CK 1 - 1 - Ending but Beginning

626 9 0
                                    


Kassie Mariam Bolivar

"Kassie, I'm sorry but I don't think we need to continue this," mahinang sabi ni Bonjo sa akin habang nasa loob kami ng kaniyang kotse.

"Bakit?" tanong ko."Okay naman tayo ah, one year plus na tayo Bonj."

Tiningnan niya ako at bumuntong-hininga siya. "I changed. I felt that it's a waste of time if we  continue this."

"Dahil ba walang sex na naganap sa ating dalawa?" mahiang tanong ko.

Hindi umimik ang lalaki kaya siguro ito ang dahilan kung bakit nakikipag hiwalay siya sa akin. He just stared at me, his black eyes seemed to dig into my soul and I shivered.

"Okay," bulong ko, "salamat sa isang taong higit."

Binuksan ko ang kotse at dahan-dahang lumabas, baka kasi magbago ang isip niya. Pero hindi na niya ako tinawag ulit kaya nanginginig ako sa takot nang mabuksan ko ang pinto ng bahay.

"Kassie." Medyo mataas ang boses ni Mama Carol. "Alas onse na ng gabi. Bakit ngayon ka lang?"

"Ano po kasi..." 

"Ano nalang ang sasabihin ni Bonjo kapag nalaman niyang gumagala ka sa gabi?" inis na sabi niya. "Sina Harper at Skye na naman ang kasama mo? Mga bad influence talaga iyang mga kaibigan mo."

Medyo uminit ang dugo ko kasi dinamay pa ni mama ang aking mga kaibigan pero nagtitimpi lang talaga ako. "Kasama ko ho si Bonjo," pilit na kinalma ko ang boses ko.

Biglang lumiwanag ang mukha ni Mama. "Talaga? Kamusta ang date niyo? Nag propose na ba siya?"

Hindi ko alam kung paano ko sasabihing hiniwalayan ako ni Bonjo.

"Carol, tama na iyan," saway ni Papa Joel nang makita niya akong pumasok sa salas. "Kamusta na, iha?"

Humalik ako sa pisngi niya at bumulong, "Okay naman po, Papa."

"Kailan kaya magpo-propose iyang si Bonjo sa'yo?" nagtatakang sabi ni Mama. "Matagal-tagal na rin siyang hindi nakabisita rito."

Tila sasabog na talaga ang emosyon ko kaya dali-dali akong pumasok sa aking kwarto.Humiga ako napatingin sa ceiling. Buhay nga naman! Twenty six years old na ako at pwede na akong bumukod. May offer sa akin ng trabaho doon sa Lakeview County pero tinanggihan ko dahil sa hiling ng aking mga magulang. Napabaling kasi sa'kin ang atensyon ni Mama simula nang umalis si Ate Kristine.

Mama Carol disowned Ate Kristine after she jilted Errol on their wedding day. Grabeng eskandalo 'yon at nagbago kami lahat simula sa araw na iyon. Hindi na masyadong pro-Sanchez si Mama when it came to merging the Bolivar and Sanchez clans through marriage. In fact, opposite ang nangyari. She once made me promise na, "Kassie, okay lang kung sinong lalaki pero huwag na huwag ang isang Sanchez. Napakalaking kahihiyan ang naidulot ng ating pamilya sa kanila. Hindi tayo karapat-dapat para sa kanila."

Alam ni Mama Carol na crush ko si Kuya Raffy since I was twelve years old. Pero nakababad ang atensyon nito sa relasyon ni Ate Kristine at Kuya Errol kaya hindi niya ako gaanong pinapansin sa mga ginagawa ko ukol kay Kuya Raffy. 

Hanggang sa insidente sa simbahan apat na taon na ang nakakaraan.

"Unfair ka masyado Ate Kristine," bulong ko sa picture niya na nakapatong sa bedside table ko. "Iniwan mo kami rito at ako ang sumalo sa kahihiyan."

Nakita ko kung gaano kalungkot si Papa at halos mag nervous break down si Mama. It was terrifying and humiliating at the same time.

"Anak." Mahina ang boses ni papa habang kumatok. "Tulog ka na ba?"

Umupo ako. "Hindi po. Pasok po kayo."

Tumabi siya akin at niyakap ako. "Pasensya ka na sa Mama Carol mo, iha. Intindihin mo na lang siya."

Lagi ko naman siyang inintindi eh pero bakit feeling ko kulang pa rin ang ginagawa ko para maging masaya siya?

"Kamusta na kayo ni Bonjo?" tanong niya.

"Papa." Pinilit kong kontrolin ang aking sarili pero hindi ko magawa. Niyakap ko siya nang mahigpit at napaluha. "Hiniwalayan po niya ako ngayong gabi."

"Iha," tanging sambit niya habang hinaplos ang buhok ko. "Natatakot ka bang malaman ng Mama Carol mo?

Tumango ako.

Bumuntong hininga siya. "Huwag mo patagalin ang pagtatagong hiwalay na kayo. Alam mo naman ang resulta noong nangyari kay Kristine diba?"

Sino ba sa pamilyang Bolivar at Sanchez ang hindi nakakaalam sa ginawa ni Ate?

Kumapit ako sa balikat ni papa at mahinang sinabi, "I miss her, Papa at alam kong mali pero somehow galit ako sa nagawa niya."

Tinapik niya ang aking likod. "Don't hate your sister Kassie. Nabasa mo ba ang mga diaries niya?

Umiling ako.

"May pahintulot siyang pwede nating basahin ang mga diaries niya para maintindihan natin ang kaniyang napagdaanan. She was lost and got depressed pero hindi ko namalayan..." Pumiyok ang boses ni Papa.

Pinahid ko ang aking mga luha.

"By the way, kamusta na pala ang trabaho mo?" biglang tanong niya. "Napapansin ko ng palagi kang overtime nitong linggong 'to."

"Papa, aalis po si Ma'am Cecile papuntang Norway para sa doctoral studies niya," balita ko, "at kaibigan niya raw ang mag-aasikaso sa business niya. Nasa high school pa kasi ang mga kapatid niyang kambal."

"Wala ba siyang ibang pamilya para makatuwang niya sa trabaho?"

"Wala po." sagot ko. Umayos ako ng upo at napakamot sa ulo. "If I remember correctly, minana niya ang bakery business sa mga magulang niya. Siya na rin ang nagpalago ng negosyo hanggang sa magkaroon ng franchise."

 "So who's going to be your new boss?"

Nagkibit-balikat ako. "Si Ms. Rafaela Marie Velez pero hindi ko pa siya na meet. Hopefully okay 'tong si Ma'am at sana magka sundo kami."

Niyakap ako ni papa at sinabing, "Magiging okay ang lahat, iha."

Me - You + Him (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon