Chapter 1 Just Another Hellish Day

1.1K 9 0
                                    

"FUDGE naman oh!" Bumaba ako sa bisikleta at tiningnan ang naputol na kadena. "Kung mamalasin nga naman talaga." Wala pang sampung minuto simula nang makabiyahe ako at sira na ang bisikleta. Naririnig ko tuloy ang sigaw ni Mama Carol kanina na dapat sumakay ako kina Errol pero nagpumilit akong magbisikleta.

"Hinding-hindi na ako sasakay sa kotseng 'yon kapag andon si Errol. Kahit magkamatayan man lahat ng hayop sa mundo," bulong ko habang nagsimulang kinaladkad ang bisikleta. May isa o dalawang kilometro pa akong lalakbayin hanggang makarating sa paaralan. Ba't naman kasi napag-isipan kong mag-shortcut kaya heto tuloy, walang katao-tao ang medyo makitid na daan.

"Miss, may problema ba?"

"Fudge!" Napatili ako sa gulat at nabitawan ang manubela. Malakas na bumagsak ang bisikleta sa aspaltong daan. "Ba't ka ba nanggugulat?" Lumingon ako at biglang napatahimik nang makita ang isang napakatangkad at payatot na binata. Naka hood ito ng pula, naka denims at sneakers. Familiar ang mukha niya pero hindi ko ma tantiya kung saan ko siya nakita.

"Sorry," tikhim nito. Inayos nito ang malaking eyeglasses. "I didn't mean to scare you."

"Anong kailangan mo?" Pinilit kong magpakatatag. Wala namang nabalitaang krimen sa lugar na 'to pero baka ako ang exemption. Nanlamig tuloy ako nang maisipang baka nasa headlines na ako ng news bukas.

"Baka kailangan mo ng tulong," panimula nito.

Tiningnan ko ulit siya mula ulo hanggang paa. "Ka ano-ano mo si Errol Jade Sanchez? Is this one of his pranks? Pinadala ka niya? Sabihin mo sa amo mo na style niya bulok!"

Ilang beses na rin kasing ginawa ni Errol 'to sa'kin. Gumagamit siya ng mga tao para takutin o pagdiskitahan ako. At usually sa mga oras na off guard talaga ako. Kaya hindi ako basta-bastang naniniwala sa mga estranghero at kahit acquaintances lalo na't may link sa demonyong 'yon.

"Sino si Errol?" Inayos na naman nito ang eyeglasses.

"'Di mo siya kilala?"

Umiling ang lalaki. Nakalahad ang dalawang kamay nito na tila isang taong sumurender sa pulis o isang taong lapitan ang isang mabangis na hayop.

"Hindi ka isa sa mga tuta niya?"

Natabunan ng hood ang kalahati ng mukha ng lalaki sa kakatango nito.

"Anong kailangan mo sa'kin? Ba't mo ako nilapitan?"

"Nakita ko kasing naputol ang kadena ng bike mo. May dala akong tools dito para tulungan ka," dahan-dahang itong nagsalita.

Tiningnan ko siya nang matalim. "Ba't may dala kang tools?"

Malakas siyang napalunok. "Nasa Paradise High ang motor ko. I took the shortcut para makarating ako don ng maaga. It's just a coincidence talaga nang makita kong nagka aberya ka kanina."

"Paradise High ka rin?" Alert pa rin ang boses ko.

"Yes."

"Why should I trust you? Baka nilalaro niyo lang talaga ako ng tropa niyo."

Umiling ang lalaki. "Miss, you really should trust me on this. Promise, hindi ko kilala ang mga nabanggit mo. Baka ma late tayo sa exams if patuloy tayong ganito."

"Oh." Muntikan na talagang makalimutan ko ang examinations namin dahil sa anxiety na baka pinaglalaruan na naman ako ni Errol.

What if hindi totoo ang sinabi ng lalaking 'to?

Pero what if kung totoo naman?

'Kristine! Kailangan mong sumugal sa mga sandaling 'to!'

Me - You + Him (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon