Chapter 10 - Count On You

855 10 0
                                    



NATATAKOT akong aminin na nagbago ang pakikitungo ni Kristine sa akin magmula nang mailibing si John. We were getting to know each other stage – not yet friends and she's not treating me like a stranger anymore. Nagi-guilty ako masyado kapag nararamdaman o napag-iisipan ko ang link between John and Kristine.

Unti-unting naging open sa 'kin ang babae at hindi ko na rin nararamdaman ang invisible wall na nakabalot sa kaniya pagdating sa'kin. I was glad at the same time scared na baka masaktan ko siya unconsciously sa mga ginagawa ko.

Parang bumubuka ang puso kong nakikita siya. Kagaya ngayon, andito kami sa bahay dahil birthday ni Mama Zennia. Malapad ang pagkakangiti niya habang kausap si Apple. Bumawas ang kaniyang timbang nitong nagdaang taon at pinahaba niya ulit ang buhok niya. Pero sa panahong 'to, iniwan na talaga niya ang pagiging blonde at pinalitan ng itim ang kulay ng buhok at halos natabunan ang bughaw niyang mga mata sa kaniyang mahabang bangs.

Tila lumundag ang puso ko nang makita ang pagkilos ng saya niya nang humakbang siya at niyakap si Apple. Bagay talaga sa kaniya ang kulay pulang damit na siyang nagpapatingkad sa porselana niyang kaputian.

It was the first time that I realized that Kristine Linda Bolivar was an alluring woman.

"Oh Errol, kamusta na ang college life?" tinapik ako ni Kuya Diego at halos mapalundag ako sa gulat.

Ten years ang agwat namin ni kuya Diego at five years naman kay Kuya Raffy pero I was also spoiled by these big brothers. "Ikaw 'ya, kamusta ang Purun?" tanong ko ukol sa bansa na nasa eastern Europe at kung saan naka destino ang aking kapatid.

"Well, the chicks are hot," nakangiting sabi niya. "Pero gusto ko pa rin ang mga babae sa Namerna."

"Anong pinag-uusapan niyong dalawa?" Lumapit si Kuya Raffa sa'min.

"Hot chicks." Kuya Diego's eyes glistened in anticipation at the mere mention of women. He was definitely a player. At ilang beses ko na ring nakita ang umiiyak na mga babae dahil habol-habol siya.

"Kuya Raffa, papunta na rito ang future wife mo." Siniko ko siya nang makita si Kassie, ang nakababatang kapatid ni Kristine, na kumakaway sa direksyon namin.

"Oh God," umungol si Kuya.

"Bro, never thought that you'd tap a babe from the cradle." Napangiti si Kuya Diego.

Naramdaman kong parang tuod si Kuya Raffa na nakatayo sa tabi ko. Alam kong gusto niyang tumakas pero hindi na niya magawa lalo na't nasa harapan na namin si Kassie.

"Hello, Kuya Diego." Inilahad niya ang kaniyang kamay sa harapan ni Kuya. "Nasan ang gift ko galing Purun?"

Tumawa ang panganay namin at may kinuhang sobre mula sa bulsa at ipinatong sa palad ni Kassie. "Ito lang muna, babe."

Nanlaki ang mga mata ni Kassie pagkakita sa loob ng sobre. Tumingkayad siya at hinalikan sa pisngi si Kuya. "Salamat, 'Ya."

Kumindat si Kuya sa'min.

Ibinaling ni Kassie ang atensyon kay Kuya Raffa. "Kuya, may bagong piercing ako sa pusod. Gusto mong makita?"

Napaubo si Kuya Raffa.Gusto sana niyang tumanggi pero hinila siya ni Kassie papalayo sa'min.

"Mark my words, Errol, 'yang dalawang 'yan ang magkakatuluyan." Napangiti si Kuya Diego habang pinapanood ang dalawang tila naghihilahan papuntang balkonahe.

Gusto ko sanang makipag-usap pa kay Kuya pero nahagip ang atensyon ko kay Kristine at Tita Carol. Mukhang pinapagalitan na naman ni Tita ang kaniyang panganay pero tila walang emosyon si Kristine habang nakatingin sa ina.

Me - You + Him (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon