Chapter 3 - The Boss!

14 2 0
                                        

Previously on SMG...

Nabigla naman ako nang makalabas ng kwarto dahil sa lalaking nakita ko kasama sila nanay. Bakit ka nandito?

Berto?

---

Present time...


Anong ginagawa ng jowa ko dito?

"berto? Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ko sa kanya. May dala pa syang cake.

"ah kasi babe ay este Marnie, ano dumaan lang ako kasi may sasabihin lang ako" ang sabi ni Berto.

"ano ba yun?" ang tanong ko sa kanya. Bigla naman sumingit si Nanay.

"tama na muna yang tanungan nayan hah at baka lumamig ang niluto kong sinigang.. ikaw Berto sumabay ka na samin sa pag kain" sabi ni nanay at sumunod naman ako, tumulong na din ako mag handa ng mga plato at kutsara na gagamitin sa pagkain.

"*yawn kamusta ate!" si Yana, pamangkin ko mga nasa 17 years old na, iniwan na samin ng nanay dahil sumama sa ibang lalaki, at yung tatay? Hays nasa piling na ni Lord. Mas mabuti narin siguro iyon para narin hindi maghirap pa lalo si tito(tatay ni Yana) at pati narin si Yana, at buti nalang masaya sya sa piling nila nanay at ate Susan.

"good morning! Sabay kana dito samin" ang salubong ko sa kanya, agad naman syang umupo na sa tabi ni nanay at lumingon sa gawi ni Berto.

"oh my gosh! Kuya Berts! Anong satin!" hays kahit kailan talaga loko loko itong si Yana. Kumuha naman ng kanin si Yana at saka nagsabaw ng ulam na sinigang.

"ah eh kamusta ka Yana, laki mo na ah" ang nasabi nalang ni Berto.

"syempre, mas matangkad na nga ako kay ate Marnie, wow! May cake!" sabi pa nya ng makita ang cake sa lamesa.

"mamaya na yan Yana, kumain ka muna ng kanin" saway naman ni Nanay.

"si Nana yang kj, anyway ate malapit na palang manganak si ate Susan, baka next next month na..." ang tsismis sakin ni Yana.

"ah ganun ba? Teka nga nasan ba si ate Susan? Nasa farm ba sya?" ang tanong ko naman, may farm kasi kami. Hindi naman ako ganung kahirap, kumbaga nasa middle class ang family namin, yung farm naman minana pa namin sa lolo ko, at nung namatay si tatay, iniwan na samin ang lupa na iyon, kaya naman hanggang ngayon pinapahalagahan namin ang taniman ng kape. Actually malapit lang dito sa bahay ang farm namin kumbaga walking distance lang and ang mga kapitbahay namin ay mga tito ko rin na kasama sa pagpapanatili ng kapihan.

"Opo ate Marnie, kasama na naman yung asawa nyang mukhang kape din, hihi" pabirong sabi ni Yana.

"Yana, ikaw ah, wag kang ganyan" ang sabi ko na nakangiti.

"totoo naman di tulad nitong Jowa mong si kuya Berts, parang artista, yieeh" sabi pa ni Yana. Palabiro talaga ito, pero napangiti naman ako sa sinabi nya.

Pagkatapos ng kainan ay ayun nilantakan na ni Yana yung cake na dala ni Berto, ako naman at si Berto kasama si Nanay, nag uusap kami kasi may sasabihin daw na good news itong si Berto.

"o ano ba iyon Berto at kasama pa ako sa usapan?" ang sabi ni Nanay.

"ah ano po kasi... nanalo po kasi ako nung isang araw sa school festival namin, tapos yung price po is dalawang ticket po para sa isang five star hotel, sayang naman po kasi yung isang ticket tita kung hindi po magagamit" pag explain ni Berto kay Nanay.

"ah ganun ba iho, aba'y okay lang naman, pinapayagan ko naman itong si Marnie, Malaki na naman itong anak ko kaya may tiwala naman ako sa kanya." Sabi pa ni Nanay.

"ako hindi mo ba tatanungin kung sasama ba ako?" ang sabi ko na nakangiti.

"ay sorry babe, ay Marnie pala, ano game kaba?" ang sabi ni Berto. Umm nag iisip kasi ako ng possibilities. Pano kung may mangyari samin diba? Hindi naman sa assuming o pavirgin epek pa ako pero, alam nyo na, babae ako, tapos lalaki si Berto, at sabihin na natin na jowa ko sya diba? Hays bahala na, siguro it's time to relax muna...

"okay... game" ayun lang ang nasabi ko at agad naman natuwa si Berto.

Nag simula na akong mag ayos ng kakaunting damit na gagamitin kasi sabi nya two days and two nights kami doon, dahil may pa event daw na ganap.

Habang nag iimpake ng kung ano anong outfit ay naalala ko na naman yung lalaki na nasakyan ko. Yung sobrang sungit at sobrang sama nung ugali, ay wait... kailangan ko ba syang sabihan ng masama ang ugali kahit na hinatid nya ako ng walang bayad? Sige na nga pa bonus ko nalang sa kanya na sobrang bait nya at pinasakay nya ako sa mamahalin nyang kotse, pero kahit na ang sungit parin nya.


Different Scene at the same time...

-THIRD PERSON POV-

Sa harapan ng isang malaking building maraming tao ang nag aabang sa pagbaba ng isang tao. Isang taong ginagalang ng lahat pero hindi ng mga tao dito sa lugar nila. Balak lang naman kasi ng tao na ito na bilhin ang lupang tinatayuan ng malawak na kapihan, at balak tayuan ng isang business house para sa kumpanya nya. Mahalaga sa mga tao ang kapihan dahil dito nakasalalay ang kanilang hanap buhay at pag kain sa araw araw, kaya naman naglakas loob ang mga tao dito na mag welga sa labas ng building ng taong iyon.

"Ibagsak ang Sandoval Company! Ibagsak!" sigaw ng maraming tao na pawang mga farmer ang mga itsura.

Bigla nalang tumahimik ang lahat ng biglang dumating ang itim na kotse, bumusina pa ito ng napakalakas dahil hinaharangan ito ng mga tao na inis na inis sa taong nakasakay dito.

Tumigil ang kotse sa tapat ng building, marami ding guard ang umaawat sa mga tao para narin sa seguridad ng mahalagang tao na iyon.

Napatigil ang lahat ng bumaba mula sa kotse ang isang gwapong lalaki. May pagka chinito ang itsura nito ng alisin nya ang shades mula sa maganda nitong mukha. Maayos at desente syang tignan. May kaputian din ito at maganda ang hubog ng katawan na makikita mo sa maganda at mamahalin nitong suit na suot. Mala koreano ang datingan, at may pagkakahawig kay Mateo Do ng My Love From the Star (Korea Version).

Nagsitahik ang lahat, umakyat naman ang lalaki sa isang mini stage na nasa harapan ng maraming tao. Biglang nag ingay ulit ang lahat.

"Hoy! Hindi ka Diyos! Hindi kami papayag!" sigaw ng isang lalaki.

"Wala kang karapatan!" ang sabi pa nung isa.

Napangisi nalang ang lalaki at saka tinaas ang isang kamay hudyat na tumahik ang lahat, pero hindi nakinig ang mga tao.

Bigla na lamang nag bilang sa daliri ang lalaki. Pagkabilang nya ng tatlo at hindi parin tumahimik ang lahat ay bigla na lamang nag paputok ng baril ang isa nyang body guard. Napayuko ang lahat.

"finally" sabi niya sa sarili.

"Guilbert!" ang sigaw ng lalaki, tapos inabutan sya nito ng Lapel.

"makinig kayong mabuti, mga mabubuting farmer, nabili ko na lupang kinatatayuan nyo ngayon, wala na kayong magagawa, ang tanging magagawa nyo nalang ay mag impake, umalis sa lugar na ito at wag nang babalik!" ang sabi nya sa lapel na hawak, inis na inis ang mga tao sa inasta nya.

"eh pano kung ayaw namin!" ang sabi nung isang lalaki

"Your decision holds your fate, para din ito sa inyo, para wala naring gulo at wala nang madamay" ang mahinahong sabi ng lalaki.

Agad naman na umalis ang lalaki sa stage at saka sinundan na siya ng alalay nya at tinungo ang entrance ng building.

Nag simula ulit magkagulo sa labas at pigil pigil ito ng mga guards.


Itutuloy...

She's my girlStories to obsess over. Discover now