CK 7 - Rendevouz

346 7 0
                                    


Kassie Mariam Bolivar

Hindi ko alam kung ano ang estado ng relationship namin ni sir. Acting professional pa rin naman kami sa work place at ipinapakita pa rin niya sa akin ang pagka istrikto niya. Napapailing nga minsan ang mga katrabaho ko kasi parang pinupuntirya talaga ako ni sir sa mga pasikot sikot na detalye.

"May crush talaga iyang si dragon king sayo Kass," confident na balita ni Fatima sa amin habang naka lunch break kami.

"Eh si Arian naman ang secretary niya ngayon, bakit hindi siya? Mas close ang proximity nila," patay malisyang sagot ko.

"Wala silang chemistry," sagot naman ni Tom.

"Sa inyong dalawa feeling namin ay kulang na lang poste ng power plant para umilaw ang buong bayan," humalakhak si Lory, "ganiyan ka lakas ang electricity niyo na ramdam din namin ha ha ha."

Sinasakyan ko na lang ang mga jokes nila pero wala akong sinabihan maski isa. Maski sina Harper at Skye ay wala akong ibinabalita sa real status ng relationship ko kay sir.

Ang hindi alam ng mundo ay sa tuwing papasok ako sa office niya at kung kami lang ang dalawa ay hindi lang reports ang isina-submit ko sa kaniya. Pati rin ang aking mga labi, kamay, at puso. I knew when our lips first met that my heart would end up being his.

Ayoko lang aminin kahit kanino ang nararamdaman ko baka makarating pa kay mama. Ganiyan ako ka paranoid.

Let's meet at the mall. Text niya sa akin bandang alas tres ng hapon. Nagplano kami ng date sa may beach para manood ng sunset. It's been ages since I went to the beach with my friends kaya excited rin naman ako.

Pag out ko sa trabaho ay dali-dali akong umalis at pumunta sa aming tagpuan. And when he arrived, his aura changed from being a serious CEO to a boyish teenager as if it was his first time to date a girl.

He drove for a while at nagtataka ako kasi hindi kami pumunta sa beach kung hindi sa isang private property na malapit sa lawa.

"Hindi beach 'to," saway ko sa kaniya.

He smiled shyly, "surprise ko sayo. Actually property 'to ng pamilya..."

"Ha? Talaga?" namilog ang mga mata ko kasi ang laki ng lawa at ang ganda ng lugar, "hindi namin alam 'to ah..."

He chuckled and got out from the car. Lumabas rin ako at tinulungang i-set up ang gamit namin. Prepared talaga si sir kasi may picnic basket at puno talaga ng pagkain na animoy mag-oovernight kami – teka teka...

"Overnight tayo?" biglang tanong ko.

"Depende," he wiggled his eyebrows.

Shit.

Kinuha ko dali-dali ang cellphone ko, nagpasalamat kasi may signal, at nag text kina mama at papa na overnight ako with coworkers. Dahil minsan talaga ay nag-oovernight ako with friends and co-workers kay hindi na iba sa kanila ang information ko. Kahit na medyo stritko si mama ay pinapayagan rin naman niya ako basta kilala niya ang mga kasama ko.

"They said yes," buntong hininga ko nang mabasa ang reply nila.

"Kassie, ligo muna tayo," he took off his shirt at napanganga ako nang makita ang katawan niya.

"Safe ba diyan?"

"Oo naman," at ngumiti siya, "ako ang superhero mo kaya don't worry."

I took off my shoes slowly then I took off my whole dress. Nasa bag ko ang bikini pero nang makita si sir na naka briefs lang ay may humihila sa akin na yung bra at panty ko lang ang gamitin sa pagligo.

Me - You + Him (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon