Chapter 7- Drowned in Emotions

787 13 0
                                    


UMALIS si Kent ng Namerna ng gabing iyon. May complications raw sa puso at sa lungs at kailangang operahan. Walang espesyalista ang Namerna sa case niya kaya nag emergency sila ng lipad papuntang karatig bansa.

Iyak lang ako ng iyak buong magdamag. Ako ang dahilan kung bakit nagka ganoon si Kent. Sinasabi kong kasalanan nina Errol pero wala pa ring naniniwala sa'kin.

Ganiyan ako ka worthless! I could not even bring justice to my boyfriend.

Dumating ang graduation ko at ayokong sumali ngunit pinilit ako ni Mama kaya parang robot na akong kumilos. Walang patutunguhan naman kung magre-resist ako sa kanila. They'd never believe me in the first place.

Gusto kong humagulgol nang makita si Mister Wing isang umaga. Nais kong malaman kung ano ang nangyari kay Kent at parang kutsilyong tumusok sa diwa ko ang dala niyang balita.

"Aalis na rin ako ng Namerna, Kristine." Malungkot ang mukha niya. "Nasa Velusca ang better facilitites para kay Kent. I don't think babalik pa kami rito."

Ba't ang sakit?

Hindi ko napigilang umiyak kaya niyakap ako ni Mister Wing. "Thank you for being with him kahit panandalian lang."

Parang sasabog ang puso ko.

May inabot siyang liham bago siya umalis. Dali-dali kong binuksan ito at binasa ang hindi halos klarong penmanship:

'Sorry. You might want to go on without me but remember one four three four four. I will come for you in the future if you want me to...'

Napaluhod ako sa guilt feelings na bumalot sa buong pagkato ko. I certainly did not deserve a certain Mervin Kent Michael Wing.


***


"Sumama ka na kina Errol sa camping," utos ni Mama Carol.

"Ayoko," tipid kong sagot.

Nagmumukmok ako sa bahay, three weeks after graduation. Lagi akong nanonood ng tungkol sa Velusca at sinusubukang i-contact si Kent pero wala pa rin akong nakuhang impormasyon. Wala ring alam kahit sina Brody.

"Sasama si Apple sa inyo," giit niya. "Hindi na healthy 'tong ginagawa mo, ano ba?"

"Ayoko sabi eh!" inis kong sagot at akmang aalis nang kurutin ni Mama ang tagiliran ko.

"Kristine Linda, huwag kang bastos!" sigaw niya. "Wala ka ng modo bata ka simula nang makilala mo ang Kent na 'yan. Bad influence talaga siya. Mabuti na rin at wala na siya rito!"

Napaupo ulit ako at humagulgol ng iyak. Galit ako sa mga sinabi ni Mama kasi bulag siya pagdating kay Errol kahit anong gawin kong pag explain sa kaniya. Si Papa naman, although gusto nito si Kent, naghahanap pa rin ng ebidensya sa mga sinasabi kong binu-bully ako ni Errol at ng mga katropa niya.

"Oo na, sasama na ako," sigaw ko sa kaniya.

"Bakit ka galit? Totoo naman ang mga sinasabi ko ah," sagot ni Mama. "Sasama ka rin naman pala at over acting ka pa diyan."

"Tandaan mo 'to Mama, darating ang araw na mawawala ako sa inyo," bulong ko. "At hindi ako magsisisi."

"May sinasabi ka, Kristine Linda?"

"Wala po," himutok ko.

"Good." Confident ang ngiti niya. "Mag prepare ka na sa mga gamit mo. Susunduin ka nila mamaya."

Me - You + Him (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon