CK 9 - Label

368 7 0
                                    

Kassie Mariam Bolivar

Umangkas ako sa motor at ipinaharurot ni ate ang motorsiklo. Ambilis niyang magpatakbo kaya napapikit nalang ako sa takot. This was the first time that I rode a bike and she was the driver. I heard many things about her joining races pero I was not really that interested.

Huminto kami sa isang parke at nag order ng makakain bago kami umupo sa damuhan at pinanood ang taong nag eehersisyo sa gabi.

"Alam mo ba, ito yung isa sa mga paboritong lugar namin ni Kent noon," nakangiting sabi ni ate habang ngumunguya.

Dahil gutom na talaga ako at si ate lang naman ang kasama ko ay wala na ang poise na pinapak ko talaga ang pagkain.

"This was also the place where they – " napahinto siya at umiling, "well, wala pa rin palang nagbago."

"Ate, bakit bumalik ka ng Namerna?" tanong ko, "it's been four years since andito ka sa bansa. It's been four years since nagkita tayo...since nagcommunicate tayo..."

She looked at me and placed her hand on my cheek, "I came back for you."

Namilog ang mga mata ko, "Ha?"

"Sorry Kassie if naging selfish si ate ha," napipiyok na iyong boses niya, "hindi ko na anticipate na sasaktan ka ni mama. Ikaw yung favorite niya eh."

Doon napaluha ako, "Ate, sorry kasi hindi kita natulungan. Sorry because I did not understand you. Sorry kasi..."

"We're not perfect," she supplied, "ikanga to err is human and to forgive is divine."

"Ate, nabasa ko yung diaries mo," I blurted out.

Lumingon siya sa akin at tumawa, "Akala ko itinapon ni mama..."

Umiling ako, "Papa encouraged us to read it pero ako lang ata ang bumasa. Hindi ko alam kay mama."

Tumango siya at pinanood ang mga tao sa park.

"Ate, ahmmm, napatawad mo na ba si kuya Errol?"

Medyo tumigas ang mukha niya kaya napa sorry ako bigla. Tiningnan niya ako at ngumiti, "I'm not yet ready."

Tumikhim ako at nagplano i-change ang topic pero nakita kong napapaluha si ate. Kumuha ako ng tissue mula sa bag at ibinigay sa kaniya.

"Sorry Kass at palaiyakin ako," tumawa siya, "alam mo – everytime I remember Kent's face na putlang putla sa loob ng trunk ay nagagalit pa rin ako. Sa totoo lang, hindi ko masyadong ininda yung malapit akong malunod pero yung maalalang akala ko patay na si Kent ay nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon."

"Ate..."

"Nagpapatingin kami ng sabay ni Kent sa therapist," sabi niya, "yan ang nagugustuhan ko kay Kent kasi very sensitive siya sa mga needs ko. Parang alam niya na ang next move ko Kass."

"It was Kent whom you really love all along ate," pahayag ko. After the incident sa simbahan 4 years ago ay hindi ako nag attempt na makipag communicate kay ate kasi nahihiya ako sa nangyayari sa dalawang angkan.

She nodded, "akala niyo na hindi ako seryoso sa kaniya in high school pero I loved him back then. Ang mali lang siguro naming dalawa ay hindi kami nag confess sa mga saloobin namin. He knew that I used him as a shield against the family's wishes na dapat kay Errol lang ako. And he assumed na minahal ko si Errol instead of him."

"Feeling ko hindi ko makakaya kung ganiyan ang challenge ko sa buhay," bulong ko.

Tumawa si ate, "Kassie, alam mo ba kung bakit dinalaw kita?"

Umiling ako.

"Papa called me yesterday na may heart problems ka raw," malumanay niyang sabi, "absent ka for three days, inaway ka ni mama, at may certain na lalaking involved. At ang pangalan ay si kuya Raffy."

Me - You + Him (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon