Chapter 15

129 7 0
                                    


Pakanta-kanta pa si Daven nang pumasok siya sa kotse. Ngiting-ngiti ito at binuksan na ang makina tyaka nagsimula mag drive. Dumungaw lamang ako sa bintana. My eyes are getting heavy. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit wala naman akong masyadong ginawa. Sinulyapan ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. It's almost nine at nasa labas pa kami. Malapit nang matapos ang araw at wala manlang akong naikot sa resort. How am I going to pull of an article then? Sige isipin mo Ellie. Tahimik lamang akong nakatanaw sa malayo at kitang-kita ang mga ilaw ng sasakyan nang biglang naramdaman kong idinikit ni Daven ang likod ng palad nito sa noo ko. Muntik pa akong mapatalon sa gulat kung hindi lamang ako nakaupo. Nilingon ko naman ito.

"Why?" I asked out of confusion.

"Hindi ka naman mainit. You okay?" Tugon nito gamit ang maamong boses. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa daan.

"Yeah, why?" Tanong ko pabalik at umayos ng upo. Ngayon ay nakadiretso ang tingin ko sa daan.

"You seems to be in bad mood."

"Nah. Why would I be?"

"Wala naman. Hindi ka umiimik e."

"I'm just tired."

"Baka mag sakit ka?"

"Wala, pagod lang pft." Tawa ko ng konti para hindi ito mag alala. Ngumiti naman ito sa akin at itinuon ulit ang pansin sa pagmamaneho.

"You should sleep first. Gigisingin nalang kita pagkarating natin."

"Hindi na. Baka hindi pa ako makatulog mamaya kapag nakatulog ako ngayon."

"Then I'll be the sixth member of one direction pft." Tatawa tawa nitong sagot.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

"I will stay UP ALL NIGHT with you HAHAHAHAHA" Banat nito at kinanta pa ang kanta ng one direction na may pamagat na up all night.

"Alam mo, ikaw yung writer na weird. Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng lakas ng loob at tapang ng hiya para magjoke ng ganyan." Pagsusungit ko at ibinaling ulit ang tingin sa bintana. Corny. Napaka lakas pa ng tawa nito na tila proud na proud sa joke niya. Buti ay nagagawa niyang pasayahin ang sarili niya. Natigil siya sa pagtawa nang may mag ring. Iba ang ringtone nito kaya alam kong hindi sa akin.

"Cassandra." Malakas na bigkas nito at may patawa pa. Nilingon ko naman ito ulit.

"'yan ba yung estudyante kanina?" Tanong ko. Tumango lamang ito habang nakadikit ang phone sa kanyang tenga at ang isang kamay ay nasa manubela.

"Nasend mo na? Okay thank you so much. That means so much to me." Sagot nito sa kausap at masayang masaya pa ang mata.

"—yes. Yeah haha, malayo pa but we're on our way to the resort." Sabi pa nito. Nakatingin lamang ako rito habang katawagan niya ang estudyante na kanina ay masayang masaya niyang kausap.

"Check ko nalang mamaya 'yong email mo. Yes. Yeah, haha. What? That's impo—" muntik na akong matawa nang nahulog ang phone nito. Mag iiwas na sana ako ng tingin nang magsalita ito.

"Hey, hmm can you fetch my phone for me?" Malambing na pakiusap nito.

"Bakit ko naman aabutin?"

"Cause I can't do it. I'm driving." Pagdadahilan nito.

"Masakit ang likod ko, I'm tired. Hindi ako makakayuko para abutin. Masyadong malayo." Nilingon ko ang phone niya na nasa baba, on call pa rin.

"Okay I'll pull over then." Itatabi niya na sana ang sasakyan nang pigilan ko ito.

"Why?"

"It's already nine. Keep driving."

"I'll be quick."

"Bawal may katawagan habang nagdadrive! That's a violation!"

"Since when?"

"Bakit ba ang dami mong tanong ha? Hayaan mo na yang cellphone mo diyan, mamamatay din yan." cold kong sabi at tumalikod na. Isinandal ko ang ulo ko sa bintana. Narinig ko pa itong tumawa.

I'm really tired.

Red RoomWhere stories live. Discover now