Chapter 18 - It's Always Been Her

585 8 0
                                    


Kristine Linda Bolivar was out of my life for good. I had to face the music that there was no possibility of us. Kaya ginugol ko ang ilang mga araw sa trabaho at pag-aaral. Being busy was another way to forget her aside from booze and sex.

One late night may tumawag sa akin na unregistered number.

"Hello?"

"Kent?" boses ng isang babae.

"Yes?" kunot-noo kong tanong, "May I know who's on the line please and where'd you get my number?"

"Si Apple 'to," sagot niya, "kinulit ko si Brody..."

"Oh, Apple napatawag ka? Kamusta na? Kamusta si Brody?"

Medyo nag-atubili ang babae. "Ahmmm...actually hindi alam ni Brody na tumawag ako sa 'yo. Hindi nga niya alam na kinuha ko ang number mo mula sa phone niya."

"What?" medyo sorpresa kong tanong.

"It's really important Kent," naiiyak niyang sabi. "Si Mars..."

Bigla akong kinabahan. "May problema ba kay Linda?"

Halatang napapaluha si Apple base sa tono ng pananalita niya. "I'm begging you, please save my bestfriend!"

"Anong ibig mong sabihin Apple?" Naguguluhan ako sa pinagsasabi niy. "'Diba ikakasal na siya? Bakit hindi ka tumawag kay Errol?"

"That's exactly what I'm talking about," she cried. "Iligtas mo siya mula sa gagawin niyang paghihiganti kay Errol."

"Hindi kita maintindihan," sabi ko.

"Kent, listen to me carefully," she said. "Dinibdib ni Linda ang nangyari sa'yo. Nag-alala kaming lahat sa kaniya. I felt guilty kasi iiwan ko rin siya at aalis kami ni Brody papuntang Sunrise City. Walang mag-aalaga sa broken heart niya, wala siyang kaagapay."

"Go on." I urged her.

"Pinilit siya ng mama niya na sumama kami kina Errol at sa grupo niya na mag camping. And then an accident happened." Biglang naging malumanay ang tinig niya.

"Apple?" tanong ko pero umiiyak na ang babae. "Apple, ikuwento mo sa akin."

"Someone...they...some of Errol's friends..." she gasped. "They tied Mars to a life saver and let her float on the lake. Pero – binutasan nila ang salbabida. Nalunod si Mars, Kent. Errol and the group tried to save her at muntikan na talagang malagutan si Mars ng hininga. I was so afraid that I'd lose her at that time pero napilit ako ni Errol at ng kaniyang grupo na manahimik na lang."

Kaya pala. Now I know kung bakit hindi basta nakaahon si Linda mula sa pagkahulog sa pool at kung bakit takot siyang pumunta sa bath tub. Akala ko slightly phobic lang siya sa tubig base sa mga sinabi niya sa akin noong high school. Hindi ko inaasahan na nalunod pala talaga siya.

"No one believed her when she tried to tell them the truth, Kent," iyak ni Apple. "I was guilty and felt that I was one of the accomplices sa crime. Feeling ko nga na simula noon medyo nagbago na ang tingin ni Mars sa akin at sa aming relasyon."

"Hindi ba siya pumunta ng therapy sessions?" tanong ko.

Kahit hindi ko kita ay alam kong umiling si Apple. "Parang hindi kasi hindi naman siya nakakabanggit tungko sa issue regarding sa nangyari sa lawa. Since tumuntong siya ng college ay hindi na naming pinag-usapan ang regarding sa bullying at ang muntik na niyang pagkamatay. I knew that she was not suicidal pero alam kong one day sasabog siya. I should have known from those little incidents..."

"What incidents?" curios na talaga ako.

"Lahat ng mga andon sa insidente sa lawa ay affected in a way or two. Nag-suicide ang isang kaibigan ni Errol. Depression naman ang nangyari sa iba. Mars' focus was towards those made a great impact on her in high school."

Me - You + Him (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon