Ellie's.I'm here at the company. Nandito ako ngayon sa workroom A kasama ang team ko. They're all girls since occupied na lahat ng lalaki at ang iba naman ay kinuha ni Daven. I honestly want to work with guys more than girls lalo na kapag rush ang project. Bukod sa creative ang mga 'to mag- isip, less complaints pa at mas mabilis ang progress. Kaya naman I am hundred percent sure that Daven and his team will be able to rock that project. His team members are already outstanding and with a persevering leadership? They will be able to pull that project off without any shadow of doubt. Considering the fact na si Daven pa ang head nila, I, too, as a colleague is excited to catch sight of their output. I took a quick glance at the workroom beside ours. I can clearly see through it since the workrooms are only separated by glass. Sa dulong upuan ay naroon si Daven. Tag tatlong miyembro naman ang nasa gilid nito. Lahat sila ay nakaharap sa kani-kanilang laptop maging si Daven. Nakita kong bumuka ang bibig nito ngunit syempre, hindi ko ito naririnig. Sa bawat pagbuka ng labi nito ay siya ring pagtawa ng mga kasamahan niya. I wonder what they are talking about.
"Baka matunaw 'yan Ellie, pft." Wika ni Izzy na kakapasok lang sa room namin.
"What?" Pagmamaang maamgan ko at ibinaba ang tingin sa laptop na nasa harap ko. Narinig ko naman ang mahihinang bungisngis ng mga kasamahan ko. Nakakahiya.
"Pwede mo naman kasing puntahan girl! HAHA" dagdag pa nito sa pang aasar kaya inirapan ko siya.
"Why are you here by the way?"
"I'm just here to check on you guys bago ako pumunta sa kabila. How's your team?" Tanong nito habang isa-isang nilalapitan ang mga kasamahan ko na abala sa kanya-kanyang mga ginagawa.
"They're good. Hindi naman ito ang unang beses na magkakasama kami." Simpleng sagot ko, tumango naman siya.
"We've already discussed the division of tasks. Ellie planned everything and all we have to do is to accomplish every assignment and I bet we can even finish the project before deadline." Sagot ni Pat, isa naming writer. Nginitian ko siya at gano'n din naman siya. Panay ang tango ni Izzy at nag thu-thumbs up pa.
"Good then, I'll check the boys— or do you want to do it? Pft" baling sa akin ni Izzy. Agad naman akong umiling. Ito talaga, walang pinipili ang pang aasar. Baka kung anong isipin ng mga katrabaho ko. Lumabas ito at mula pa rin dito sa upuan ko ay nakita ko ang pagpasok ni Izzy sa workroom B. Sinalubong naman siya ng mga ngiti at halakhak ng mga lalaki. Bumuka ang bibig ni Izzy na parang may itinatanong. Marahil ay kapareho 'yon ng tanong niya sa amin kanina. Isa isa namang sumagot ang mga tao sa kabilang kwarto. Maya- maya ay tumayo si Daven at nagtungo sa board na nasa likod niya. May sinabi ito sa mga kasama at saka tumalikod. Nagsulat ito sa board ng pangalan— at babae 'yon. Kada sulat nito ng pangalan ay lumilingon ito sa likod at nakita ko naman ang pagtugon ng kanyang mga kasamahan. Si Izzy naman na nakaupo rin sa isa sa mga upuan ay tumatawa at pumapalakpak pa habang nakatuon ang pansin kay Daven na tila nagpapanggap na teacher. Tinignan ko ang mga pangalan na nasa board. Anim ito.
[Alyssa- Sophia- Francine- Chesca- Kristine- Trixia]
Sino naman kaya itong mga 'to? Huminto ito saglit sa pagsusulat at muling hinarap ang mga kagrupo. Tumatawa silang lahat at ang iba pa ay nakataas ang kamay na tila nag che-cheer. Ganoon din si Izzy. Tumalikod ito ulit. Sa taas ng anim na naunang pangalan ay nagsimula itong magsulat. Ngayon ay mas malaki ito kaysa sa mga nauna at tila naka Bold pa. Nakatingin lamang ako ng diretso hanggang sa matapos ang isinusulat nito.
𝗘 𝗟 𝗟 𝗜 𝗘.
Ellie? Is that me? Ako ba 'yon? Pangalan ko ba 'yon? Mula sa kabilang kwarto ay sabay sabay silang nagbaling ng tingin sa akin habang malalapad ang ngiti. Si Izzy ay parang mamamatay na sa kakatawa. Sinulyapan ko si Daven at agad naman ako nitong nginitian— at kinindatan.
Okay? Anong meron?
YOU ARE READING
Red Room
RomanceEllie is a twenty-three year old writer who struggles to look for a fascinating subject to work upon. With luck on her side, faith allowed her to meet a bar owner which happens to be skilled in the field of writing. Both have different outlooks in l...