Chapter 10 : Alter-Ego

928 19 2
                                    

<papunta ng mall>

Min Ah's POV : 

Pabo Woohyun!! Ang bilis niya magmaneho!!! Ayoko pang mamatay noh!!! Mahal ko pa yung buhay ko! Bleh!! Nakakainis naman , nakakain ko yung buhok na pumupunta sa muka ko!! Nakakainis!

Woohyun's POV :

Naramdaman kong pahigpit ng pahigpit ang pagkakayakap sakin ni Min Ah. Confirmed , takot nga siya. Tinignan ko yung side mirror kung okay lang siya. Nakita kong naiirita siya sa buhok niya na napupunta sa muka niya. Ang cute niya kapag naiirita . Shet , kalimutan niyo na may sinabi ako about Min Ah being cute.....Tumigil ako sa pagmamaneho at tumabi sa isang sulok. Bumaba ako habang nakaupo parin siya. Tinignan niya ko , siguradong nagtataka siya kung bakit kami tumigil.

"Bakit ka tumigil? Tsaka bakit ka buma--"

"May pony at clip ka ba?" tanong ko sa kanya.

"M-meron....Bakit? San mo gagamitin? Wag mong sabihin na ikaw ang gagamit? Ipopony mo buhok mo?"

Duh , di ko kailangan niyan no , ikaw may kailangan niyan....Ano ba talaga nangyayari dito? Bangag lang? Alang magawa sa buhay?

"Pabo , hindi ko kailangan niyan."

"E-eh? Bakit mo kinukuha sa---"

"Wag nang maraming tanong...Ilabas mo na lang..."

"Heto......" inabot niya sakin yung clip at pony.

Lumapit ako sa kanya at ikinlip yung bangs niya. Nagulat siguro siya sa ginawa ko. Nakatingin siya sakin eh.

"Ganun ba talaga ako kagwapo para titigan mo ko ng ganyan?" pang-aasar ko sa kanya.

"H-huh? Eh? Anong sinabi mo?! Yah!" pshh...Hay nako , tulaley...Hindi alam yung sinabi ko....nagwapuhan nga sakin. Haha!

"Shhh! Talikod! Para matapos na at makaalis na tayo." sabi ko sa kanya. Tumalikod siya. Habang pinopony ko yung buhok niya , nakita ko yung muka niya sa side mirror na nakapout. Siya ba talaga si Min Ah? Alter ego niya yata ang kasama ko ngayon eh . Yung normal na Min Ah , fierce ,walang kinakatakutan , palaban , at may pagkatomboy . Samantala tong kasama ko ngayon , girly , duwag , totally a complete opposite.

"Ayan tapos na . Ayusin mo na yang muka mo , tama na ang kakapout mo dyan. Tsaka sa susunod ipony at clip mo yang buhok mo , mas maganda ka kapag nakikita ko ang muka mo."

"........" nanlaki ang mata naming dalawa . Damn , bakit ko ba sinabi yon? Narinig niya pa!! Ang cool at seryoso ng pagkakasabi ko , baka isipin niya na may gusto ako sa kanya!!!! Nooo!!!!!!! @#$%&*@#$%&* !!!!! Shet naman!!!!!!

"L-let's go..." sabi ko sa kanya.

Min Ah's POV : 

Bumaba siya tapos ikinlip at ipinony niya yung buhok ko. Hindi ko akalain na gagawin niya yon. Tapos sabi niya sakin , mas maganda raw ako kapag nakikita niya ang muka ko , ibig sabihin......nagagandahan siya sakin? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit naging masaya ako nung sinabihan niya ko ng maganda? W-wait!! Ano ba tong iniisip ko?! This is nonsense....ano namang pakialam ko kung sabihan niya ko ng ganun? But still , hindi ko talaga inakala yung ginawa niya....maybe I was wrong......maybe he wasn't a spoiled brat afterall......

<Fastforward....>

"Yah , nandito na tayo....." sabi ni Woohyun.

<bumaba ang dalawa>

"San tayo susunod na pupunta?" tanong ni Woohyun.

"Hmmm....Gusto ko munang pumunta sa isang bookstore..." sabi ni Min Ah.

(Bookstore? Kakaiba talaga tong babaing to....Normally , pag pupunta ang isang babae sa isang mall , didiretso kaagad yan sa mga fashion store...kakaiba ka talaga Kim Min Ah ------>> Woohyun)

<pagkadating ng dalawa sa bookstore>

"Hmm....."

"Anong libro ba ang hinahanap mo?" tanong ni Woohyun

"Libro about Asian History.....tsaka recipe book/cooking book....." sabi ni Min Ah habang naghahanap ng libro.

"A-asian history at r-recipe book?!" hindi makapaniwala si Woohyun.

"Yep.....may problema ba?" tanong ni Min Ah.

"Wala....."

Min Ah's POV : 

Nandito kami sa isang bookstore ngayon . How unusual of Woohyun. Hindi siya nagrereklamo at hindi siya masyadong madaldal..

"Anong libro ba ang hinahanap mo?" tanong niya sakin.

"Libro about Asian History.....tsaka recipe book....." sabi ko sa kanya.

"A-asian history at r-recipe book?!" sabi niya sakin . What? May masama ba sa sinabi ko? Hindi siguro siya makapaniwala na mahilig akong magbasa ng mga ganitong libro.....tsaka isa pa , gusto kong matutong magluto......wala namang masama sa ginagawa ko di ba? =)

Pumunta ako sa counter para bayaran ang mga libro na napili ko. 

Pero pumunta sa harapan ko si Woohyun , at kinuha niya yung mga libro na hawak ko...Hala?! Anong ginagawa niya? Anong problema nito?!

"I'm gonna pay for it" sabi niya sakin.O__o Ano daw? Siya magbabayad? Ang weird niya ngayon.......ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman ganito ang trato niya sakin noong mga nakaraang araw....

--------------------------------------------------------------- 

Samantala....

"Aish! Ano pa bang dapat malaman ni Eomma , eh magkasundo naman sila?" bulong ni Sunggyu. Kanina niya pa sinusundan sila Min Ah.

---------------------------------------------------------------

=======================================================

 Ayyiieee~! Nagsisimula nang madevelop ang feelings ng isa dyan~! Hahahahahah xD Anyway , THANKS SA MGA BUMABASA! (kung meron man.....^^) 감사합니다! 정말 너무 사랑해! 내 이야기를 읽고 계속하십시오!

Translation : Thank you very much! I love you so much! Please continue reading my story!

Babyeee~ See you in the next 4 days~! <3 <3 <3 <3 

'Annoying' Angel meets the 'Spoiled Brat' DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon