Previously on SMG...
Hindi ko alam pero bigla ko nalang pinasok ang isang room na napansin ko na hindi naka lock. ito na siguro ang room namin. Wala na akong ginawa kundi ang matulog nalang kaya naman tinungo ko ang kama naming at saka binagsak ang katawan doon at nag kumot. Napansin ko naman ang taong papalapit sa kama. Mukhang paika ika pa ito mag lakad pero mala anino na lamang ang napapansin ko sa kanya dahil Malabo na nga ang paningin ko.
Nagulat na lamang ako ng bigla nya akong halikan. Pero dahil narin siguro sa alak ay hindi ko iyon ininda. Ano bang nangyayari?
---
*An Hour before the happenings...
-JEROME'S POV-
(Identity information:
Name: Jerome Clint Sandoval
Age: 26 years old
Characteristics: May pagkasingkit ang mata, matangkad pero hindi sobra, maputi din, malapad ang mga braso ( short explanation: Mateo Do's features is the best example)
Attitude: Sobrang sungit, Workaholic, Time is gold for him, pero may mabuting kalooban( totoo ba?!)
Position: CEO of Sandoval Company
Purpose: Business Meeting and Party)
Kakagaling ko lang sa entrance at ang dami na namang paparazzi ang nakaabang sakin kanina pagkababa ko palang ng kotse. Pagod na ako at gusto ko nang mahiga kaya naman pumunta na agad ako sa elevator at saka pinindot ang button para sa floor ng room na gagamitin ko. Nang bumukas ang elevator na gamit ko ay napansin ko ang dalawang tao sa peripheral vision ko. Hindi ko nalang sila pinansin at mukhang guess din sila dito. Agad ko nang tinungo ang room at gumamit ng keycard para mabuksan ito. Hindi pala auto lock ang mga pintuan dito, ikaw mismo ang mag lalock. Pagkapasok ko palang ay agad na may pumigil sa pintuan ng room ko na isang lalaki. May dala itong alak at pagkain.
"what?" ang masungit ko na sabi.
"sir, excuse lang po, room service lang po" ang sabi nya habang nakayuko at naka cap pa.
"hindi ako nag paparoom service" ang masungit ko na lamang na sagot. Pero sadyang makulit talaga ito. Napansin ko naman na parang kakaiba ang alak na dala nya. Mukhang masarap ito. Mahilig kasi ako mangolekta ng mga wine at mga alak kaya naman tinanggap ko na din ang alok nya. Pero yung alak lang ang kinuha ko.
Umupo muna ako sa couch at nilapag sa mesa ang alak na binigay sakin. Pero nakaramdam ako ng pag kaihi kaya naman agad akong tumungo sa banyo at ilabas ang ihi ko. Tapos pag kalabas ko ng banyo, nakalimutan ko palang ilock ang pintuan kaya naman tinungo ko iyon at saka nilock gamit ang keycard ko.
Umupo na ako sa couch at saka naman nagsalin ng kaunting alak sa baso. Inamoy ko muna ito at pina ikot ikot muna, mabango naman at mukhang mamahalin kaya naman nilagok ko ito ng dirediretso.
Hmm... masarap naman. Kaya naman pag kalipas lamang ng ilang minuto naubos ko kaagad ang alak na iyon.
Tinignan ko pa ang pangalan ng brand.
Hindi ito kilala pero sa tunog palang mukhang mamahalin ito. Nagbihis na ako pag katapos at para makapaghanda na sa business meeting ko at sa party na rin. Sigurado ako na ako na naman ang pinaka una sa headlines ng mga balita. Ang ayokong ayoko ko pa naman ang pinapakialaman ang bawat galaw na gagawin ko.
Pagkatapos ng ilang mga business meeting at mga pa party ay nahihilo akong naglakad papunta sa room ko. Hindi ko alam pero hilong hilo ako. Tapos ramdam ko din na para bang nag iinit ang katawan ko. Para na akong sasabog anytime kaya naman minadali ko na ang pagpunta sa room ko. Pero sanay na ako sa alak! Para bang May kung ano akong nainom na kakaiba at mistulang nag hihypnotize sakin. Nang makita ang room ko ay agad ko naman ginamit ang keycard pero pansin ko na bukas pala. Sh!t I forgot to lock it! Buti nalang at kakaunti lang ang mga tao dito sa vip part. You know they can't afford it.
YOU ARE READING
She's my girl
RomanceDescription: This story ay tungkol kay Marnie isang babaeng sobrang bait at masipag, lahat gagawin nya para sa kanyang pamilya sa probinsya. Kaya naman ng pumasok sya sa isang malaking kumpanya ay siya na ang tumutustos sa pamilya, habang ang mga it...
