Chapter 8- Doomed

812 12 0
                                    

"Errol, tulong!"

Narinig ko ang sigaw ng isang babae. Akala ko panaginip lang kaya pumikit lang ako at sinubukang matulog ulit. Ngunit palakas ng palakas ang sigaw.

"Errol, ano ba 'yan?" ungol ni Angie, ang katabi ko sa loob ng tent. "Sino ba 'yan? Ang aga-aga..."

Totoo talagang may tumawag sa pangalan ko. Napahilamos ako ng mukha at dali-daling bumangon at lumabas ng tent.

"Erol!"

"Anong problema?" Napikit ako nang matamaan ng sikat ng araw.

"Errol, si Mars..." iyak ni Apple habang tumakbong palapit sa akin. "Nalulunod si Mars!"

"Ano?" Napadilat ako nang makita sa di kalayuan ang isang babaeng lumulubog. "Shit! May phobia 'yan sa malalim na tubig. Sinong may pakana nito?" galit kong tanong. Nagkukumahog akong tumakbo papuntang lawa.

"Bot!" pilit kong sumigaw habang nilalangoy ang posisyon niya.Kinabahan ako nang mawala siya sa paningin ko. Lumusong ulit ako sa tubig at ibinuka ang aking mga mata para hanapin siya. Nahihirapan na rin ako dahil lubog ang tubig. Umangat na naman ako para huminga nang malalim bago lumusong sa tubig. Kumapa ako sa dilim pero mga damo lang ang humahaplos sa aking mga kamay.

"Errol, dito banda!" sigaw ni Paolo habang sinasagwan ang maliit na bangka.

Lumusong ulit ako at nahagip ko ang katawan ni Bot ngunit mayroong bagay na naka kapit sa katawan niya. Pinilit kong patayin ang takot na nadarama at lumusong ulit ako at buong lakas na hinila siya. Nakikipabugno pa kami sa mga damo bago namin siya nahila paangat.

Sumakay kami sa bangka at ginawaran ko siya ng CPR habang sumasagwan si Paolo papunta sa baybayin.

"Breathe, Bot," bulong ko habang nag pump sa dibdib niya.

Wala pa rin siyang malay.

Dali-dali namin siyang inilapag sa buhangin at ginawaran ulit siya ng CPR.

Umubo si Bot ng konti at sumuka ng tubig.

"Tumawag na ba kayo ng rescue?" tanong ni Paolo.

Umiiyak na tumango si Apple at tumakbong palapit sa amin. "Mars..."

"Anong sasabihin natin sa kanila Errol?" tanong sakin ni John na nangingig na sa takot. Lumingon ako sa mga babae at tahimik na umiiyak sa may gilid ng tents.

Nangiginig ang boses kong nagsalita. "Sa tingin ko dapat nating itago ang totoong nangyari."

"Ano?" galit na sagot ni Apple.

"Tama si Errol," sagot ni Erik. "Suspect tayo lahat dito."

"Eh bakit tayong lahat?" tanong naman ni Angie. "Sino ba ang nagpalubog kay Bot sa lawa aber?"

"Si John at si Mitch," sagot ni Nina. "Akala ko biro lang..."

Nanlilisik ang mga mata at walang sabi-sabing sinuntok ko si John na nasa tabi ko lang.

"Pare, sorry...sorry....katuwaan lang naman..." nangiginig na sagot nito.

"Fuck you!" sigaw ko.

"Pare hindi naming sinasadya," sabi naman ni Mitch.

Isang suntok pa ang pinakawalan ko at nakita ko siyang natumba sa damuhan. Sumigaw ang ilang mga babae at hinawakan ako ni Paolo.

"Fuck you!" sigaw ko ulit. "Pangalawa na 'to..."

Tatadyakan ko pa sana si John nang marinig namin ang isang ambulansya.

"Mars..." hikbi ni Apple habang pinupunasan nito ang mukha ni Bot.

Me - You + Him (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon