Mae's POV
*phone is ringing*
Nagising ako sa napakaingay kong phone. Tumingin lang ako sa phone ko at bumalik sana sa pagpikit.
*Phone is ringing*
Sino ba naman kasing gagang nambubulabog ng ganitong oras. It's still 6 am, yun ang nakita ko sa table clock ko. At para matahimik na ang phone ko sinagot ko nalang ang tumawag na walang iba kundi ang bestfriend kong si Jade.
"What?!"- I said right after I press the answer button.
"Hey! Wala man lang bang goodmorning jan? Goodmorning sissy." She said.
"My morning's not good."- mahinang sabi ko.
"Why?"- painosente niyang tanong.
" Inisturbo mo lang naman ang pagtulog ko." - sabi ko nang nakapikit na, I still want to sleep.
"Maaga na kaya, come here na" - sabi sa kabilang linya. Hindi siya excited di ba?
"Later, it's still 6 am. I still want to sleep."- i said at balak ko na talagang matulog ulit.
"NOOOOOO"- bigla niyang sigaw. Kaya nailayo ko ang phone ko sa tenga ko.
"Ano ba ang ingay mo."- I said.
"Come here na kasi sis"- she said with her sweet voice.
"No" - sagot ko
"Sige I'll be the one to go there nalang. I'm gonna prepare na" - bigla niyang sabi at naeexcite pa talaga siya kaya napabangon ako bigla.
"NOOOO" ako naman ang napasigaw kaya natutop ko ang bibig ko. "Maliligo na ako, ako na ang pupunta jan." Dagdag ko.
"Hahaha yun naman pala eh. You make me wait pa talaga. " - she said naisahan na naman ako.
"I'll be there at 8:00." - I said at pinutol ko na ang tawag para hindi na siya tututol pa.
Tumayo na ako at pumasok na sa banyo.
Nagtoothbrush muna ako bago naligo.
After ko maligo pumili na ako ng maisusuot ko.
T-shirt at shorts lang ang sinuot ko and i wear my sandals. Saktong lalabas na ako ng kwarto ng bumukas ito.
"goodmorning po, Handa na po ang agahan." Sabi agad ni ate Jane at pumasok siya upang ayusin ang kurtina. She is one of our maids.
"Sige po bababa napo ako." I said at kinuha ko na ang phone ko at sling bag. "Mauna na po ako ate." Dagdag ko.
"Sige po." Sagot niya at pinagpatuloy na ang kanyang ginagawa. Lumabas na rin ako ng kwarto at bumaba na ako.
Nang makarating na ako sa Dining area naabutan ko sina mom at dad na kumakain. They're both wearing formal suits, so sa company ang punta nila ngayon.
"Goodmorning mom, dad." I said and kiss their cheeks bago umupo sa upuan ko.
"Goodmorning din honey." Dad said. I just smile at kumuha na ng pancake at hotdog for my breakfast. Susubo na sana ako ng biglang nagsalita si mommy.
"May lakad ka ngayon?" She said.
"Yes po sana, kena jade lang naman po. I promise her last night na pupunta ako sa kanila." Sabi ko bago tinuloy ang pagsubo ng pagkain.
"Gumala na kayo kahapon ah at ginabi pa."- she said with her warning tone. Ganito naman palagi but this time I need to go kasi ayokong magtampo si jade.
"Ah kasi po naka-oo na ako eh na ako ang pupunta sa bahay nila." I said.
"Siya nalang ang pumunta rito." - she said with an angry tone. Ngayon lang kasi ako nagpumilit sa kanya. Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si daddy.

BINABASA MO ANG
We Were Once Everywhere
Teen FictionAng storyang ito ay tungkol sa isang babaeng nagngangalang Mae. Siya ay mapagmahal na anak, masunurin, at hamdang gawin lahat para mapasaya ang kaniyang mga mahal sa buhay. Ang pagboboyfriend ay ni minsan hindi sumagi sa kaniyang isip dahil nangako...