Chapter 1 - Homecoming

72 2 0
                                    

(Note: ang istorya po na ito ay kathang isip lamang ng malikot at nakakatakot na imahinasyon ng author, lahat ng mga bagay, pangyayari, lugar at mga pangalan ng tao na mababanggit sa istorya ay sadyang nagkataon lamang. Ang istorya din po na ito ay maaaring mag contain ng mga salita na hindi angkop sa inyong panlasa o kaya naman ay masasamang salita, read at your own risk. Isa pa po, plagiarism is a crime, wag naman po sanang i copy paste ang kwento na ito dahil dilat na po ang mata ko sa kakatype kaya please po. Anyway enjoy and spread love and support. - Bambi)

Mabuhay!

Kamusta batangas!

Grabe halos buwan narin nang umalis ako sa amin para mag hanap ng trabaho sa siyudad, hays ganito pala kahirap kapag kakagraduate mo lang ng kolehiyo. Nasa bus terminal na ako ngayon at kakababa ko lang dala ang mga malalaking bag ko na puno ng mga damit at mga importanteng mga dokumento para sa paghahanap ng trabaho, bahala na siguro ang tadhana sa akin baka sakaling dito talaga ako nararapat sa probinsya ko. I love you batangas!

(note: hello guys I just want to say na hindi po ako marunong ng dialekto ng batangas okay? I just love this place kasi taga dyan ang tita ko hehe, kaya kung mamarapatin niyo po ay tagalog na lamang po ang gagamitin ko sa buong story at hindi mag shishift into different diaclect. Hope you like it! <3 )

Nag aantay na ako ng jeep sa gilid ng biglang may humarang na kotse sa harapan ko. Sino naman ito at sa harap ko pa talaga, medyo bastos ano po.

Bumaba ang isang presentableng lalaki na may kaputian at medyo singkit na mga mata. May mapupulang labi at mala modelong tindig.

"Guilbert! Please hurry and get me the photos!" ang sigaw nito sa katabi nyang lalaki na hindi ko napansin kanina. Parang alalay ganun, pero naka suit din.

"okay okay sir, papasok na po." Ang sabi nung sinabihan nya at agad naman itong pumasok sa pintuan na katapat ko. Isa palang maliit na shop ang ginawa kong "jeep stop" shuri naman.

Agad ko namang binitbit ang malalaking bag na hawak ko, mga tatlo ata ito at para akong buntis maglakad dahil sa bigat, pero ayos lang kasi kaya ko pa naman. Umusod ako ng kaunti para kahit papano ay Makita naman ako ng jeep na paparahin ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakatayo parin katabi ng kotse nya ang lalaki. Nakasandal pa ito habang nag hihitay. Ako naman eto nakatunganga parin kasi punuan ang mga jeep ngayon. Naalala ko na sabado pala at alam ko na bukas ay linggo kaya naman punuan ang mga pampublikong sasakyan.

Maya maya pa ay may napara na akong jeep at medyo nalampasan ako kaya naman nag simula na akong magbuhat ulit ng mga dala ko na bag. Kagaya nga ng sinabi ko ay ang bigat ng mga ito at isang payatot na tulad ko ang nagbubuhat ay talagang malapit na ata akong matanggalan ng buto.

Halos ilang minute na akong naglalakad at dahil nainip na ata ang jeep na pinara ko ay umalis na lamang ito bigla.

"kuya sandali!!! Hays jusko naman, nasa bungad nako ng pintuan eh!" ang reklamo ko sa kawalan. Nasa kalsada paman din ako, pero hindi nasa gitna, medyo nasa gilid naman. Kaya naisipan ko ulit mag abang ng jeep.

Bigla nalang tumigil ulit sa tapat ko ang kotse kanina. Bigla nalang ako napalingon ulit sa likod ko at baka isang shop na naman ito, pero pader lang naman ang katapat ko. Agad na bumaba ang isang lalaki. Yung alalay kanina. Tapos bigla akong kinausap

"miss, sakay ka napo" ang alok nya sakin.

"hah? Ay sir hindi napo, ayos lang" tapos nginitian ko lang sya

"miss sige na po, utos lang po sa akin ni boss, ayaw ko pong ma pagalitan" ang pag insist nya pa sakin.

Medyo kinabahan naman ako. Ano ba itong boss nya. Sendikato ba ito?! Hala baka kung saan nila ako dalhin tapos, tanggalan ako ng lamang loob, tapos. Oh my gosh! Sabi ko na ih!

"sir..." hindi nako natapos sa pag sasalita ng bigla akong hablutin nung alalay kemerut nayun.

Nang makapasok na ako sa loob ay pinagpapawisan ako ng malamig. Sobra ang kaba ko sa dibdib ko, tapos yung mga gamit ko pa nasa likod ng kotse nilagay. Pano nako tatakas nito?! Eh kung tumalon nalang kaya ako sa bintana?! Hala ! talagang kinakabahan ako.

"ah sir..." agad akong napahinto

"what's your address?" ang nakakatakot na boses nayun. Talagang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan.

"uhmm.. *blah blah blah* batangas, city po" sumagot na ako bigla dahil baka magalit pa sya ng husto. Kailangan kong makaisip ng paraan. Please naman po bakit ganito pa nangyari sakin?!

Halos hindi ako mapakali sa loob ng kotse. E kasi naman katabi ko itong nakakatakot na tao na ito. Jusko naman!!!

"stop doing that" ang malamig na boses nya.

"o-okay po..." ang tahimik ko na sagot. Ano bang kailangan nya sakin? Hindi naman ako mayaman. Sendikato ba talaga siya?

Nang maipit sa traffic ang kotse ay agad akong nakaisip ng paraan. Nakita ko na natutulog itong boss na ito sa tabi ko at feeling ko naman sarap na sarap sya sa tulog nya. Bigla ko nalang pinilit na buksan ang bintana ng kotse. Bes mukha akong ewan sa ginagawa ko. Bigla nalang ako napasigaw ng kunti. Kunti lang bes. Agad ba naman bumukas ang bintana.

"miss naka lock po kasi yan, binuksan ko napo kasi hirap napo kayong buksan." Ang sabi nung alalay sa may driver's seat. Okay wrong move!

Umayos ako bigla ng upo na parang bata sa elementary classroom photo at Dahan dahan naman akong napalingon sa katabi ko.

"and what do you think, you're doing?" ang tanong nya sakin na nakakunot ang noo.

"ah no sir, ay... wala po sir... ummm.. nothing po pala." Tapos nginitian ko lang sya. Tapos inirapan lang ako. Okay na sige na. siguro nasa utak ko lang talaga na sendikato kayo.

"don't worry, nagtatagalog naman ako, don't need to be trying hard... ugly girl" ang sabi nya habang nakapikit at naka cross ang dalawang braso nya.

Aba aba aba. Ayoko ng gulo kaya naman hinayaan ko nalang sya at tsaka isa pa nasa kotse nya ako, at baka iligaw pa ako neto.

Bigla na lamang huminto ang kotse sa isang kanto na malapit na sa amin.

"miss, hanggang dito nalang po yung kotse mukhang hindi napo kaya doon, under construction pa po yung road." Sabi sakin nung driver slash alalay.

"okay lang po sir, salamat po pala. Ito po pala bayad ko." Sabay abot ng bayad doon sa driver, 100 pesos din yun ah. Nagulat pa nga yung driver at hindi alam ang gagawin, mukhang natataranta tapos tumingin pa sa boss nya na katabi ko.

Bigla nalang akong tinignan nung boss kuno.

"I don't need your money, just get out and leave." Ang malamig nyang sabi.

Okay fine. Ito na nga oh. Bababa napo.

"okay po, BOSS" talagang diniinan ko yung boss, at saka bumaba ng kotse nya. Agad naman akong pumunta sa likuran at nakita ko na binababa na pala nung alalay yung mga bag ko.

"salamat po sir. Sige ako napo bahala." Ang sabi ko dito at ayun na nga ang una encounter ko sa pinaka masungit na tao na nakilala ko.

She's my girlWhere stories live. Discover now