Chapter 12

156 8 0
                                    


Nandito ako ngayon sa kwarto ni Daven. Galing na dito ang nurse ng resort kanina at may kung ano siyang ginawa sa lalaking nakahiga ngayon sa kama. Tulog na tulog ito. Pagkatapos niyang mawalan ng malay kanina ay agad namang lumapit sa amin ang mga staffs sa resort. Binuhat nila si Daven papunta sa kwarto at pinapunta naman ni Karl ang nurse upang tignan ito. Nang matapos 'yon ay umalis na ito at maging si Karl dahil nga may aasikasuhin daw siya sa bahay nila ngunit sinigurado naman niyang babalik siya mamayang gabi para i tour kami. Nakaupo ako malapit sa kama at nagbabantay lamang. Magaalas-kwatro na. Mahigit tatlong oras na itong tulog. Inilapat ko ang likod ng aking palad sa noo niya, medyo mainit pa rin ito subalit hindi na kagaya ng kanina na halos mapaso ka sa init. Tumayo ako at lumapit sa table na may mga nakalagay na gamit na iniwan ng nurse. Kinuha ko ang bimpo na naroon at maging na rin ang bowl na maliit. Kinuha ko naman ang cellphone ko para tawagan si Kyla.

"Hey." Panimula ko.

"Hey, how is he?" Tanong nito na bakas ang pag aalala.

"Hindi pa okay pero mas mabuti naman na sa kanina. May I ask if malapit kayo sa counter? Or kung may malapit na staff diyan?"

"Yes, meron naman. Why? May problem ba?"

"Wala naman, I'm just wondering if I can ask for some ice? Pakidala nalang dito sana sa 206. Kung ayos lang at kung may available. Magbabayad nalang ako ng service."

"Oh sure. Ako na magbabayad. Hintayin mo nalang diyan."

"Yes, salamat."

"No worries, and do you want something to eat? Hindi mo naman ata natapos ang pagkain mo kanina girl. Anong oras na rin oh?"

"I'll just eat later. Thank you sa concern haha. Masyado mo naman akong mahal. Hindi tayo talo ah!"

"Gaga! Ayoko lang na mamayat ka at baka mamatay ka bigla diyan. Konsensya ko pa. Siya sige, tawag ka nalang ulit if may kailangan kayo."

"Sige, salamat ulit!" Pasalamat ko bago mamatay ang tawag. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang hinihintay kong ice. Kinuha ko agad 'yon at nagpasalamat. Inilagay ko 'yon sa bowl na iniwan ng nurse at nagtungo sa banyo para lagyan ng tubig. Pagkatapos noon ay muli akong bumalik sa upuan ko kanina na katabi ng kama. Ipinatong ko ang bowl sa side table. Isinawsaw ko roon ang bimpong puti at piniga nang matapos. Ibinaba ko ng bahagya ang kumot na bumabalot sa kanyang katawan at inabot ang braso nito. Nagsimula kong punasan ang kamay nito at iba pang parte ng katawan. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko pero ganito kasi ang ginagawa sa akin ni mama kapag inaapoy ako ng lagnat. Pinapahiran ako ng malamig na bimpo para raw matanggal ang init ng katawan. Patuloy lamang ako sa ginagawa ko. Kitang-kita ko ang mga munting pula na tila tuldok tuldok na nagsilabasan sa balat nito kanina. Ang leeg nito ay grabe rin ang pamumula. Sabi ng nurse kanina ay allergies daw kaya nagkaganoon. Marahil ay may nakain na bawal at mabilis na nagreact ang katawan nito kaya agad na inapoy ng lagnat. Pati ang mga binti nito ay pinunasan ko. Nang matapos ay isinawsaw ko ulit ang bimpo sa tubig na may yelo at piniga ito. Pagkatapos ay itinupi ko ito na parang pa rectangle at ipinatong sa kanyang noo. Tumayo ako at dumiretso sa couch. Humiga ako roon. Binuksan ko ang cellphone ko at nag browse muna ng pwedeng panoorin sa netflix. Wala akong magawa at wala pa naman ako sa mood na magtrabaho gayong may binabantayan ako. I clicked the lion king as soon as it is displayed among the suggested movies. Bata mang isipin ngunit mahilig ako sa mga ganito. I also love disney princesses. Hindi ko alam, pero minsan ay mas marami pang aral ang pwedeng makuha sa mga ganitong palabas kaysa sa mga adult movies na walang ibang content kundi ang mag agawan ng asawa, mag trayduran. Also, with these kind of movies, mas nagiging creative ang isip ko. I am always amaze on how the producers are able to pull off such uplifting and motivational contents. Nanood lamang ako at hindi ko na namalayan na nakatulog ako. Nagising ako nang may kumuha ng cellphone na nasa mukha ko pala. Pagkaalis noon ay bumungad sa akin ang mukha ni Daven kaya napabagon agad ako.

"Hey. Ayos ka na ba?" Nag aalalang tanong ko at itinaas ang kamay ko para salatin siya. Hindi na ito mainit.

"Yes. You should not sleep with phone on your face. That's too much radiation." Sagot niya ng nakangiti. Umupo ito sa tabi ko at inabot sa akin ang cellphone ko.

"Sure kang okay ka na?"

"Yes pft. Are you worried?" Tanong niya habang nakatingin ng diretso sa akin at nakangiti.

"Yeah, a bit." Tumawa ito at kinuha ang kamay ko tyaka tumayo. Hinihila ako nito papuntang pinto.

"Where are we going? Magpahinga ka muna! Baka mapano ka niyan." Sabi ko at pilit din siyang hinihila papunta sa kama.

"No, okay na ako. Let's roam around."

"Hindi muna. Magpahinga ka muna."

"Okay na nga a—"

[phone ringing]

Kukunin ko na dapat ang nakalapag kong cellphone nang naunahan niya ako. Ipinakita niya saglit sa akin kung sino ang tumatawag. It's Karl. Sinagot niya iyon at ini loud speaker.

"Ellie." Pagtawag ni Karl ay agad akong lumapit kay Daven at kinuha ang cellphone ko. Umupo naman ito nang prente sa couch habang nakikinig sa usapan namin ni Karl.

"Hey. San ka na?"

"I just touched down White Haven. Okay na ba ang kasama mo? I was wondering if makakasama kayo sa tour."

"Oo sige, okay naman na d—" naputol ang pagsasalita ko ng makita kong tumayo si Daven at mabilis na nagpunta sa cr. Maya maya ay nakarinig ako ng parang sumusuka at nasundan pa ng malakas na tunog na tila may nabagsak.

"Ellie?"

"Hey sorry—"

"Aghhhh! I'm dying!" Malakas na rinig ko mula sa cr habang patuloy ang tunog na parang sumusuka. Nagpaalam agad ako kay Karl at nag sorry at mabilis na pumunta sa cr.

"Hey! Okay ka lang—what the hell?"Buong nerbyos kong tanong sa una at nang makita ko siyang nakatayo ng matuwid at nakangiti ay gusto ko na sanang manapak.

"Sino ang nagsusuka?! Ano yung nabagsak?!"

"Wala, pft. Meron ba? Wala naman akong narinig." Ani nito at tumawa nang tumawa. Inirapan ko ito at iniangat ulit ang cellphone ko para tawagan si Karl.

"What are you doing?"

"I'll call Karl. Inaaya niya tayo sa tour. Hindi ako pumayag kanina kasi akala ko mamamatay ka na. Pasigaw sigaw ka—"Naputol nanaman ang sinasabi ko dahil narinig ko nanaman ang tunog ng taong sumusuka. Nakaharap ito sa sink. Nang silipin ko ay wala namang suka. Napaka mapagpanggap. Binuksan nito ang faucet at naghilamos pa ng bibig at mukha. Pagkatapos ay nilagpasan ako nito palabas ng banyo at dumiretso ng higa sa kama. Sinundan ko lamang ito ng tingin.

"Let's stay here." Sabi niya. Ready na akong bungangaan siya nang magsalita ulit 'to.

"Sabi mo I should stay in bed. Sabi mo magpahinga ako. Sabi mo baka kung ano pa ang mangyari sa akin. I should stay here and you should take care of me." Mabilis niyang sabi at komportableng nahiga habang nakangiti pa.

"What are you saying?"

"I'm saying that we're not going." Ngiting-ngiti nitong sabi at hinila ako palapit sa kanya.

Tngna, mas malala na ito sa allergy.

Red RoomWhere stories live. Discover now