Chapter 14

153 6 0
                                    


"Kfc?" Tanong nito habang nasa sasakyan kaming dalawa. Umalis kami para mag drive through nalang sana pero hindi ko alam sa isang 'to kung bakit gustong kumain sa loob. Ito lang ang malapit-lapit na fast food sa resort. Ang mall ay sobrang layo. Ayaw niya kasing kumain sa resort dahil nga sa nangyari kanina. Baka may makain nanaman itong bawal at sumpungin nanaman ng kanyang allergy.

"Yeah, okay na diyan." Pagkasabi ko noon ay ipinark na nito ang sasakyan. Nauna naman siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Pagpasok namin sa loob ay humanap na kami ng table at umorder na siya. Kumakain lang kami pareho nang may lumapit sa amin na isang babaeng staff na mukhang bata pang tignan.

"Hi/ hello! Good evening Ma'am/Sir!"

"Hi, haha." Bati ko pabalik.

"I'm Cassandra po, a working student. Do you mind if I ask you a few questions as a couple?"

"Hi, uh I don't really mind pero we're not a couple, sorry." Sagot ko agad at tinap pa ang kanyang kamay ng marahan.

"Oh, I thought you two are. I'm sorry if I disturbed yo—"

"What are the questions about?" Tanong ni Daven kaya napatingin ako rito.

"Just about relationships po. I'm in my last year in college and I am conducting an individual research po. Pasensya na po talaga sa abala." Ani nito at yumuko ba ng bahagya. Paalis na ito nang magsalita ulit ang lalaki sa harap ko.

"It's okay, we'll answer your questions." Bibong sagot nito kaya napakunot ang noo ko. Feeling ba nito mag jowa kami? Tingin ba niya kaya naming sagutin ang mga tanong na ihahain ng estudyanteng ito?

"Daven."

"We both experienced being in a relationship. Kung hindi man natin masasagutan ang lahat ay siguro naman kahit papaano ay maiaambag tayo." Paliwanag nito. Ngumiti sa kanya ang babae at kumuha ng upuan sa kabilang table at inilabas ang parang mini notebook mula sa bulsa niya.

"Whenever you're ready, miss." Ani ni Daven nang nakangiti at nakatingin lamang sa babae.

"What are the things that turn you on po? Yung mga bagay na nakaka attract sa taong gusto niyo?" Pambungad na tanong niya. Umayos ako ng upo at naghanda sumagot. This is way easier than I expected.

"Intelligence. I admire smart people. I don't know why but I really find it attractive since rare ang mga lalaking mahusay pagdating sa utakan. Also, I find it cute and useful when you enjoy his company and at the same time, may natututuhan ka sa kanya." Sagot ko nang mabilis. Nakita ko naman siyang mabilis na nagsusulat sa papel. Napakasipag. She should've used a recorder instead.

"How about you po sir?"

"Innocence, Independence, Transparency and Maturity. Innocent in a way na she's still a working progress. I'm not really a fan of intellectual people just like what she said. I still prefer those who still lack so I will be able to fill her up. Gusto ko pa rin na may contribution ako, pft. Independence also comes with maturity. Sino ba ang may gusto na sobrang dependent ng tao? Of course when a person is mature, then she's most likely to be transparent. I hate secretive person the most." Pagkatapos nitong sumagot ay nakipagngitian nanaman sa babae. Dude, 'yang kaharap mo ay estudyante lol.

"Nice answer sir." Wika nito at ngumiti. Ilang tanong pa ang tinanong nito at sa huli ay hindi ko alam kung para saan pero may pa fast talk pa siyang nalalaman. Ani niya ay mauna na akong sumagot. Nakatingin lamang ako sa katapat kong lalaki na kalalabas lang cellphone at nakangiti.

"Okay ma'am. Choose one lang po without any explanation."

"Sure, sige." Sagot ko naman.

"Sweet or Fair?"

"—sweet."

"Breakfast or Dinner dates?"

"—breakfast."

"Flowers or letters?" Sa tanong niyang 'yon ay medyo bumagal ang pagsagot ko. I like flowers but I also love letters. Tinignan ko si Daven na nakatingin din sa akin ng seryoso tila naghihintay ng sagot habang hawak hawak pa rin ang cellphone niya.

"Bawal ba both?" Tanong ko at nilingon siya.

"Bawal po, Ma'am." I sighed.

"Flowers." 'yon na lamang ang sinagot ko tutal hindi naman na rin uso ang mga sulat sulat o ano pa mang akda.

"Clingy or possessive?"

"Being clingy is a sign of being possessive."

"Dancer or singer?"

"Dancer"

"— I can do both though" pabulong na wika ni Daven na rinig naman naming pareho. Tumawa naman ang babae.

"Okay na ma'am." Pagkatapos nang turn ko ay si Daven naman ang tinanong niya. Ibang set ng questions. Tawanan pa sila nang tawanan. Kanina pa 'yan. Pagkatapos nito sumagot ay kinuhanan kami ng litrato ni Daven ng estudyante for documentation daw. Nauna ako sa sasakyan at nagpaiwan pa si Daven. Mula rito ay kitang kita ko silang nag uusap habang abala sa mga cellphone.

Kita mo 'tong lalaking 'to. Nangunguha pa ng numero.

Red RoomWhere stories live. Discover now