Chapter 8 - Preggy?

10 2 0
                                        

Previously on SMG...

"what do you want?" ang matipid na tanong ni Jerome sa e-mail.

Isang bihasa sa computer ang isang tiyo nila kaya naman naisip na nila ang kayang gawin ni Jerome, ayun ay i tract silang tatlo, pero iniba nya ang lokasyon nila kaya naman hindi sila matunton ni Jerome.

"Gusto namin na itigil mo ang pagpapalayas sa mga tao ng Coffee Island (Lugar nila) at itigil ang masama mo na balak" at pagkatapos ay pinindot nila ang send button.

"hindi nyo ko masisindak" ang reply naman ni Jerome.

---

*Makalipas ang tatlong linggo

"o bes good morning..." ang bati ko naman kay Kendi. Sya pala ang bago ko na bestfriend dito sa opisina.

"o bes, jusko hindi ka maniniwala..." ang intriga nya na sabi.

"o ano na naman yang tsismis na yan..." ang sabi ko sabay pindot sa may coffee machine.

"kilala mo yung sikat na si Jordan Reymundo? Oh me gesh!" ang sabi pa nito na kinikilig.

"hmm.. actually bes hindi ko sya kilala" ang sabi ko dito. Tumaas naman ang kilay nya. E sa hindi ko kilala talaga ih.

"ikaw ang layo mo sa planetang earth, taga mars kaba? Parang napag iwanan ka na ng mundo bes..." ang biro nya sakin.

"e sino ba kasi yan?" ang tanong ko sabay higop ng kape. Pero hindi na namin natuloy ang pag uusap dahil biglang dumating ang head namin sa office.

Kaya naman tumigil na kami sa pag uusap at sinimulan na ang trabaho. Hays halos linggo na din ng mag simula akong magtrabaho dito sa SANDOVAL, nandito pala ako sa ibang branch nila, naka locate parin naman sa Batangas pero hindi sa lugar namin malapit, kaya naman naisipan ko nalang na mag upa ulit ng matutuluyan.

Sa mga nakalipas din na mga araw hindi ko alam pero parang lagi nalang akong naduduwal ng walang dahilan, lagi nalang akong madalas mahilo at minsan moody din pero hindi ko pinapakitaan ng mga masamang ugali ang mga kausap ko especially sa trabaho.
Agad ko naman kinulbit si Kendi sa kabila.

"o bakit bes?" ang tanong nya.

"ano kasi may tanong lang ako..." ang sabi ko pa.

"o sige go lang, basta hindi usapang lovelife hah, nako hindi tayo mag kakasundo dyan" ang pabiro nya na sagot.

"ano kasi bes... pano kapag na duduwal ka..." ang una ko na sabi

"o tapos?" mukhang naiintriga sya at may pag lapit pa ng tenga.

"tapos nahihilo minsan..." ang tuloy ko.
"ahum..." ang mahina nya na sabi.
"tapos parang lagi kang gutom?" ang tuloy ko ulit.
Nanlaki naman ang mga mata nya.

She's my girlStories to obsess over. Discover now