Chapter 13

152 8 0
                                    

Nakahiga kami ngayon at pinapanood sa cellphone ko ang the lion king na hindi ko natapos kanina. Siya ang may hawak nito at ako naman ay syempre— walang hirap na nakahiga. Nang matapos ang movie ay ibinalik sa akin nito ang cellphone ko. Walang nagabalang gumalaw sa aming dalawa. Nakatingin lamang kami sa kisame nitong kwarto niya habang nakahiga pa rin.

"Why do you think you're lost?" Tanong niya nang hindi ibinabaling ang tingin sa akin. Tumingin ulit ako sa taas at malalim na nag isip. Bakit nga ba ako nagkakaganito?

"I don't know." I answered briefly.

"Maybe you're pressuring yourself too much."

"Hmm?"

"Maybe you're going beyond the word 'enough'."

"I have to."

"No, you don't. It's not wrong to play safe sometimes. 'Wag kang masyadong malikot. 'Wag ka na munang masyadong mag explore. Baka sa dinami-rami mong pinupuntahan, maligaw ka." Here he goes again with his metaphors.

"You know, I really admire you. I am always amaze by your words. Masyadong malalim."

"Really? My previous girlfriend had problems with that. She told me that girls doesn't want guys to act this way. She also mentioned that you, girls, doesn't want someone who keeps beating around the bush." Sabi niya at humarap sa akin. Naka side siya ngayon ng higa kaya ganoon din ang ginawa ko nang sa gayon ay magkaharap kami.

"Talaga? Sa akin naman ay walang problema 'yang ganyan. I actually find it smart. Napakasarap pakinggan ng lalaking matalino magsalita."

"Masarap ba akong pakinggan? Pft." Ngiting ngiti pa ang loko. Ang gwapo lol.

"Why? Matalino ka bang magsalita?"

"Of course! You said it yourself." Mayabang na sabi nito.

"Ang taas din ng tingin mo sa sarili mo no?" Pang aasar ko.

"Of course. I have a question."

"Ano 'yon?"

"Why did you take good care of me?"

"Is that even a question? Of course! Why wouldn't I? Ako ang nagdala sa'yo rito. Natural sagot kita."

"Is that all? Weren't you nervous when I passed out?"

"A bit, of course."

"Don't they have nurse here?"

"Syempre, meron. Siya nga ang nagdala ng mga bimpo na 'yon." Sabi ko at turo sa bimpo na nakapatong sa lamesa sa likod niya.

"Then why did you bother? Pwede namang siya ang mag alaga sa'kin." Nakangiti niyang tanong.

"Sagot nga kita."

"Sus."Ani nito at tatawa tawa.

"Ano bang gusto mong palabasin ah?" Tumigil naman ito sa pagtawa at naging seryoso.

"Are you the type of person who has the possibility of getting back together with an ex?" Tanong nito habang hindi mapakali ang mata. This time, ako naman ang tumawa. I know where this conversation's going.

"Tinatanong mo ba kung balak kong makipag balikan kay Karl? Pft."

"No! Syempre hindi. Hindi naman ganon. I just asked a general question, yours was so specific." Pagdedepensa nito sa sarili habang iiling iling pa.

"To answer your question then, why not? I'm closing no doors nor windows Daven. Kung babalik at magwowork? Why not?" Seryoso kong sagot at tinignan siya. Nakita kong napapikit ito.

"As a writer, of course you already had lots of featured stories. Was there a time that you covered stories which proves that love at first sight is real? Or kahit like at first sight?" Seryosong tanong nito habang nakapikit pa rin. Hindi ko alam pero hindi preskong tignan ang mukha nito ngayon. Bahagyang nakakunot ang noo nito. Nakatitig lamang ako sa kanya. Hindi naman ako kawalang alam para hindi malaman kung saan papunta ang mga tanong niya.

"Do you like me Daven?" I ask with all the remaining drops of courage that I have.

"Is that wrong?pft." Bumungisngis ito at idinilat ang mata. Muli ay humarap ito sa akin.

"You just met me."

"And?"

"It's impossible to like someone at first meet."

"It's already our third." Mariin niyang sabi habang titig na titig pa rin sa akin at ganoon din naman ako sa kanya.

"Kahit na. Mabilis pa rin 'yon."

"Does the duration really matters?"

"M-maybe. I'm a wreck Daven." Pagkasabi ko nito ay bumangon siya. Inabot niya ang kamay ko at hinila ako para mapaupo sa kama.

"I might not like you a lot yet, but I'm certain that you really piqued my interest. You don't have to worry for what I feel. I won't burden you with mine. Just mind what you do, live and act the way you used to. I don't mind." Ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam kung anong meron sa sinabi niya pero napangiti rin ako.

"And also, if you're a wreck, then I'll be a ball pft." Tumatawa ito habang nakatalikod sa akin at papuntang pinto.

"What?" Confused kong tanong. Ang nakangiti kong labi kanina ay nawala nang narinig ko ang sumunod na linya.

"I came in like a wrecking ballll!" Tatawa tawa nitong kanta at lumabas ng kwarto.

Is that suppose to be a joke?

Red RoomWhere stories live. Discover now