Chapter 11

159 8 1
                                    


Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya naman nginitian ko siya. Pagkalabas ko ay agad akong sinalubong ni Karl, my ex. Lumapit ito sa akin at yumakap.

"Hey babe. You're late." Nakangiting wika nito at kumalas sa pagkakayakap.

"Hey, sorry. May kalayuan din pala ito sa bar tyaka ang bagal gumayak ng kasama ko."

"It's okay, you know I can always wait." pagkasabi nito ni Karl ay naramdaman ko namang may pumunta sa likod ko kaa hinarap ko ito. Nakita ko pa ang pagkabugnot ng mukha nito pft.

"Karl, this is —" I bit my lip for I, myself don't even know his name. Marami-rami na ang nangyari pero hindi ko pa pala alam ang pangalan nito. Inabot naman nito ng kusa ang kamay kay Karl.

"Daven." cold nitong pakilala.

"Of course. It's been a while Cromwell." Wika naman ni Karl habang inaabot ang kamay ni Daven daw.

"Sino si Cromwell?" tanong ko.

"Ako."

"I thought you're Daven?"

"Yeah. Daven. Daven Cromwell."

"Sosyal. Ang mahal pft." Pabiro kong sabi.

"Tyaka lang ako magiging mahal kapag mahal mo na ako pft." Ani nito habang nakangiti. Rerebut na sana ako nang magsalita si Karl.

"Where are your things?" Tanong nito

"At the back."

"Let me get it for you." Sabi nito at kumindat pa. Akmang lalapit na siya sa likuran ng kotse nang naunang magbukas si Daven.

"Ako na." Mariing sabi nito. Nagtitigan lamang ang dalawa. Hindi ako manhid kaya naman may nararamdaman akong tensyon. Mukhang magkakilala sila gayong alam ni Karl ang apelyido nito.

"May problema ba?" Singit ko sa staring contest nila.

"Wala."

"None."

"Okay! Tara na." Sabi ko at ipinulupot ang kamay ko sa braso ni Daven. Ngumiti naman ito sa akin. Ginuide naman kami ni Karl papunta sa lobby. Nandito na ang buong team. There are three feature writers, one proofreader, one editorial writer and of course, si Kyla which is our boss. I greeted them as soon as I saw them. They did the same. Umupo muna kami sa mga couch at itinuon ang tingin kay Karl na nasa harap.

"So here's the schedule for today. I already handed Kyla the list of areas and offers that you can experience for free. The staffs will assist you and forgive me because I will not be able to accompany you all day. I have a personal matter to look upon but I will tour you all later this evening. There are seven rooms, one for each of you but don't worry, magkakalapit lang 'yon. For now, let's all take lunch together then you're free to do what you wish to do for the following hours." Nang matapos niyang sabihin 'yon ay inilapag niya ang mga susi sa table. Isa-isa namang kumuha ang iba naming kasama at nang may naiwan na dalawa ay inabot ko 'yon at ibinigay ang isa kay Daven.

"What's your room number?" Tanong niya.

"201. You?"

"Ang layo, 206."

"Iilan lang ang pagitan." Ibinalik ko ang tingin sa harap.

"Should we drop our things in the room first before we proceed to lunch?" Tanong ko kay Karl.

"Yes, that would be better." Nakangiting sagot nito. Patayo na ako nang nagsalita si Daven na katabi ko.

"Can we stay at the same room?" Tanong nito at nabigla ako nang hawakan nito ang bewang ko at ipinalapit sa kanya. Lumingon ako sa paligid at nakita kong nakatingin sa amin ang iba. Ang dalawang lalaki naming kasama ay seryoso samantalang ang mga babae ay nakangiti.

"Hey" nahihiya kong saway dito habang marahang tinatanggal ang kamay nito sa bewang ko.

"Why? Pft. Magkasama nga tayo sa kwa—"

"Sorry, but no." Mariing sabi ni Karl habang matalim ang tingin dito sa katabi ko na aangal pa sana ngunit naunahan ulit siya ni Karl.

"You may proceed to your respective rooms team. I'll see you again at lunch." Nakangiti nitong bilin pagkatapos ay umalis na. Tumayo na rin kami ni Daven. Bitbit-bitbit niya ang gamit ko at una kaming pumunta sa kwarto niya para ibaba ang gamit nito. Mas malapit kasi ito sa entrance na pinasukan namin. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa magiging kwarto ko. Nag ayos lang ako saglit doon at pumunta na kami sa lugar na sinabi sa amin ni Karl kung saan kakain. Pagdating namin doon ni Daven ay naroon na ang buong team. Nagsisimula na ring kumain ang iba. Tumayo si Karl at tumapat sa isang silya. Bahagya nitong iniatras ang upuan at pinaupo ako. Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat. Umupo rin si Daven sa bakanteng upuan sa tabi ko at nagsimula na kaming kumain. Maingay ang hapag kainan. Panay ang kwento ng iba. Nakikitawa rin naman ako sa kanila maging na rin si Karl. Nang lumingon ako kay Daven na tahimik lamang ay huminto ito sa pagkain at hinawakan ang kanyang leeg.

"Hey? Is there something wrong?" Tanong ko habang inilalapit ang labi ko sa tenga niya sapagkat may kalakasan ang kwentuhan ng iba at baka hindi kami magkarinigan. Ngumiti ito sa akin at umiling.

"Are you sure? Kanina ka pa tahimik." Paninigurado ko. Tumango naman ito at sinabing nag aadjust lamang siya. Nang bumalik na ito sa pagkain ay ganoon din ang ginawa ko. Muli, nakisali ako sa mga kwentuhan nila nang may malakas na tunog akong narinig sa tabi ko gawa ng pagkabagsak ng baso sa sahig. Tumayo naman si Daven ngunit para itong nawawalan ng balanse. Tumayo ako at lumapit dito. Naka antabay lamang ako rito dahil daig pa nito ang lasing na pauka uka tumayo. Narinig ko na rin ang pag aalala ng iba naming kasama at ang iba ay nakatayo na.

"Hey? Are you okay?" Tanong ko habang pilit na pinapaharap ang mukha nito sa akin. I was about to ask the same question when in a sudden, he passed out. Sa gulat ko ay nakatayo lamang ako at nakatingin sa kanya na kamuntikan ng bumagsak sa sahig kung hindi ito nasalo ni Karl.

"Hey! Tumawag ka sa clinic!" Sigaw ni Karl sa tauhan nito at nabalik naman ako sa tamang wisyo. Umupo ako at pinadaanan ng kamay ang noo nito. Sobrang init ng balat nito.

Sht. What the hell happened?

Red RoomWhere stories live. Discover now