang yun at inisip na baka natutulog na siya.Habang naghihintay ay tinawagan ko sila mommy. Alam ko kasing hindi yun natutulog ng maaga.
“Mom, I missed you!” sabi ko sa kanya. “I miss you too baby bakit di ka man lang nakakaisip na bumisita sa amin? Nagtatampo na ang dad mo.”
“Mom naman alam niyo naman na sobrang dami kong trabahong tinatapos. Pag linggo naman nauuwi sa pagtulog ang oras ko.” dahilan ko sa kanya which is true.
“Hay naku ang sabihin mo di mo maiwan man lang si Clark. Naku kang bata ka daig mo pa ang may anak na sa nangyayari sayo. Wala ka man lang mailaan sa sarili mo. Puro na lang si Clark.” Sermon sa akin ni Mommy. Alam kong hindi malapit ang loob nila ni daddy kay Clark pero di nila ako pinagbabawalan.
“Mommy naman eh! Pupunta kami diyan sa susunod na araw. I already missed you ! bago kami pumunta kay ate Cheska sa America.” sabi ko kay mommy.
“Buti pa si Francheska nagagawa mong bisitahin. Samantalang kami mapa-Pinas man o America di mo man lang kami maalala.” Nagtatampong sagot sa akin ni mama. Nasa Taytay kasi sila Mommy ngayon may inaasikaso sa business namin. Bihira rin lang silang umuwi dito sa Pilipinas dahil nandiyan naman si Kuya para sa negosyo pero hindi ko man lang sila magawang bisitahin.
“Sorry mom. Marami lang talagang ginagawa sa trabaho.” sagot ko sa kanya.
“Ewan ko ba sayong bata ka. May business at kompanya naman tayo na pwede mong pagkaabalahan bakit mas gusto mo pang manilbihan sa ibang kompanya.” sabi ni mommy.
“Heto nanaman ba pag-uusapan natin mom? Lagi nalang ganito pinag-uusapan natin pag tumatawag ako sa’yo.” Nagtatampong sabi ko.
“Okay I’m sorry baby. Basta puntahan mo kami ha. Always take care of yourself. I missed you baby girl. I love you.”
“I love you too, mom. Say Hi to dad.” at pinatay ko na ang tawag.
Nang maiprint na lahat ng documents ay naglagay na lang ako ng note at iniwan yun sa table ko. Ipinaalam ko na sa kanila na iiwan ko na lang sa table yung mga documents na kailangan as soon as possible.
Palabas na ako sa building at ngumiti na lang ako sa guard. Nag-aabang na lang ako ng taxi nang may biglang nagsalita sa tabi ko. “I didn’t expect you to be this workaholic.” lumingon ako agad dahil natakot ako. Halerr anong oras na kaya madaling araw na at may biglang kakausap sa akin dito sa kalsada!
Nagulat ako nang makita ko si Pak Pak ! Yung lalaki sa Bakeshop! “What? Are you just seriously going to stare at me?” seryosong sabi niya. Kinikilabutan ako sa tono ng boses niya. Hirap na hirap akong maghanap ng tamang sagot kapag kinakausap nya ko. Sht! Think Chase! Think!
“Ahm…” diko alam kung anong sasabihin ko. Maya-maya’y narinig ko ang sarcastic niyang tawa. “Is that the only thing on your fucking vocabulary?!” Inis nanaman na tanong niya sa akin.
Teka! Ba’t ba kasi ako kinakausap neto. Naaasar ako sa kanya! At naasar ako sa sarili ko dahil di ko man lang masagot ng maaayos tong lalaking pak pak na to! Hmmmm!
YOU ARE READING
CHASE
RomanceShe was hurt by the first man she ever loved. She gave everything that she can offer but was betrayed by her own family and friend. He found her when she was broken. She found hope when she met him, but she never knew that she will experience the wo...